Waiting Shed

2.1K 26 0
                                    

Lumalalim na naman ang gabi ngunit madami parin ang mga taong nag-aantay dito sa may shed, mga taong pauwi na din sakanilang mga tahanan.

Sinilip ko ang relo sa aking kaliwang kamay, mag-aalas onse na wala paring bus na dumadating inaantok na ako hayy

"Nay upo po kayo dito" aya ko sa matanda, kanina ko pa kasi ito napapansing nakatayo lang kasama ang apo nito, ni wala manlang nag alok ng upuan sakanila tsk

Agad naman inokupa ng matanda ang pwesto ko at kinarga ang bata. "Salamat apo" tango lang ang naging sagot ko at tipid na nginitian sya.

Tumayo ako sa gilid at sumandal sa poste, napansin ko ang babaeng naka-upo sa may plant box sa kabilang gilid ng shed, pwede kasi itong upuan dahil simento ito. Mukhang mayaman ang babae, abala sya sa pag-iiscroll sa kanyang iphone 14 pro max (wow!) at kumikinang pa ang mga suot na alahas nito. Sosyal naman pero mag bu-bus lang?

Hindi ba nya alam na mainit sa mga mata ng magnanakaw mga tulad nya?

Gusto ko sanang maki-share ng upuan sakanya, malaki pa naman ang space doon pero nakakahiya. Shy type ako eh.

Hindi nagtagal ay dumating na ang hinihintay ng lahat. Pina-una ko muna sila dahil ayokong makipag-siksikan, kakasya naman siguro kami lahat sa laki ng bus ano?

Nakapasok na kami't lahat lahat ngunit yung babae ay nanatili paring naka-upo at nag seselpon. Hindi ba sya sasakay? Delikado na at baka mapano pa sya. Bilang isang mabuting mamamayan, lalabas na sana ako at tatawagin ang babae nang biglang umandar na ang bus.

"Umupo ka na iha baka biglang pumreno ang drayber" sabi ng isang ginang na nakaupo malapit saakin. Tumango lamang ako sakanya at sinilip ang babae sa bintana. Ang tanging magagawa ko nalang talaga ay ipanalangin ang kaligtasan nya.

Sana naman makauwi sya ng ligtas. Sambit ko sa aking isipan.

Nagdaan ang ilang buwan at ganun pa rin, nakikita ko parin ang babaeng yun gabi-gabi kada nag-aantay ako ng bus pauwi. Minsan nga naiisip ko na baka multo yun pero hindi naman ata nagpapalit-palit ng damit ang mga multo diba? Tulad ngayon, naka bistida naman ito na nagpanganga saakin dahil sa sobrang hapit nito sa kanyang katawan. That voluptuous figure of her. Ohlala~

Pati kung paano sya umupo ay mahahalata mong mayaman. Maganda si ate girl hindi yun maitatanggi. Kung titignan mo sya ay napaka perpekto nito mula sa mukha nitong makinis, mga matang tamang-tama lang ang laki, at kahit naka side-view sya saakin lagi ay mahahalata ang mahahabang pilik mata nito. Agaw pansin din ang matangos nyang ilong at ang mga kissable lips nito na mamula-mula na ansarap siguro tikman. Oh shet ano ba tong naiisip ko?

Nagmumukha na akong manyak dito dahil lagi akong nakatingin sakanya, eh sa dumadapo talaga mga mata ko sa maganda nyang mukha eh!

Nataranta ako bigla ng lumingon ito saakin at nginitian ako. Gags ang ganda!

Napalunok ako ng sunod sunod at iniwas ko ang tingin, tinuon ko na lamang ang atensyon sa tahimik na daan sa aking harapan. Tanga tanga nahuli akong nakatingin sakanya.

Feeling ko naman nakakauwi syang safe, nakikita ko pa sya ngayon eh. Natetempt na nga akong lapitan sya kasi... wala lang gusto ko lang makipag-kaibigan. Wala naman sigurong masama sa ganun diba? Pero ayun nga pinapangunahan ako ng hiya at takot na baka dedmahin ako edi effort wasted diba?

Napabuntong hininga na lamang ako sa aking mga naiisip. Sumabay pa na antagal na naman dumating ng bus, ang sarap na humiga sa kama nyemas naman!

May pasok pa kasi ako sa gabi minsan at nag o-OJT naman ako sa umaga. Eh kapag gabi ay wala ng jeep at tanging bus lang ang dumadaan saamin kapag ganitong oras.

Oneshots: Beneath the Starry Night (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon