“Ma, hindi ako lilipat ng school. Kung gusto niyo kayo na lang mag-aral baka sakaling matutunan n'yo kung paano ang huwag mangialam.”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko basta't ang alam ko, galit ako. Hindi dahil lilipat daw ako ng school, hindi dahil pumunta pa s'ya rito sa school para kausapin ang principal at hindi dahil nagdesisyon s'ya na hindi ko alam. Galit ako kasi wala s'yang karapatan na mangialam sa buhay ko.
Sino ba s'ya?
Nanay ko? Talagang nag-imbento pa ng kwento.
“Cali, sa ayaw at sa gusto mo lilipat ka sa mas magandang paaralan. 'yong matututo ka ng mabuti hindi 'yong pagiging pasaway lang ang alam mo.
Peke akong tumawa kaya mas lalo lang kaming pinagtitinginan ng ibang estudyante rito.
“'yon lang ba talaga ma o dahil may ibang rason?”
Natahimik ito, ba't bigla yatang napalitan ng kaba ang emosyon n'ya.
“Alam mo?”
“Oo, alam na alam ko.”
“Anak, magpapaliwanag ako—”
“Seryoso ma? Binigyan n'yo pa ng sakit si lolo kesyo raw hindi na kayang maghanap buhay para may pambayad rito sa school, really? Ang galing mo naman mag-imbento ng kwento, ma.”
Hindi ito kumibo at umiwas na lamang ng tingin. Rinig ko pa ang ilang beses nitong pagbuntong-hininga.
“Hindi ako lilipat.” seryosong saad ko at kaagad na umalis.
Ba't kasi sa dinami-dami ng pwedeng bumalik, ikaw pa?
Nakakainis!
“I'm sorry, miss.”
Hindi ko na nilingon ang lalaking nabangga ko. Ang hirap kapag kahinaan mo ang isang tao e, mapapaiyak ka na lang sa tuwing naiisip mo s'ya.
And I hate it!
I hate the way my tears fall because of her.
Dumiretso ako dito sa likod na bahagi ng school kung saan ito ang paborito kong tambayan dito.
Ito rin ang nagsilbing takbuhan ko sa tuwing gusto kong mapag-isa.
Umupo ako sa isang malaking bato at doon hinayaang tumulo ang mga luha ko.
“Tay, sana nandito ka.”
“Sabi mo nga, kapag umalis na... hindi na bumabalik.” nagulat ako ng may biglang umupo sa tabi ko.
Ngunit mas lalo lang akong natigilan nang mapagtanto kung sino—s'ya na naman?
“Hindi ba't sabi ng lolo mo, bawal ang umiyak dahil bawat patak ng luha, may namamatay na bituin.”
“Ang bigat na kasi...”
Ngumiti ito sa akin, “ilabas mo para gumaan.”
Napasinghot ako at pinunasan ang pisngi ko, tumingin lang ako sa malayo at pilit kinakalma ang sarili ko.
Natahimik kaming dalawa at tanging paghinga lang naming dalawa ang naririnig ko.
Muling bumalik ang tanong na, bakit sa tuwing tumatakas ako... sa kan'ya ako napapadpad?
“Fot the third time, we met again for one reason. I'm starting to think that it has something to tell us or maybe, we need to figure out something.”
I looked at him with all the curiousity, “figure out something?”
Nagkibit-balikat ito na para bang naguguluhan na rin s'ya.