Chapter 1

16 5 0
                                    


“Cali, bilisan mo. Mahuhuli tayo.” nagpatuloy ako sa pagtakbo ng makita si manong guard na mabilis kaming hinahabol. Napangiwi ako ng maramdaman ang pananakit ng paa ko na natapilok kanina.

“Bakit ba kasi dito tayo dumaan? Sana sa kabila na lang.” naiinis na sambit ko habang nakaakbay pa kay Chin, ang sakit na talaga ng paa ko. Hanep!

“Huwag ka na ngang magreklamo, bilisan mo na lang.” napatawa naman si Ange sa gawi naming dalawa ni Chin.

Napasimangot ako ng makarating kami dito sa likod na bahagi ng university kung saan dito kami laging dumadaan para tumakas sa paaralan. Oo, kami ang estudyanteng hindi na nga matalino, lakad-bakod pa ang alam.

Mahina akong natawa ng pumwesto na si Ange, namumula pa ito habang naliligo sa sarili niyang pawis.

Ngayon na kasi ang huling laro ng kaibigan namin at nangako kami sa kan'ya na manonood kaming tatlo. Bawal absent kahit ang kapalit pa no'n ay sandamakmak na assignment.

Napalingon ako ng marinig ang malakas na pagsipol ni manong guard, nakasunod pa sa kanya ang disciplinary director. Patay!

“Cali, mauna ka na.” natatarantang sambit ni Chin na kaagad ko namang sinunod.

Mabilis akong pumatong sa likod ni Ange at dahan-dahang inakyat ang gate ng university.

Sandali pa ay tuluyan na nga akong nakapwesto sa itaas. Nilingon ko ang dalawa at nakangiti pa ang mga ito sa akin.

“Dalian niyo na,” sambit ko at naglahad ng kamay kay Chin para tulungan itong maka-akyat.

Magkahawak-kamay na kami ng bigla siyang bumitaw dahil sa pagkakahila ni manong guard dahilan para bumagsak ito sa damuhan, mabuti at mahigpit ang pagkakahawak ko sa bakal kaya hindi ako nadala sa pagkakahulog.

“Kayo na naman!” galit na boses ni director Felipe habang hawak nito sa pulsuhan si Ange.

“Alis na, Cali.” natatawang sabi ni Chin na mas lalong ikinasalubong ng kilay ng director namin.

“Don't you dare,” saad nito ngunit hindi ko ito pinansin.

“Paano kayo? Si Maggie—basta, mauna ka na.”

“Pero—alis na, Cali.”

“You punk, come back here.” wala na akong nagawa kundi ang tumalon na sa kalsada. Rinig na rinig ko pa ang malakas na boses ni director Felipe habang pinapagalitan ang dalawa kong kaibigan.

Napamura ako ng tumama ang paa ko sa semento, kaagad ko naman itong tiningnan at nangingitim na sa maga. Ang sakit!

“Cali Laurea, I will sue you.” narinig kong sigaw ni director Felipe na ikinatawa ko lang.

“Sumunod kayong dalawa ha!” nagmukha akong masamang tao na nakatakas sa kulungan o kung mas malala, isang baliw na nakalabas ng mental hospital.

Malakas akong napabuntong hininga at dahan-dahang tumayo.

“Ah-aray.” muli akong napaupo, paano ako makakalakad nito e kahit ang pagtayo ay nahihirapan na ako.

Bakit kasi natapilok pa ako kanina, nahuli pa tuloy kami. At ngayon, mag-isa akong manonood ng swimming competition ni Maggie, nakakainis.

“Are you okay?” napaangat ako ng tingin at isang lalaki na maamo ang mukha ang nakatayo sa harapan ko. Halatang naguguluhan pa ito habang ipinalipat-lipat ang tingin sa akin at sa gate na inakyat ko kanina.

“You escaped?” nagulat pa ito ngunit ngumiti na lang ako ng peke.

“Obvious ba?” sarkastikong saad ko at muling sinubukang tumayo.

The First SunriseWhere stories live. Discover now