Palihim kaming nakangiti ni Ange habang sinisermonan si Chin ng mama niya, kausap naman ng Daddy ni Ange ang principal namin habang ako, heto at kaharap si Director Filepe na mukhang kanina pa akong gustong mukbangin.
Sa lahat ng nakakarating dito sa principals office, ako lang yata ang walang kasamang magulang. Naku, asa pang darating si lolo e naglalako pa 'yon ng taho sa kanto.
Napangiti na lamang ako dahil sa hindi maipintang mukha ni Chin, ika nga niya, the best rapper si tita. Napatawa na lang ako ng mahina dahil sa mga iniisip ko.
"Ikaw Ms. Laurea, nasaan ang mga magulang mo?" napabaling ang tingin ko kay Director Filepe.
Napatikhim pa ako bago magsalita, "patay na ho." walang emosyong pagkakasabi ko rito.
"Sumagot ka ng maayos kung gusto mong makapagtapos ngayon taon."
Tumaas ang sulok ng labi ko sa sinabi nito, "Sir, matagal na pong patay ang tatay ko at wala na akong nanay, mas nauna pa nga 'yon nawala."
Napatingin ako kay Mrs. Principal ng may ibinulong ito kay director Felipe. Napabuntong hininga naman ito bago ibinalik ang atensyon sa akin.
"Kailangan kong makausap ang guardian mo, ija. Hindi maaari na maulit pa ito, gusto kong malaman ng mga magulang mo na kailangan mo yata ng gabay pagka't mali itong pinaggagawa ninyo, kahihiyan ito sa paaralan at masamang impluwensya sa ibang estudyante."
"Marami po kasing kailangan unahin ang lolo ko kaya hindi siya makakapunta ngayon." magalang na sagot ko.
"Ang nanay mo?"
Bago pa ako makasagot ay may nagsalita na sa likuran ko. "Andito na po ako sir, pasensya na at medyo nahuli ako ng dating."
Kaagad namang nag-iba ang emosyon ng mukha ko ng makita siya at talagang nakangiti pa, anong ginagawa niya rito?
"Kayo ho ba ang magulang ni Cali?"
"Ako nga po, sir."
I rolled my eyes and scoffed, "you are not."
Ang kaninang ngiti, ngayon wala na... kailanma'y hindi kita ituturing na magulang ko.
Natahimik ang lahat sa loob ng opisinang 'to, umiwas naman kaagad siya ng tingin at pekeng ngumiti sa lahat.
"Ah, ano po ba ang problema? Pagpasensyahan niyo na po ang anak ko na 'yan sir, pasaway talaga 'yan simula no'ng maliit pa siya."
Napakuyom ang panga ko ng marinig ang salitang 'anak', seriously?
Wala ka no'ng maliit pa ako.
Tumayo na ako at kaagad na lumabas sa opisina ng principal, narinig ko pa ang pagtawag sa akin nina Chin at Ange ngunit hindi na ako lumingon pa.
Dumiretso ako sa comfort room at kaagad na nanghilamos ng mukha.
No, hindi na ulit papatak ang luha ko na ikaw ang dahilan. Iniwan mo ako, ngayon huwag kang umasa na tatanggapin kita ulit.
Kitang-kita ko mula sa salamin ang pamumula ng mata ko, masama ba kung galit na lang ang natira sa puso ko?
Napahugot ako ng isang malalim na hininga at inayos na ang sarili ko bago lumabas ng comfort room, nagulat pa ako ng bigla akong binangga ng dalawang babae na nagkukulitan pa.
"Ano ba?" naiinis na sambit ko na halatang ikinagulat pa nila.
"Pasensya na ate," saad ng mga ito.
Nahagip ng tingin ko ang isang picture na pinag-aagawan nila kanina, pamilyar ang mukha ng lalaki ngunit hindi ko na lang ito pinansin.
Hindi na lang ako umimik at nilampasan na lamang sila, bago pa ako tuluyang makaalis ay narinig ko pa ang sinabi ng isa sa kanila.
"Hiwalay na raw sila... "
Napailing na lamang ako, bigla akong nagkaroon ng interes sa mukha ng lalaking 'yon.
Teka, hindi ba't siya ang lalaki noong nakaraang araw?
Muli ko namang naalala ang nangyari...
"Cali? Kapangalan mo pa ang girlfriend ko, what a coincidence, isn't it?"
Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi nito, hindi ko alam kung anong ekspresyon ang ipinapakita niya ngunit isa lang ang sinasabi ng mga mata niya, pain?
"Di baleng magkapareho ng pangalan, mas maganda naman ako roon." biro ko at sa hindi inaasahan, tumawa siya.
"You are," sambit nito kasabay ng pagtama ng paningin namin.
"Nagbibiro lang," naiilang na sagot ko at kaagad namang umiwas ng tingin.
Ano ba itong nararamdaman ko?
"Pero hindi ako nagbibiro."
Napalunok ako dahil sa sinabi nito, ramdam ko rin ang pag-init ng magkabilang pisngi ko.
"Maganda ka at hindi 'yon biro."
Hindi ko na napigilan ang ngumiti, Rafa?
Hindi ko alam ang buong pangalan niya ngunit nangako siya sa akin na magkikita kami ulit. Pakiramdam ko nga, matagal na kaming magkakilala.
"Caliyah, hoy!" kaagad kong nilingon ang kung sino mang tumawag sa akin.
"Pwede bang huwag mo akong tawagin sa pangalan na 'yan."
"Easy, ako to oh. Kaibigan mo oh." sinamaan ko ng tingin si Ange. Ayoko pa naman sa lahat ay ang tinatawag ako sa pangalan ko na kapareho sa pangalan ng nanay ko.
"Pinapabigay pala ito ni tita galing daw sa lolo mo." napatingin ako sa hawak nitong pera, kay lolo ba talaga galing 'yan?
"Tanggapin mo na, wala kang baon diba?"
Bumuntong hininga ako at tinanggap na lang ang pera.
Ilang sandali pa ay nagkagulo ang mga estudyante na nasa paligid namin, halos lahat sa kanila ay may hawak na telepono at ang iba naman ay umiiyak na.
Anong mayroon?
"Oh my God!" binalingan ko naman si Ange dahil malakas itong napatili.
"Ano ba? Anong nangyayari?" kaagad na tanong ko.
"Hala, hiwalay na sila." sabi pa nito.
"Sino? Anong hiwalay?"
"Cali, hindi pwede 'to." nagsimula na akong mainis dahil sa kinikilos ni Ange.
"Ano nga kasi ang mayroon." sambit ko.
"'yong vocalist at gitarista ng band na Xscape IV, sina Rafa at Cali hiwalay na. No!"
I rolled my eyes, 'yon lang naman pala. E hindi ko nga kilala ang mga 'yan.
"Cali, hindi pwede 'to. No, no.."
"Tigilan mo nga ako, Ange. Kung makaiyak ka d'yan ay para kang namatayan. At isa pa, ano bang pakialam mo sa kanila e buhay nila 'yan, hindi ikaw ang magdedesisyon ng ending ng love story nila." sagot ko rito ngunit mas lumakas lamang ang hikbi niya na peke naman.
"E, paano na kaming nga X's?"
"Kayong mga X's, hindi na binabalikan." biro ko rito na halatang ikinainis niya.
"Cali naman e, ang sakit mo sa apdo."
Natawa na lamang ako dahil alam kong iba ang iniisip niya. "Paano kung hindi ako balikan ni Maggie n'yan?" nakasimangot pa ito sa akin.
"Itanong mo sa kapwa mo X's!" natatawang sambit ko at nauna nang naglakad.
"Cali, ang sama mo!" narinig ko pang sigaw nito ngunit kumaway na lamang ako habang nakatalikod, eksakto naman at tumunog na ang bell hudyat na magsisimula na ang klase.
Ngayon ko lang napagtanto, Rafa at Cali?
Hindi kaya siya si Rafa na nakilala ko nakaraan? Hindi kaya siya si Cali na... teka, hiwalay na sila?
HerPenSilhouette