Chapter 1: Attack

47 3 2
                                    

Hello! Thanks for reading!

--------------

Kasalukuyan akong nanonood ng mga batang naglalaro sa labas. Ang saya siguro kung may mga kaibigan din ako. Hindi kasi ako pinapayagang lumabas dahil delikado. Pakiramdam ko ay para akong nakakulong. Pero ayos lang, naiintindihan ko namang gusto lang ni Dad na maging safe ako. Pero hindi ko pa rin mapigilang isipin na paano kung may kasama ako lagi? Paano kung may tao akong makakausap bukod kina Mama at Dad? Paano kung hindi siya umalis? Ang saya siguro.

"Hello? Earth to Erin?" Bumalik ako sa realidad nang pumitik sa harap ng mukha ko ang tutor ko. Oo, tutor. Hindi ako kailanman pinapayagang lumabas kaya homeschooled din ako.

Napabuntong-hininga na lang siya, "Pagod ka na ba? Gusto mo bukas nalang tayo magpatuloy?" Mabilis akong tumango kaya nag-ayos na siya ng mga gamit niya. Mabait ang tutor ko, sinigurado nina Dad 'yan. Minsan, sa kanya ko sinasabi ang mga hinanaing ko sa buhay kaya alam kong naiintindihan din niya ako.

Nagpaalam na siya at umalis. Si Mama naman ang pumasok sa kwarto ko at kinamusta ang pag-aaral ko. "Okay naman po. Magaling magturo si Maam Stella." Ngumiti ako at tumingin ulit sa labas. Unti-unti nang nagsisiuwian ang mga bata dahil nagsisimula na ring magdilim.

"Mabuti naman kung gano'n." Umupo siya sa tabi ko at sinuklay-suklay ang buhok ko gamit ang kamay niya. "Anak, sabihin mo lang kung nagiging malungkot ka na rito ha. Pwede mo naman akong kausapin, pwede rin tayong makipag-video call kina Auntie mo. Sabihin mo lang, anak." Napangiti ako at tumango. Kahit papano ay naiintindihan din ni Mama ang nararamdaman ko. Umalis na siya kaya nagbihis na ako.

Kasusuot ko lang ng pajama ko no'ng marinig kong parang nagkakagulo sa labas. May narinig akong putok ng baril kaya kinabahan ako. Tanging suot ko lamang ay ang pantulog ko pero mabilis akong bumaba para tingnan ang nangyayari.

May mga lalakeng nakaitim na nakakalat sa buong bahay namin ngayon at hindi sila mukhang mga bisita. Nakaratay sa sahig ang mga bodyguard naming kanina'y nasa harap ng pintuan. Nakatago lang ako sa hagdan at hinahanap sina Mama. Habang naghahanap, may nakita akong pamilyar na mga mukha na kabilang sa mga nanloob samin. Hindi ko muna yon pinansin at hinanap sina Dad.

"Ito, boss! Ang asawa!" sigaw ng lalakeng hila-hila ang Mama ko. Teka, SI MAMA?!

"MA!" sigaw ko habang nasa itaas pa rin ng hagdan. Naiiyak na ako kasi nasa kanila ang Mama ko. Nasan ka na ba, Dad?! Mabilis akong bumalik sa kwarto ko at tinawagan si Dad. Sumagot naman siya agad at nalaman kong wala pala siya sa bahay ngayon. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari bago pa ako maabutan ng mga taong yon dito sa kwarto ko.

Lumabas ulit ako para sana tingnan kung kamusta na si Mama pero natigil ako nang sumigaw siya. "Anak, h'wag! H'wag kang bababa! Tumakbo ka na!" Tumawa ang mga walang hiyang lalakeng nakahawak kay Mama. Tinanaw naman ako ng iba sa kanila at nagsimulang akyatin ang hagdan papunta sakin. "H'wag! Pakiusap! Ako nalang!" Pagpupumiglas pa ring pagmamakaawa ni Mama. Naiiyak na rin ako sa sitwasyon namin. May mga baril silang lahat, patay na ang ilang mga kasambahay at nagkalat ang dugo.

"H'wag niyo siyang gagalawin! Papunta na si Jayme at sisiguraduhin niyang mauubos kayong lahat!" sigaw ni Mama.

Ngunit sa oras ding yon, naubos ang pasensya ng lider nila. "Tumahimik ka, put-nginamo! Wala na siyang laban sa'min!" Don ko napagtanto na isa siya sa mga pamilyar para sakin. Isa siya sa mga tauhan ni Dad!

"Hindi ako makapaniwalang kaya mong traydurin si Jayme, Gary. Pagkatapos ng mga ginawa niya para sa pamilya mo?!" Pulang-pula na ang mukha ni Mama sa galit. Hindi niya lubos maisip na ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Dad ay siya pang magiging lider ng samahang magpapabagsak samin.

"Palibhasa'y wala kang alam, Lydia. Ni hindi ko nga rin malalaman kung hindi lang ako pinaalam nila eh," Nila? Nino? "Sinabi nila sa'kin ang ginagawa niyang asawa mo sa pamilya ko. Akala ko rin ay mapagkakatiwalaan ko siya. Alam mo ba, ha? Alam mo ba ang nangyari sa anak ko? Pinagtulungan nilang gulpihin si Erik! Kritikal siya sa hospital ngayon at ang tanging naaalala niya sa mga taong nanggulpi sa kanya ay si Jayme!" Hindi! Hindi magagawa ni Dad yon! Sinungaling ka!

"Hindi... Imposible yan. Hindi gano'ng tao si Jayme..." Naiiyak na sambit ni Mama. Hindi ko na rin maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya o hindi.

Hindi ko napansing kanina pa pala nakahawak sa'kin ang mga tauhan ni Gary kung hindi lang nila ako hinila pababa. Nakita ni Mama 'yon kaya lalo siyang nagpumiglas. "H'wag, please. Huwag niyo siyang idamay. A-ako nalang! Ako nalang ang dalhin niyo!" Desperadong pagmamakaawa ni Mama. Mabilis akong umiling nang umiling.

"Ma! H'wag! Ayos lang ako..." Please, darating din yon si Dad.

Natawa sina Gary at ang mga tauhan niya. "Awwe, napaka-dramatic naman ng tagpong 'to. Lahat ng mga nandito ay nalagasan na ng mga mahal sa buhay dahil kay Jayme. Sinong nagsabing may dadalhin kami sa inyo? Wala! Dito kayo mamamatay!" Nilabas niya ang baril niya at ipapaputok na sana sa direksyon ni Mama nang may bumaril din sa kanya. Dumaplis 'yon sa braso niya kaya nabitawan niya ang baril.

Agad na-alerto ang iba sa kanyang mga tauhan. May mga pumasok na mga tauhan namin sa loob ng bahay at do'n nagsimula ang bakbakan. May mga umatake sa mga tauhang nakahawak samin ni Mama kaya nakalaya kami. Nag-panic ako dahil nasa gitna ako ng mga nagliliparang bala. May humila sa'kin papunta sa gilid at likod ng malaking vase namin. Si Tito Jerome. Sinabihan niya akong 'wag umalis don kaya tumango ako.

Nahagip ng paningin ko si Mama na tila naghahanap sakin. Nang makita niya ako ay sumilay ang ngiti sa labi niya. Ngumiti rin ako at hinintay siyang makalapit. Ngunit unti-unting nawala ang ngiti ko nang ang isa sa mga kalabang nakahiga na ay kumuha ng baril at itinuon 'yon kay Mama. Agad nag-unahan ang mga luha ko at mabilis na tumakbo kay Mama.

"Ma! Watch out!" Tila nagulat siyang makita akong tumatakbo papunta sa kanya pero niyakap niya pa rin ako. "...Ma?" Bigla kong naramdaman ang bigat ng kaniyang katawan na unti-unting nang dumadausdos pababa. Tumigil ang mundo ko nang mapagtanto ko ang nangyari. Nagsimula akong umiyak nang umiyak. Wala na akong pakialam kung nasa gitna kami ng gulo. Nakahiga na siya sa sahig at hawak ko ang kaniyang ulo. Kahit nanginginig ay pilit niyang inaabot ang mukha ko. Ngumiti siya sakin ng napakatamis.

"Anak...M-masaya akong ligtas ka, anak. Mukhang h-hindi na kita m-maaabutang... tuparin ang mga p-pangarap mo sa buhay." Lalo akong natakot dahil umuubo na siya ng dugo.

Umiling-iling ako at nilibot ang paningin ko. "Please! Tumawag kayo ng ambulansya! Si Mama!" Patak na nang patak ang luha ko sa mukha niya pero wala siyang ibang ginawa kundi ang ngumiti.

"Shh... Ayos lang, anak. H-Hindi na ako aabot. Tandaan mong m-mahal na mahal... kita, anak, ha? N-narito ako palagi. B-bantayan kit..." Lumala ang pag-uubo niya ng dugo kaya halos hindi na siya makapagsalita.

"Ma, please. 'Wag mong sabihin 'yan. Mabubuhay ka, okay? Please wag mo kong iwan!" Paghahagulhol ko ng iyak. Unti-unti nang bumabalik sakin ang mga alaalang kasama ko si Mama. Mas lalo akong naiyak nang halos wala nang lakas si Mama na abutin ako.

"S-sabihin mo sa Dad mo n-na mahal ko s-siya at w-wala siyang k-kasalanan. P-please live well, anak." Tuluyan nang bumagsak ang mga kamay niya at pumikit ang mga mata. Niyugyog ko siya dahil 'di pa rin ako makapaniwala sa iniisip ko ngayon. Kahit halata na ay hindi ko pa rin kayang paniwalaan.

Patak pa rin nang patak ang luha ko habang niyuyugyog ko siya. "Ma, please, bumangon ka ryan..." Nabingi na ako sa tunog ng mga nagpapatayan sa paligid namin at inaalala ko nalang si Mama. Niyakap ko siya ng mahigpit at walang balak bumitaw. Bahala na kung anong mangyari sa'kin.

Unti-unting nanlabo ang paningin ko at naramdaman ko nalang na bumagsak ang katawan ko sa sahig.

---------

In-Photo: Erin Lacsamana

Credits to the owner.

The Mafia Boss' DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon