"Nasaan ang dalawa?" napabaling ang tingin ko kay Maggie na kasalukuyang inaayos ang mga gamit niya.
"Ayon, hindi nakaakyat ng gate, nahulog kay manong guard." may ngiti sa labing saad ko.
Isang nakakalokong ngiti ang tinugon sa akin ni Maggie saka siya lumapit at may ibinulong sa akin. "May naisip ako."
Kaagad naman siyang nauna sa paglalakad habang ako, naiwan pang tulala. Ano na naman kaya ang masamang binabalak ng kaibigan kong 'to?
"Hoy, hintayin mo ako."
"Ireto na lang kaya natin si Chin sa guard para madali tayong makakalabas ng school. Anong sa tingin mo?"
Sinamaan ko ng tingin si Maggie dahilan para tumawa ito ng malakas, "taken na ang best friend natin, umayos ka."
"Edi kay Ange?" mas lalo siyag natawa sa mga sinabi nito.
"Kilabutan ka nga sa mga sinsabi mo, babae ang gusto ni Ange, in love nga sayo 'yon."
Natigilan ito kaya ako naman ngayon ang natawa dahil sa ekspresyon ng mukha niya, namumula pa ito na halatang kinikilig na.
"Bakit hindi mo kasi aminin na may gusto ka rin sa kan'ya? May gusto nga ba o may gusto pa?"
Mapait itong ngumiti, "hindi naman sa mali pero hindi pwede, Cali."
Nawala ng ngiti sa mga labi ko kasabay ng pagtunog ng telepno nito, bago pa niya sinagot ay nakita ko pa kung sino ang tumatawag.
Her dad.
Ewan ko ba sa babaeng 'to, bantay sarado na nga , kontrolado pa ang kasiyahan. Kaya kung mayroon man saa aming apat ang nasa mahirap na sitwayson, si Maggie 'yon.
Kilala at magaling siya pagdating sa paglalangoy. Ilang medalya na rin ang nauwi niya at sa higit dalawang taon naming magkaibigan, ni minsan hindi ko pa siya nakitang masaya sa mga bagay na gusto niyang gawin o sa mga taong gusto niyang makasama.
Napabuntong hininga na lamang ako, dahil sa kanila ni Ange nabuo ang pagkakaibigan namin. At dahil rin sa kanila kung bakit minsan, nagkakagulo kami.
"Cali, pasensya na. Tumawag kasi si Papa, may pupuntahan daw kami."
"Hindi ba tayo magce-celebrate?"
Napakibit-balikat ito, "Maybe, next time?" malungkot ang mukha nito ngunit ano pa nga ba ang magagawa namin, papa niya 'yon eh. Walang makakapigil sa gusto no'n, siya palagi ang nasusunod.
Napabuntong-hininga na lamang ako at tinapik ang balikat nito, "Kita kits na lang sa school bukas? Doon na lang tayo magce-celebrate kung makakapasok pa kaming tatlo." Peke akong tumawa, sigurado na hindi magugutuhan ni Ange kapag nalaman niyang walang mapupuntahan ang pagtakas namin sa school kanina. Halos mapilay na nga ako, nahuli pa ang dalawa tapos wala naman pa lang magyayari.
Nakakainis talaga do'n sa part na wala kang magawa kundi sumang-ayon na lang. Napailing na lang ako kasabay ng pagyakap sa akin ni Maggie.
"Sorry, babawi na lang ako." malungkot nitong ani, napatango na lang ako bilang tugon.
Maya-maya pa ay kinuha na niya sa akin ag isang bag nito bago tuluyang umalis, kumaway na lang ako sa kan'ya ng muli siyang lumingon bago pumasok sa sasakyan na kanina pa pala naghihintay sa kan'ya.
Edi nawa'y lahat may sundo, nakasimangot pa ako hanggang sa mawala na sa paningin ko ang sasakyan nila ni Maggie.
Minuto ang lumipas ng marining ko ang pagtunog ng telepono ko, kaagad ko naman itong kinuha sa bulsa ng pantalon ko, patay... si lolo!
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at inihada ang tenga dahil panigurado na tataas ang boses nito, napatikhim pa ako bago sinagot ang tawag, "nasaan kang bata ka? Tumakas ka na naman ng paaralan, aba't umuwi ka na rito at naghihintay ang tatay mo." bungad nito.
Napakamot naman ako sa ulo ko, "Lo, matagal na pong wala si tatay." ngumisi pa ako ngunit kaagad din itong nawala ng may marining akong boses sa kabilang linya, hindi iyon galing kay lolo ngunit...
"Lo, magagabihan po ako." malamig ang boses na pagkakasabi ko rito at kaagad na ibinaba ag telepono, mas lalo akong hindi uuwi kung siya ang naghihintay sa bahay. Mas gugustuhin ko pa na galit ni lolo ang bumungad sa akin, huwag lang siya.
Isang malakas na hininga ang ibinuga ko, ang ayoko sa lahat ay babalik pagkatapos mang-iwan. Bakit kasi aalis kung babalik din naman at bakit babalik kung umalis na?
Hindi naman ito tungkol sa akin, tungkol 'to sa nangyari sa tatay ko pagkatapos niya kaming iwan. Dahil sa kan'ya, nawala ang taong hindi ko inaasahang iiwan din ako.
Muli ko na namang naalala ang araw na 'yon, ang araw na kung saan unang tumigil ang pag-ikot ng mundo, unang beses na naramdaman kong bumagal ang lahat maging ang pagtakbo habang hinahabol ang isang taong hindi man lang ako nilingon.
At sa kauna-unahang pagkakataon, nawalan ng kumpas ang buhay ko.
"Hoy, Cali." napabalik ako sa katinuan ng may biglang umakbay sa akin, si Chin.
"Nasaan si Maggie? Oh ano, panalo ba? Celebrate na tayo!" masigla ang boses ni Ange at makikita sa mukha nito kung gaano siya kasaya.
"Dating gawi? Tara."
"May pinuntahan si Maggie pagkatapos ng laro niya, next time na lang daw ang celebration." kaagad na nawala ang ngiti sa mga labi ni Ange dahil sa mga sinabi ko. Nagkatinginan kaming dalawa ni Chin, heto na naman at naiipit kaming dalawa sa sitwasyon.
"Tara, kumain na tayo. Nagugutom ako." bigla kong hinawakan ang kamay ni Ange at hinila ito papasok sa isang bus na tumigil sa harapan namin.
Kaagad ko namang nilingon si Chin, "Chin, bilisan mo!"
Hindi ko na napigilang matawa dahil sunod-sunod na pagmura ni Ange nang makapasok kami sa loob ng bus, "Tangina mo, Cali."
Masamang tingin ang itinapon nito sa akin habang si Chin ay habol pa ang hininga at umupo sa tabi ng isang lalaki sa likuran. "Chin up, Ange." natatawang sambit ni Chin at ngumiti pa ng napakalapad sa amin ni Ange ngunit tanging mura lang ang natanggap nito.
Napailing na lang ako dahil sa mga kawalang hiyaan naming tatlo. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa loob ng bus, tama ang mga magulang namin e, kung hindi sakit ng ulo at problema, kahihiyan ang hatid namin sa kanila.
Ewan ganito kami, ito 'yong nahanap kong saya noong akala ko hindi ako makakaahon sa lungkot at ito ang natagpuan kong tahanan na maaaring takbuhan sa tuwing kailangan ko ng masasandalan, itong pagkakaibigan na 'to ang nagsilbing kanlungan ko sa mga panahong naliligaw ako ng daan.
Ngunit, mukhang mas lalo akong naligaw. Ibang direksyon ang pinili kong sundan, direksyon na kung saan tanging saya ang aking natagpuan.
HerPenSilhouette