"Sav, gusto mo bang sumama?" Bungad na tanong saakin ng kaibigan ko pagkalabas ko ng room namin.
Katatapos lamang ng last subject ko at mag aalasais na ng gabi kaya nararamdaman ko na ang pagod.
"Good evening din sayo Jas" sarkastiko kong sagot sakanya. Inakbayan nya lang ako at sinabayan sa paglalakad na natatawa.
"Tara sama ka na saamin tutal tapos naman na ang exam kaya mag wa-walwal tayo!" Masayang sabi nya
Si Jas ang maituturing kong bestfriend ko. Nagkakilala lang kami dahil sa mga minor subjects namin mula nung 1st year college kami at dahil nga lagi kaming nag kakaklase ay naging kaibigan ko sya. Makulit din kasi ang isang ito.
Magkaiba man ang aming kurso ay hindi iyon naging hadlang para hindi nya ako guluhin paminsan-minsan.
"May magagawa pa ba ako eh parang ayaw mo nang bumitaw saakin?" walang gana kong sagot. Gusto ko na kasing bumalik ng boarding house at matulog na lang.
Pero dahil si Jas ito ay hindi ako makakauwi ng basta basta.
Natawa naman sya sa naging sagot ko at dinala na ako kung nasaan ang iba pa nyang mga kaibigan.
"Syempre wala hahahahaha wag ka muna puro aral at mag enjoy muna" Tama sya at puro pag-aaral nalang ang inaatupag ko pero pwede naman kasing sa susunod na araw nalang kami mag-enjoy ano? Hay.
"Jasy!" Tawag pansin ng grupong hindi kalayuan saamin. Nasa lima sila doon, sila ang mga kaibigan ni Jas na naging kaibigan ko narin pero hindi masyadong close. Nakakasama ko lang sila kapag mga ganitong ganap at tamang pansinan lang kapag nagkikita kami dito sa campus.
"Isasama natin si Sav ha? Kawawa kasi loner ang kaibigan natin." Pangga-gago ni Jas saakin kaya sinamaan ko lamang sya ng tingin na ikinatawa naman ng mga kasama namin.
"Syempre naman, hindi tayo matutuloy kung wala si Savrina" Sabi ni Chloe at hinawakan ang kaliwang braso ko.
Para naman akong nakuryente pero nakabawi naman agad. Sa totoo lang ay hindi ako sanay at hindi ako fan ng skinships. Na totolerate ko pa si Jas dahil close naman kami at nasanay na ako.
"Tara na ba?" Tanong ni Jas sakanila
"Saglit lang may sasama pa saatin" Taas baba ang kilay na nakangiting pahayag ni Lindtsey
"Hala sino sino?" Curious namang tanong ni Jas.
Tahimik lang akong nakikinig sakanilang pag uusap nang may nagsalita sa likod namin.
"Sorry natagalan"
Isang mala anghel ang tinig ang narinig ko kaya napalingon din ako sa aming likuran. Tila nawala bigla ang pagod na aking nararamdaman sa narinig. Potek! Boses pa lang.
"Ayos lang Miss Mandy" nakangiting tumango-tango lang si Aero, ang nag-iisang lalaki sa grupo.
"Wow ma'am okay lang talaga sayo?" Namamanghang tanong ni Jas sa babae. Mukhang malapit sila sa isa't-isa ha.
Mahinhin namang natawa ang magandang dilag saaming harapan at tumango din. Pansin kong natigilan ang lahat at napaiwas ng tingin.
"Yeah minsan lang naman"
"Oh right, tara na mga hangal!" excited na sigaw ni Lisa at nakatanggap ng hampas galing kay Chloe dahil sa lakas ng sigaw nito.
"Tangina nito, kailangan talaga nasigaw?"
Natawa na lamang sila at ako'y napa ngiti nalang at nailing.
Habang naglalakad kami sa parking lot ay puro tawanan at asaran lang sila na sinasali rin si Miss Mandy. Nauuna silang maglakad at kasabayan ko naman mag lakad si Rhain.
BINABASA MO ANG
Oneshots: Beneath the Starry Night (GxG)
RomanceOneshot Collection - Some chapters are: Rated-✗! 🔞⚠️ Intersex