Mikay's POV
Nasa sasakyan palang kami at papunta kaming mall. Not just any mall, sa MOA. :) Hindi pa nga namin napaguusapan kung anong gagawin namin sa mall. Malamang mamamasyal kami diba? Pero .. baka naman kasi, kakain lang, mag aarcade, o magsisine.
"Gino .. ano nga palang gagawin natin sa mall?"
"Uhm, ikaw? Ano bang gusto mong gawin?"
"Uh, Sine nalang tayo ok lang ba?"
"Sige .. balita ko palabas na yung Oblivion. Yun nalang panoorin natin."
Eh?! Oblivion? Sabi nga nila, maganda yun pero, ang trip ko panoorin eh 'It takes a man and a woman'.
"Eh, pwede bang It takes a man and a woman nalang?"
"Ha?"
"Sige na please?!"
Nag-puppy eyes na ko at nag pray sign. Nagpacute pa para lang pumayag sya. PUMAYAG KA PLEASE PUMAYAG KA! >//<
"Ayoko nga! Oblivion papanoorin natin, tapos!"
WHATTHE?! Akala ko ba date to? Tapos sya magdedesisyon ganun? Niyaya yaya nya pa ko. Badtrip!
"Edi sana, nagdate ka magisa! Niyaya mo pa ko, tapos ganito."
Badtrip na talaga ako, akala ko pa naman magiging maganda ang date namin. Tapos, sya masusunod? Manigas sya. :|
"Oh baba na!"
SIGAWAN BAKO? Ni hindi man lang ako pinagbuksan ng pintuan. Peste to ha? Date ba tawag nya dito? E SYA MAY KASALANAN SAMIN AH?! Hindi ko pa nga sya napapatawad sa ginawa nya eh. BV. -_-
"Oo! Wag mo kong sigawan! Bababa na kung bababa! Psh."
Bumaba na agad ako nga kotse at naunang maglakad sa kanya. Dumiretso na ko agad sa Cinema at hinintay syang dumating.
"Oh! Bat nauna ka dyan? Hindi mo man lang ako inantay."
WOW HA?! Maang maangan? Walang ginawa wala?!
"Psh. Bumili ka nalang ng ticket para makanood na tayo ng OBLIVION mo."
"Di na kaylangan. Nakapagpareserve na ko ng ticket. Lika na."
Sabay hinablot nya yung kamay ko at hinatak ako papasok ng Cinema. Sa badtrip ko, hindi ko tinignan yung ticket, yung pangalan na nasa may LED sign nila sa entrance ng cinema, wala. Hinayaan kong hatakin nya ko. Sa badtrip ko din, hindi ko napansin na may dala na pala syang pagkain. Kaya siguro sya nahuli kanina.
"Umupo ka na. O ayan!"
Sabay abot sakin ng paper bag ng KFC tsaka McDo.
"Bat dalawa to?"
"Alam kong hindi ka mabubusog sa isa. Kaya ayan dalawa na."
"So patay gutom ako?"
"Shhh... Ingay Mikay!"
GANON? Nagsimula na yung advertisements, Star Cinema, yung reminders, etc. Hanggang sa nagsimula na yung mismong movie. At dahil banas ako, pumikit ako. Kaya hindi ko nakikita yung nagpeplay. Nagbingi bingihan din ako sa sounds nun.
"Mikay .. Miks!"
"ANO?"
"Aish bala ka."
Nakapikit ako ng marinig ko, 'Nandyan na ko.' 'Wala akong makita.' Tapos napadilat ako nung 'Ay! Nakikita ko na!' Kasi boses ni SARAH G. Yun! Napabalikwas ako nanood. Tapos tumingin ako kay Gino, nakangiti sya pero nakaharap sa screen.

BINABASA MO ANG
My enemy .. My Bride?! [Editing]
Fanfiction[Don't Read, currently editing.] Ongoing series by BlackerThanBlack. All rights reserved, 2013.