Hindi ko alam pero naiinis na talaga ako sa laman ng twitter ko, halos lahat ay nagdadalamhati dahil sa hiwalayan ng dalawang member ng isang sikat na banda kung saan maaaring ito na ang simula ng pagkasira nito.
Kahit sa school forum ay iyon rin ang bungad, ano bang mayro'n sa dalawa at kung maka-react ang iba ay parang sinakluban ito ng mundo.
Samantalang ako, hindi nga sila kilala.
Ayon dito sa isang twitter post, four years ago ay nabuo ang bandang Xscape IV which is obviously, binubuo ito ng apat na members.
Nagsimula raw itong sumikat ng magkatuluyan ang dalawa at inidolo ito ng lahat dahil na rin sa isang music video na ginawa nila na siyang nakakuha ng higit isang milyon na manonood.
Dahil sa video raw na 'yon ipinakita ang unang pagkikita ng dalawa at kung paano nagsimulang magkaroon ng ritmo ang mga buhay nila.
Napabuntong hininga na lamang ako at ininom na ang mainit na kape. Itong si Ange at Maggie ay kanina pa nagwawala sa social media kesyo raw hindi nila matanggap na masisira na ang paborito nilang banda.
Tanong naman ng karamihan, bakit nauwi sa hiwalayan ang dating walang hangganan?
"Updated ka rin pala," kaagad akong napaangat ng tingin ng marinig ang pamilyar na boses na 'yon.
Kitang-kita ko ang maamo niyang mukha, nagkakagulo pa ang buhok nito at halata ang pamumula ng mga mata niya.
"Remember me?" muli itong nagsalita ngunit nanatili akong walang kibo. Walang salita ang lumabas sa labi ko, naging blanko ang lahat habang nakatingin lang ako sa mga mata niya.
"Rafa, the one you met unexpectedly five days ago. Huwag mong sabihin na hindi mo na ako kilala."
Napakurap ako ng bigla niyang tinapik ng mahina ang ulo ko. "I know, naaalala kita." wala sa sarili sagot ko at umiwas na lamang ng tingin.
We met? Again.
"Bakit ka nandito?" kapagkuwan ay tanong ko.
Nagkibit-balikat ito at tinuro ang isang lalaking kumakanta sa harap, "I'm next.. after him." sagot nito.
Napatango na lang ako dahil sa totoo lang, naiilang ako sa kan'ya. Bukod kasi na pangalawang beses ko pa lang siya nakita, mukhang malapit na akong mamatay dahil sa mga tingin ng mga tao rito sa loob ng cafe.
"I promised that we'll meet again, maybe not the same place, scenario or time but we we did, at iisa pa rin ang dahilan. Tumakas ka na naman, tama?"
Peke akong ngumiti at tumango na lang. Tama, tumakas na naman ako ngunit hindi sa paaralan kundi sa tahanan na dapat nagsisilbing pahinga ko.
"Bakit kaya sa tuwing tumatakas ka, sa'kin ka napapadpad?" napatigil ako sa tanong nito dahilan para mapatingin ako sa kan'ya.
"Ewan...?"
Ngumiti ito, nagulat ako ng bigla niyang nilagok ang laman ng isang basong kape.
"Maybe, this is the answer," sambit nito at iniwan akong tulala.
Umakyat ito sa maliit na stage sa harap at umupo sa upuan kung saan naka-pwesto sa harap nito ang microphone, maya-maya pa ay tumutok na sa kanya ang spotlight. Kasabay ng pagtunog ng musika ay natahimik ang lahat.
"I used to listen to this song and never knew that this would be my favorite... when I met this girl." napalunok ako ng magtama ang paningin namin, ngumiti pa ito sa akin bago niya sinimulang ipatugtog ang gitara niya.
"She don't laugh at everything but when she does the planet swings around her."
Woah, his voice... seems so familiar.