Mikay's POV
Aaaah. *Inat inat*
-_O > O_- > O_O
Nagulat ako na kaharap ko. Ay oo nga pala! Magkatabi nga pala kaming natulog ni Gino. Ganito ba kami kalapit kanina pa? Waaaa. :O Wait.. Anong oras na ba? Shit! 3pm na pala! Ganun kami katagal nakatulog? -_- Aish. Pero.. Pansin ko lang, ang pogi pala talaga ni Gino noh? Ang tangos ng ilong nya, pink yung lips, reddish yung pisngi. Haaaay. Medyo nilayo ko yung mukha ko... pero nakayakap padin sya. Tapos pinadaan ko yung daliri ko sa ilong nya..
"*Habang pinadadaan yung daliri ko sa ilong nya* Hay nako Gino.. Ang amo mo pag tulog no? Siguro.. Ang sarap mo mahalin? Sayang, hindi ko nararamdaman yun."
"Pwede mo namang subukan eh."
Napa-laki yung mata ko. Kanina pa pala gising to? Pero pano? Edi naramdaman nya yung pagdaan ng daliri ko sa ilong nya? MIKAAAAAAAAAY, nakakahiya! >//////////////./////////////////<
"Gino.. Ikaw! Gising ka naman pala eh! Tumayo na tayo, 3 na! Gusto kong mamasyal."
"Eh, dito nalang tayo. *Hinigpitan nya lalo yung yakap sakin* Naeenjoy ko to eh."
"Tsk. Manyak. BITAW NA! Tas maligo ka na."
Inalis ko yung kamay nya sa bewang ko tapos tumayo na. Pero sya.. ayun! Nakahiga padin! Ang sexy pala ng likod nya no? Pucha, ang hot nya! Sarap hawakan ng katawan! HAHAHA, Ang manyak ko! -_-
"Gino naman eh. Tumayo ka na dyan! Isa."
"Mamaya na kasi sabi."
"GINO DELA ROSA! I'm warning you!"
"Tsss. Fine fine!"
Tapos tumayo na sya at ginulo yung kamay nya. Mainit ulo. Pano ba naman? Ginisng ko. E sadyang gusto ko mamasyal eh. Tsaka, nagugutom na ko! Nakakainis. Tapos pumasok na sya sa banyo.. Ako naman, eto nagbibihis. Hindi ako lalabas na nakashorts lang noh. Actually, shorts lang din. Pero, mas mahaba ng onti.
"Gino lumabas ka na dyan! Tara na. Alis na tayo!"
"Ona ona!"
Tapos lumabas sya na naka tapis lang yung baba nya. -_- UMIINIT DITO! Kabanas! Tapos basang basa pa sya.
"Huuuuy! Baka matunaw ako ha?"
"S-sus! Magbihis ka na kasi!"
"Just admit it. Gusto mo to eh *Sabay hawak sa abs nya* Diba?"
Tapos unti unti syang lumapit sakin. Nakatingin sakin. GOSH! Yung aircon! Itodo nyo yung aircon! Namamawis na ko sa sobrang init. Parang yakap yakap na ko ng araw eh. Pksh*t.
"Gi-gino! Luu-luu.. UGH! Lumayo ka nga sakin!"
"Umamin ka na kasi. You like this naman eh,"
Lakad sya ng lakad papunta sakin tapos ako naman atras ng atras. HAYUP na yan Gino! Ugh. Nakakainis ka! -_-
"Gino ano ba kase? Lumayo ka! BAHALA KA NGA DYAN! Bwisit!"
Sabay walkout si Mikay. Nabibiwisit naman kasi talaga ko e. Kanina pa ko minamanyak neto. BWISIT TALAGA! PWEDE BANG PUMATAY? Bwisit talaga!
"Oy Mikay *Sabay hawak sa braso ko* Joke lang. Oo na, magbibihis na ko. Tapos mamamasyal na tayo dyan sa labas. Para hindi ka na magalit."
"Oo na sige na. Bilisan mo lang!"
Tapos ayun nagbihis na sya. Casual lang naman eh.
-------------------------------------
Gino's POV
Kasalukuyan kaming naglaakd ni Mikay dito sa may shore. Hindi na masyadong mainit kasi past three na naman. Ang ganda talaga ng taal noh? Medyo madilim nga lang, makulimlim kasi. Mukhang uulan. Hindi ko naman masabi kay Mikay na bumalik na kami sa room kasi, ngayon lang sya makakapasyal since bukas, uuwi na kami sa Manila. Hindi na kami makakapasyal. Kaya pinagbigyan ko nalang sya.
"Mikay.."
"Hmm?"
"Bat ang tahimik mo?"
"Wala. Inienjoy ko lang yung view."
"Maganda diba? Pero mas maganda ka."
"Ako?"
"Oo, mas maganda ka kesa sa view. Mas masarap kang tignan."
Paktay nadulas! Wrong move wrong move!
"Patola!" -Ako
"Psh. Loko ka talaga. Ah, Gino.. Pwede ba kong magtanong?"
"Ano yun?"
"Uhmm.. Kasi, ever since nagkakilala tayo, I've never met your mom. Nasan ba sya? Nasa ibang bansa?"
Tapos umupo kami sa may sand.
"No. *Sigh* So, since tinanong mo na din, better yet sagutin ko na din diba? So ok, my mom, I don't know where she is or what she's doing. I've never met her. Sabi ni dad, my momleft us a month after nya ko maipanganak. Hindi alam ni Dad kung nasan si Mama. I've never experienced having a mom ever since. Pictures? Wala din. Mas minabuti ni dad na wala akong makita / makilalang nanay kesa daw kilala ko, baka kamuhian ko lang daw. Alam mo Mikay, nung bata ako, naiingit ako sa mga kaklase ko. Kasi yung sumusundo sa kanila, daddy nila, mommy nila. Habang ako, yaya at driver lang. Si dad, laging busy sa work. Kaya nung medyo tumanda na ko, nagrebelde ako. Kaya eto ako ngayon. GAGO."
"S-sorry Gino.. Hindi ko sinasadya na matanong pa yun."
Tumingin ako sa kanya. Diretso sa mga mata nya. Tapos tumingin na uli sa malayo. Tapos biglang .... BUMUHOS ANG ISANG MALAKAS NA ULAN. Ang weird nung ulan na yun. Isang malakas na buhos, hindi man lang umambon muna. Adik tong langit ngayon ha?
"Mikay tara na! Umuulan na!"
"Ehhh, dito na lang tayo! Gusto ko maligo sa ulan! Waaaaaaa. Ang saya Gino."
Masaya naman talaga eh. Kelan pa ba ko nakaligo sa ulan? 4 yrs old pa ata ako nun?
"Laro tayo Mikay.. Pag nahuli kita, ipagluluto mo ko. Pag hindi naman, ipi-piggy back ride kita hanggang sa room. Game?"
"Sige dali! One..Two..Three, TAKBO!"
Ayun, nagtakbuhan kami ng nagtakbuhan. Ang saya saya namin. Umuulan tapos naghahabulan kami. Sa tubig, sa sand, kung saan saan. Hanngang sa napagod na ko. Hindi ko sya nahabol. Meaning nun, piggy back. Paktay!
"Haha! Talo ka! Piggy back mo na ko!"
"Aish. Kaso, luge, ang layo pa naman ng room natin."
"Weee, a deal is a deal. Dali na Gino."
"Aish. Sige na nga. Sakay na!"
Ayun, naglakad ako ng naglakad habang nakasakay sya sa likod ko. Ang saya namin, tawanan kami ng tawanan. Ang harot harot nya. Haaaay, kelan ko kaya aaminin?
-------------------------------------------------------------------------
HI! Ok lang ba? Naeexcite talaga ako mag UD. Pagbigyan nyo na ko! ^^ Sa gustong magpadedicate, ayos lang, comment lang kayo. Salamat sa lahat ng nagbabasa at sumusubaybay dito! Labyu guys!
Ano kaya yung sikretong aaminin ni Gino? Hmmm. Nakakasuspense. :)
Follow nyo ko sa twitter @OAYForever. Dalee, tweet tweet tayo ha! Labyu Guys!
BINABASA MO ANG
My enemy .. My Bride?! [Editing]
Fanfiction[Don't Read, currently editing.] Ongoing series by BlackerThanBlack. All rights reserved, 2013.