Nanlalamig at namamasa ang mga kamay, nanunuyot ang lalamunan at nasusuka ako na ewan. Kinakabahan na ako pisti!
"Huyyyy" panggugulat saakin ng bestfriend kong si Mirama
"Ano ba yors may kinakabisa ako, panira ka naman eh!" Naiinis kong sabi at sinamaan sya ng tingin. Reporting mamaya eh at ang grupo na namin ang naka assign ngayon, wala pa naman akong tulog dahil imbes na mag-aral eh nag bar hopping kami ng baklang tow kagabi.
"Matalino ka naman Ses, kayang kaya mo na yan mamaya. Si Ma'am Avery lang yun relax ka lang" inirapan nya ako at inabala ang sarili sa pag seselpon. Nangla-like na naman yan ng mga chupapi sa IG for sure.
"Yun na nga si Ma'am Avery yun" yung babaeng yun eh may sa demonyo kaya para walang tanong mamaya eh kailangan kong galingan.
"Ay oo nga pala si Ma'am Avery na crush mo pala yan"
"Ulol hindi—"
"..lang crush?" Tumawa sya na parang baliw na akala mo talaga eh nakakatuwa yung sinabi nya kaya binatukan ko ito
"Gaga baka may makarinig sayo ano pa isipin"
"Walangya ka masisira beauty ko sayo teh!" Na-sstress nyang sabi, nilabas nya ang kanyang foundation at suklay sa dalang hand bag. Mas mukhang sya pa babae kesa samin myghad!
"Gawa gawa ka kasi"
"Wag ako bakla, naaamoy kita. Ka-federasyon ka" ayan na naman sya sa kakasabi nya na bading ako. Ako talaga? Duh?
"Manahimik ka nga kinakabahan na nga ako. Dahil talaga to sa ka-gagahan mo kagabi eh hindi ko tuloy na praktis mga sasabihin" pinilit nya kasi akong mag-walwal kagabi yan tuloy!
Sa totoo lang, kaya ko naman pero kapag ganito ako ka-bothered dahil sa puyat ay nagiging sabaw ako at kung ano ano nasasabi at nagagawa ko. Mas kinakabahan ata ako sa mangyayari sakin ngayon.
Nabigla ako sa pagpapaharap ng bakla saakin. "Umamin ka nga, di ka pa nakaka move on kay maam ano?"
"Huyy bibig mo!" Sinampal ko sya pero yung mahina lang "kung ano-ano nalang talaga lumalabas jan nu? Move on move on, tanga ka ba? Naging kami ba? Tsaka imposible di ko gusto demunyitang yun no! Si ano kaya crush ko.."
"Oh si Megan? Sus kunwari ka pa" naputol ang pag-uusap namin nang biglang pumasok ang Devil who wears Prada. Chareeeeenngg. Basta si Prof.
"Syempre dun tayo kay SC pres"
"Kitams. Bakla ka pala eh! Bakla baklaaa" Binuo pa nya yung boses nya na kala mo talaga straight eh. Masasakal ko talaga bading na to ang ingay eh.
"Mr. Mirama, minimize your voice" ma-awtoridad na sabi ng malditang prof. Napayuko at humingi ng tawad ang bff ko. Tumawa naman ng mahinhin ang kasama nito. At kung minamalas ka nga naman, si Megan pala kasama nya pumasok! Anong ginagawa nya ba dito? Dapat wala sya dito. Char desisyon ka gurl?
Kumaway si Megan saakin na kinawayan ko rin naman, friendship kami nyan eh.
"Hi crush" bati ko
"Oh, san nakatingin baks?" Pang-asar na bulong ng katabi ko
"Kaw talaga Gab" ngiting sabi ni Megan. Andito nga pala kami sa pinaka likuran nakapwesto ni bakla, mukhang dito din ata pupwesto si Megan at di ko alam ba't andito pa si maam dapat nasa harap na sya.
"Makikisit-in ka Megs?" Tanong ni bff, tumango naman si Megan sakanya. Ow naol pa sit-in sit in lang.
Tumikhim ang dimonyo kaya nabaling ang aming atensyon sakanya.
"I hope you're ready Ms. Miranda" hala gagi reporting na pala huhu
Napatayo ako bigla at napasunod sakanya na pumunta sa harap ng mga kaklase namin nang biglang natalisod ako dahil sa sintas. Punyeta talaga eto na nga ba sinasabi ko!
Saktong pagharap ni maam saakin ay napaluhod ako sa harap nya.
"Anong behavior yan beks?!" Sigaw ng nag-iisang bakla sa buhay ko
"Tamang behavior. Luluhuran" komento ng nakaupo sa unahan. Kaya nagtawanan ang lahat. Pinagkakaisahan nila ako huhu
"Stand up. Idiot" utos ni maam, aguy na idiot pa ako
Dali dali akong tumayo at pinagpag ang sarili na parang walang nangyari. Dapat cool lang tayo.
"Sorry maam, sa uulitin" tawanan ulit ang mga kaklase ko dahil sa naging sagot ko. Napatampal ako sa aking noo dahil sa kahihiyan. Walangya talagaaaaa!
Napakunot naman ang noo ni maam dahil sa kasabawan ko. Hindi to maaari huhu papatayin ko talaga baklang yun mamaya eh sya talaga puno't dulo.
Nag-sorry ako ulit tsaka tumahimik nalang. Nasa table na nya kanina pa ang laptop ko kaya di na ako nag-abalang ayusin pa mga kailangan ko dahil naka konekta narin ito sa projector.
"I'm expecting na gagalingan mo 'coz your crush is here" malditang pang-aasar ni maam na narinig na naman ng lahat. Yes maam andito crush ko kahiya nga eh!
Pero shet kotang kota na ako for today ha!
Ngunit! Huhuhuhu napatago ako agad sa teacher's table nang biglang kasabay ng pag-on ng laptop ko ay ang mga pictures ng crush ko ang bumungad sakanila. Nakalimutan kong ini-wallpaper ko pala sya!
Napuno ng asaran at kantyaw ng mga kaklase ko ang buong classroom. Tumikhim si maam at tiningnan din ako ng may pang-aasar at pagtaas ng kilay.
"You illegally—I repeat— ILLEGALLY downloaded my pictures at ginawa mo pang wallpaper mo Ms. Miranda ha"
Mas hindi ko kinaya ang pag smirk nya saakin na napaka sexy. Lord! Lord pwede nyo na po ako kunin..
Isama nyo narin po si Maam. Charaught! Joke lang Lord.
BINABASA MO ANG
Oneshots: Beneath the Starry Night (GxG)
RomanceOneshot Collection - Some chapters are: Rated-✗! 🔞⚠️ Intersex