Mikay's POV
After kong makipagkita kay Jao, umuwi na agad ako. Umuwi ako ng umiiyak. Hindi ko mapigilan yung sarili ko eh. Naglakad lang uli ako pauwi. Pagdating ko sa bahay, walang tao sa sala, sa kusina, sa dining area. Asan na kaya yung mga tao dito? Tch.
"Nak, ikaw na ba yan?"
Nakopo! Si mama! I wiped my tears para hindi na nya makita. Kung ano ano na naman kasi iisipin nya eh. Magtatanong na naman ng magtatanong yun. Alam nyo naman ang mga nanay.
"Yuuup. San ka ma?"
"Dali nak! Punta ka dito sa room mo dali!"
Ano kayang meron at excited na excited tong si mama?
"Wait lang ma."
Nagmadali akong umakyat sa room ko para hanapin si mama. Pasensya na ang bagal ko umakyat, ang haba kasi ng hagdanan namin tsaka mabagal talaga ako umakyat.
"Ma ba--"
Naputol ako sa sinasabi ko kasi tumambad sa harap ko ang isang napakagarbong WEDDING GOWN. With matching shoes pa. Ito na ata yung wedding gown ko eh. Hala? Bat ganito nararamdaman ko? Kinakabahan na malungkot na masaya? Ugh. Ibig sabihin, it's official.. ikakasal na talaga ako. Lumapit ako sa gown at hinawakan ko yun, ang ganda nya talaga. As in sobra. Napapaluha ba ko? Ugh.
"Nak, this is really it!"
"Yahh. Ito na talaga ma."
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Gino's POV
Galing kila Mikay, 30 minutes byahe pa ko papunta sa bahay. Medyo malapit lang din naman kila Mikay yung bahay namin. Pagdating ko sa bahay, BAT TAHIMIK? Nasan kaya si Dad? Baka nasa office na naman o kaya nasa business meeting. Tsk.
"Sir Gino.. nandito na po pala kayo, akala ko po saa Friday pa ang uwi nyo,"
"Napaaga lang manang. Nasan nga pala si Dad?"
"Nasa Singapore po sya Sir Gino. Nagkaron po kasi ng emergency sa kumpanya ninyo doon. Hindi nya po sinabi kung kelan sya uuwi. Ay sya nga po pala sir, yung isusuot nyo daw po sa kasal nyo, naideliver na po kanina, inilagay ko na po dun sa kwarto nyo."
"Ah sige salamat Manang."
Umakyat na ko sa kwarto para magpalit tsaka para tignan nadin yung sinasabi ni Manang na damit. Pagpasok ko sa kwarto, may isang box sa kama, may label pa na 'Gino Dela Rosa Wedding' binuksan ko kaagad tapos nakita ko ang isang beige na coat and tie. Tsaka sa isa pang box may black shoes. Tapos sa may bed side table, may envelope. I guess yun yung Invitation. Binuksan ko kagad sya. at oo, invitation nga sya. Kung nagtataka kayo kung bakit ni hindi man lang kami nag pre-nuptial shots ni Mikay ay yun ay dahil sabi ni dad, hindi na daw kaylangan yun. Tsaka alam ko din naman na hindi papayag si Mikay. Yun pa? Tsk. Baka sa pre-nup ay magaway lang kami. Teka? Yung sa invitation nakalagay Feb 24? Eh Feb 15 na ngayon ah? 9 days nalang yun ah? Bakit ang bilis? Ni hindi man lang nagpasabi si dad? Tch.
HAY NAKO....
[AN: Sorry sa lam at short UD. Exam na po kasi namin, after March 15 na po ang next UD, or baka after March 12 po. Thankyou! ]
BINABASA MO ANG
My enemy .. My Bride?! [Editing]
Fanfiction[Don't Read, currently editing.] Ongoing series by BlackerThanBlack. All rights reserved, 2013.