Mikay's POV
So ayun, piniggy back nga ako ni Gino hanggang dito sa room. Kakapasok palang namin sa room.. Bumaba na ko sa likod nya kasi halatang napapagod na sya.
"Gino.. Magpalit ka na ng damit."
Hindi sya sumagot. Ano na naman kayang ginagawa nun? Psh. Baka umalis na naman.
"Huy Gino! *Natigilan* What the? Anong nangyari sayo?"
Pano ba naman, nakita kong nagdudugo yung ilong nya. Naka-salo sa dugo yung kamay nya. Kaya kumalat na sa kamay nya. Tsk.
"Halika nga. Sh*t ang init mo! Kasi ikaw eh. Naigo ka pa sa ulan."
"Eh, s-sino bang nag-aya na maligo sa ulan? Diba ikaw?"
"Tsk. Sabi ko nga eh. Halika na nga sa kama. Magpahinga ka nalang."
Dinala ko na sya sa kama. Sobrang init nya. Sakitin naman pala to sumama pa sa pagligo ko sa ulan. Pero.. Kasalanan ko rin naman eh. Kasi, ako nagaya. Tsk. Mikay.. :/
"Gino.. Basang basa ka pa eh. Papalitan muna kita ng damit tapos pupunasan nadin pala kita."
"W-wag na M-mikay. A-ako na."
"Ako na sabi eh. Ang kulit."
"Mikay ako na. Sige na.. Magluto ka na dun."
"Ayy, sige na nga!"
Kaya naglakad na ko papunta sa kusina. Ang kulet naman talaga ni Gino oh.. Sya na nga tinutulungan eh. Bahala sya sa buhay nya.
"Sya nga pala Gino .. *Sabay talikod* uy! Sabi ko kasi ako na eh."
Pano ba naman, nakita ko sya na hirap na hirap na magpalit ng damit. Epal kasi naman talaga. Sabi ko na kasing ako na eh. >:|
"Oh ano? *Sabay lapit* AKO NA."
"Eh Mikay..."
"ISA."
"Oo na oo na."
"Oh humiga ka na!"
Humiga naman sya. Nanunuyo yung labi nya. Halatang may sakit sya. Ang init nya sobra. Tapos namumutla pa sya. Kasi naman eh, inaya ko pa syang maligo sa ulan. Yan tuloy, may sakit na sya. -_- Tapos narinig ko nalang na naghihilik na sya. Nakatulog na sa sobrang pagod at sakit ng katawan. Ang gwapo mo talaga Gino -- este, wala pala! :| Hinubad ko na yung shirt nya. OMG. Abs kung abs! Ang hot nya pucha. Tapos basa pa sya. Pinunasan ko yung katawan nya. Nanginginig pa yung kamay ko. MIKAY! Okay tapos na yung katawan nya. Sinuotan ko na din sya ng damit. Huuu! Pano ko papalitan yung pants nya? Wag nalang kaya? Matutuyo naman yan eh. Kaso -- baka lalo syang magkasakit. Anong gagawin ko? Papalitan ko ba?
"M-mikay .. N-nilalam-mig ako.."
"Oo.. Papalitan ko na yung pants mo."
Huu! Kaya ko to! Hinubad ko na yung pants nya.. Naka boxers nalang sya. Pano na to? ALAM KO NA! Pipikit nalang ako! Yun tama. Pipikit nalang ako. Tapos ... after ilang minutes, sa wakas! Napalitan ko na din sya. Wala akong nakita ha? Promise wala!
"Sige Gino.. Matulog ka na. Dadalin ko nalang yung pagkain mo mamaya."
Paalis na sana ako nung nagsalita sya.
"Mikay.. bumalik ka kagad ha? Wag mo kong iiwan."
"O-osi-sige."
Ayun, nagluto naman agad ako. Since wala naman akong napamili or anything, may noodles naman sa ref, yun nalang niluto ko para sa kanya. Para naman mainitan yung tyan nya tsaka para pagpawisan sya at mawala yung lagnat nya.
"Oh Gino, kumain ka na muna."
"Ayoko Mikay."
"Sige na. Pano ka gagaling nyan? Uuwi na tayo bukas oh!"
"A-ayoko talaga."
"GINO!"
"Oo na nga kasi. -_-"
Sinubuan ko na sya ng noodles. Tapos nakailang subo lang sya, ayaw na daw nya. Tsaka, hindi ko na sya pipilitin. Masama na nga pakiramdam nya eh. Tapos kumain nadin ako.. Noodles lang din kinain ko. Wala naman akong ganang kumain eh. Tapos, umupo nalang ako sa sofa at nanood ng TV para hindi ako mabore. Hindi padin naman ako inaantok eh. Nilipat ko sa isang channel na puro movies, tapos sakto, HORROR pa. Mygad. Yung palabas na 'One Missed Call' actually, hindi naman ata sya horror eh, suspense lang ata tsaka Gore. Kaso kasi, medyo nakakatakot eh. >:| Ayan na! Nandun na ako sa part ng movie na medyo nakakatakot na yung tunog or ewan. Basta parang may lalabas na ... Ayan na.. Ayan na talaga! Tapos biglang... MAY HUMAWAK SA BALIKAT KO.
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Bitawan mo ko! Bitawan mo ko!"
Tapos napatayo ako at napaharap dun sa part kung nasan yung humawak sakin. Nakatingin sya ng 'What-did-I-do' look. Guess who? Edi si Gino. Sino pa ba?
"Psh. Ikaw lang pala! Bat nangugulat ka? Tsaka bat tumayo ka? Mamaya mabinat ka pa nyan. Tsk. Pasaway ka talaga."
"Hindi kasi ako makatulog eh. Ang lamig kasi tapos wala pa kong katabi."
Umupo na uli ako sa sofa since wala nang mananakot. Si Gino lang pala kasi yun.
"Eh mamaya magkasakit ka lalo nyan." -Ako
Umikot sya tapos humiga sa may sofa. Adik talaga tong lalakeng to. Ang laki laki ng kama, dito sya hihiga kung san maliit yung space. Actually, medyo malaki naman yung space, pang dalawang tao nga yung aki ng sofa.
"Huy! Dun ka na sa kama. Adik ka. Mamaya magkasakit ka lalo dyan. Adik ka talaga!"
Hindi lang sya sumagot, umayos lang sya ng higa. Adik to.
"Huy!" This time, inaalog alog ko na sya.
"Mikay.. Shhhhh!" Tapos nag quiet sign pa sya.
"Bat ba ayaw mo sa kama?"
"Kasi wala ka dun."
"Aish. Matulog ka na nga lang."
"Tabihan mo ko dito Mikay please dali na para gumaling na ko."
"Sige na sige na. Kung hindi lang ako nakokonsensya eh. Tsh, usog ka."
Tapos ayun, tumabi na ko sa kanya. Syempre, niyakap na naman nya ko. Nakailang chansing na to ah? -_- After ilang minutes, Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.
---------------------------------------
Gino's POV
Adik talaga matulog tong si Mikay.. Naghihilik ba naman? Hahahahah. Magkayakap kami ngayon. Ay mali, nakayakap pala ko sa kanya. Hindi nya ko niyayakap. Adik yan eh. Ayaw akong yakapin. Hays. :(
"Mikay .. Sana mahal mo nalang din ako."
Tapos pumikit na ko.. at after ilang minutes, Zzzzzzzzzzzzzzzz.
~
Sorry short UD. Tinatamad po si Otor eh. :)
BINABASA MO ANG
My enemy .. My Bride?! [Editing]
Fanfiction[Don't Read, currently editing.] Ongoing series by BlackerThanBlack. All rights reserved, 2013.