Kinagabihan, hindi na ako masyadong nahirapang matulog. Siguro ay napagod ako sa kwentuhan namin ni Gail. Kinuwento niya kasi sa'kin ang nangyari sa kanya nang lumipat sila ng pamilya nila. Hindi ko na matandaan ang ibang detalye pero lumipat sila dahil may nabiling bagong bahay ang tatay niya sa Cebu. Naisipang bumukod ng tatay niya dahil ilang taon na rin silang nakikitira sa bahay namin. Kahit ayaw sana pakawalan nina Daddy sila ay sa huli, hinayaan na lang.
Nang gabi ring iyon, nanaginip ako. Bumalik ako sa mga panahong sobrang bata ko pa at nandito pa si Mama.
Nanonood ako ng palabas sa TV. Ang paborito kong palabas, The Little Mermaid.
"Erin, anak! Oras na para matulog!" ani Mama habang nagliligpit ng mga laruang nakakalat. Agad naman siyang tinulungan ng mga kasambahay.
"But...Maaa! I still wanna watch Ariel!" pagmamaktol ko habang nakayakap pa sa Flounder plushie ko.
"You can watch it again tomorrow, anak. It's late na kaya you have to sleep na, okay?" paglalambing sa'kin ni Mama.
"No! I wanna watch it now!" I threw a tantrum.
However, my mom was calm. She knows exactly how to make me obey her.
"Don't you remember? You're already on Ursula's naughty list. She said that if you won't sleep today, she will turn you to a poor unfortunate soul~" pananakot pa ni Mama. Well, it worked.
My young self screamed and dashed out of the living room. I heard my mom laugh. Oh, how I miss her so much.
Mama followed me in the bedroom and tucked me into the bed.
"Do you want me to sing you a lullaby, anak?"
I happily nodded. I love when my mom sings. It brings me comfort and joy.
"But after this, you should promise me na you would sleep na, okay?" I, once again, happily nodded.
"La la la la la la la, la la la la la la la,
Oh the waves roll low,
Oh the waves roll high,
And so it goes," here comes my favorite part.
"Under a bright blue endless sky,
Waves try to measure,
Days that we treasure,
Wave hello,
And wave" she sang and tapped my nose lightly "goodbye~"
(Song: Athena's Song - Disney's The Little Mermaid: Ariel's Beginning)
Inayos niya ang kumot ko at hinalikan ang noo ko.
"Good night, anak. I love you." Her smile was the last thing I saw before I went to sleep.
Umiiyak akong nagising. Kung sa nagdaang araw ay natutulala lang ako kapag naiisip kong wala na si Mama, ngayon ay hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko. Biglang gusto kong magwala. Sumisigaw ako at umiiyak sa kwarto. Hinihiling na sana hindi nangyari ang araw na 'yon. Hinihiling na sana nandito pa ang Mama ko.
Bigla akong nakaramdam ng poot at galit. Parang gusto kong...hindi. Masama 'yon. Hindi ko dapat naiisip 'yon. Hindi ako dapat maging katulad nila. Pero may maliit na boses pa rin sa kaloob-looban ko na dapat kong gawin 'yon. Pilit ko mang iwinawakli ay tumatalima pa rin sa utak ko habang nagsisigaw pa rin ako sa kwarto.
Nalilito ako. Ano bang dapat kong gawin? Hindi ko lubos maatim na hayaan nalang ang nangyari at tanggapin na pinatay ng mga taong 'yon ang Mama ko. Hinding-hindi ko sila mapapatawad sa pagta-traydor nila. Gusto kong saktan ang sarili ko sa kadahilanang wala man lang akong nagawa.
BINABASA MO ANG
The Mafia Boss' Daughter
ActionAng buhay bilang anak ng isang mafia boss ay hindi madali. Hindi ito cool, katulad nang mga nasa librong nababasa ko. Palaging nasa panganib ang buhay ko kaya hinding-hindi ako pwedeng lumabas. Ngunit sa isang pangyayari ng buhay ko, hindi ko...