Naalimpungatan ako at nahanap ang sarili sa isang hospital. Nage-echo sa buong silid ang tunog ng heart rate monitor.
Naalala ko si Mama. Nasaan na siya? Nangyari ba talaga yon? P-patay na ba talaga siya? Pinilit kong tumayo at hanapin si Dad. Hindi ko mapigilang isipin na kasalanan niya itong lahat. Kung hindi siguro siya nag-mafia ay wala siguro kaming kalaban. Kung hindi siguro siya nag-mafia ay hindi sana namin mararanasan yon. Kung hindi siguro siya nag-mafia buhay pa siguro si Mama. Hindi ko aakalaing magiging anak ako ng isang mafia boss. Hindi ko aakalaing manganganib ako buong buhay ko.
Napaluhod nalang ako dahil nawalan na ako ng lakas. Hindi ko akalaing wala na akong Mama na makikitang nagluluto sa kusina. Hindi ko akalaing wala na akong Mama na parating nag-aalaga sakin. Hindi ko akalaing wala na akong Mama na masasandalan kapag wala akong lakas harapin mag-isa ang mga problema ko sa buhay.
Bumukas ang pinto at naramdam ko nalang ang yakap ni Dad. "Anak..." Niyakap niya ako at don humagulhol ng iyak. Hindi ako kumibo at hinayaan lang siya. "Hindi man lang ako nakapagpaalam sa Mommy mo. Hindi ko man lang siya naabutang yakapin at hagkan. Ang sakit sa pakiramdam, anak. Miss na miss ko na siya. Pasensya ka na, anak, na nangyari ito sa'yo, sa'tin," Patuloy lang siyang umiiyak sa balikat ko habang ako namay nakatulala lang.
Nalaman ko ring ilang araw na pala akong walang malay sa hospital at nailibing na si Mama. Hindi ko rin lubos maisip na sakin maglalabas ng damdamin ang ama ko. Siguro ay wala rin siyang ibang taong masasandalan kundi ay ako lang. Hindi na niya siguro magawang magtiwala ulit. Kahit isipin kong kasalanan niya ito, hindi ko rin maiwasang maawa. Mahal na mahal niya si Mama. Alam kong hindi niya rin ginustong mangyari to. Alam kong kinakain na siya ng pagsisisi ngayon kaya kailangan ko ring tumulong.
"Dad... Alam mo ba na ang huling sinabi niya sa nalalabi niyang oras ay mahal na mahal na mahal ka niya. Sabi niya ay wala kang kasalanan... kaya 'wag mong sisihin ang sarili mo sa lahat ng nangyari, Dad." Mas lalong humigpit ang kaniyang yakap at mas lumakas ang hagulhol niya. Niyakap ko nalang siya pabalik at hinintay na kumalma.
Hindi nagtagal ay kumalma siya at pinabalik ako sa kama. Pumasok ang kanang kamay ni Dad sa mafia at uncle ko rin, si Tito Jerome. Nag-usap sila nang ilang minuto, seryoso ito dahil nagdilim ang paningin ni Dad.
"Kailangan nating ilayo si Erin, Jerome." Tiningnan ako ni Tito ng may awa sa mata. Napabuntong-hininga siya. "Ako na ang bahala. May kakilala akong pwede niyang tirhan." Sabi ni Tito.
Hindi na ako umangal. Wala na akong gana at lakas na umangal pa. Gusto ko rin munang lumayo. Hindi na ligtas sa bahay at baka maalala ko lang si Mama ron. Kailangan kong mabuhay para sa kanya. Hindi ko hahayaang masayang ang sakripisyo niya para sakin.
Hindi kalaunan ay may kasambahay nang pumasok at may dalang bagahe. Mukhang mga gamit ko. "Sige na, Jerome. Umalis na kayo." Tumango si Tito at lumabas na dala ang bagahe ko. Bumaba na rin ako sa kama at hinarap si Dad. Nagyakapan ulit kami at nagpaalam sa isat isa. Ipinangako niyang babalik din ako kapag naayos na niya ang gulo. Tumango lang ako pero hindi ko maiwasang mag-alala para kay Dad.
"Ipangako mo ring magiging ligtas ka palagi, Dad. Please..." Ngumiti siya sakin at hinalikan ang noo ko. "Pangako, anak." sambit niya at kahit papaano ay nabigyan ako ng pag-asa.
Pagkatapos ng napakahabang biyahe, huminto kami sa tapat ng isa sa mga bahay sa loob ng subdivision. Sabi ni Tito Jerome ay alam na ng mga nakatira rito na darating ako at titira pansamantala. Pumayag daw sila dahil malaki raw ang naitulong ni Tito Jerome ay Dad sa kanila. Mga kaibigan sila ng pamilya ng asawa ni Tito Jerome. Ibinilin niya saking magpakabait ako at tumulong sa bahay.
Nag-doorbell siya at lumabas ang isang nakakatandang ginang. Siguro ay nasa 50-60 na ang edad. Ngumiti siya nang napakatamis sakin. "Ito na ba si Erin, Jerome?" tanong niya na parang sabik nang makasama ako. Ito na yata si Nanay Miranda. "Opo. Hwag po kayong mag-alala, mabait po ito." Ngiti rin ni Tito at tinapik pa ang balikat ko. Pilit kong ngumiti sa kanya dahil nararamdaman kong mabait siya.
Tinapik ulit ni Tito ang balikat ko. "Sige na, maiwan na kita rito. Kailangan ng karamay ang Dad mo. Mag-iingat ka rito, Erin." Tumango ako sa kanya. Kailangan talaga ni Dad ng kasama, lalo na ngayon. Pinanood naming mag-maneho palayo si Tito bago ako tuluyang pinapasok.
"Halika, hija, maupo ka muna. Ako nga pala si Miranda, pwede mo akong tawaging Nanay Miranda. Alam kong hindi maganda ang iyong napagdaanan. Malaki ang utang na loob ko sa Tito at Tatay mo kaya sana ay masuklian ko 'yon sa paraang kaya ko. Maging kumportable ka rito sa bahay at kapag kailangan mo ng kausap ay nandito ako. Mayat mayay bumibisita rin ang apo ko kaya ay may kaibigan ka rin dito." Tumango ako at dinala na niya ako sa magiging kwarto ko. Isa itong guest room. Tatlo ang kwarto at nasa iisang kwarto si Nanay Miranda at ang asawa niya, isang guest room, at ang huling kwarto ay para siguro sa apo niyang bumibisita.
Inayos ko na ang mga gamit ko at humiga. Hindi ko pa rin masink-in sa utak ko na nangyari ang lahat ng 'yon. Nagiging blanko ang utak ko na para bang hindi pumapayag na isipin ulit 'yon. Dahil dyan, natulog nalang ako at nagdasal na sana ay mawala na ang mga problema ko paggising ko.
-
Gabi na nang magising ako. Ang dilim din ng kwarto kasi 'di ko na-on ang mga ilaw kanina dahil may araw pa naman.
"Hija?" Dumungaw si Nanay Miranda sa pinto pagkatapos niyang kumatok. "Halika na, kakain na."
Hinintay ako ni Nanay na makabangon para sabay kaming bumaba sa hapagkainan. Nakaupo na rin do'n ang kanyang asawa na sa tingin ko'y pagod na pagod pa dahil papikit-pikit na ang mata.
"Anton! Narito na si Erin! 'Yung laging kinukwento ni Concon!" Sabik na sabi ni Nanay habang lumalapit sa asawang tila nagulat pa sa sigaw ni Nanay. Pero sinong Kokon? "Siya nga pala, hija, ito si Anton, asawa ko. D'yan siya nagtatrabaho sa panaderya kaya may uwi rin siyang tinapay ngayon."
"Magandang gabi po. Pasensya na po at naabala ko po kayo ni Nanay." sabi ko kay Tatay Anton at nagmano. Mukhang wala pa siya sa ulirat kasi nakatunganga pa rin siya. Tumingin nalang ako kay Nanay na parang nanghihingi ng tulong.
"H'wag kang mag-alala, hija. Pagod lang siya galing trabaho. Hayaan mo, maayos na 'yan bukas ng umaga." Pinaupo niya ako at pinagsalin ng kanin. Nginitian ko siya at nagpasalamat. "Siya nga pala, hija, mukhang darating 'yon si Concon dito bukas. Malamang ay magugulat 'yon kasi nandito ka. Hihi. Gusto kong makita ang reaksyon niya."
Hula ko ay apo niya si Kokon. Siguro magugulat kasi may estrangherong nakatira na sa bahay ng lolo't lola niya. Tumango ako sa kanya at ngumiti. "Sabik na rin po akong makilala ang apo ninyo! Sana po ay magkakasundo kami." Nginitian ko rin siya pabalik at nagsimula na kaming kumain.
Ilang oras na rin nang matapos kaming kumain. Ako ang nagpresentang maghugas ng pinagkainan kasi gusto ko ring makatulong dito sa bahay. Kahit marami kaming mga kasambahay, palaging sinasabi ni Mama na kailangan ko ring tumulong para matuto rin ako ng mga gawaing-bahay. Nakahiga nalang ako sa kama ko ngayon kasi 'di ako makatulog. Pumapasok ulit sa isip ko ang gabing 'yon. Wala na si Mama.
Nanikip na naman ang dibdib ko kaya bumangon ako. Alas tres na pala. Sa dami ng naitulog ko kanina, parang hindi ako inaantok ngayon. Bababa nalang siguro ako para uminom ng tubig.
Pababa palang ako ng hagdan nang may narinig akong pagbukas ng pinto. Galing sa baba 'yon kaya imposibleng si Nanay Miranda. Kinabahan ako. Tila nag-flashback sa utak ko ang nangyari. What if masasamang loob ang nakapasok? Kailangan kong protektahan sina Nanay Miranda at Tatay Anton. Bumalik ako sa taas at naghanap ng maihahampas. Nakita ko ang baseball bat kong nasa maleta ko pa. Ni hindi ko man lang napansing pinag-impake ako ng baseball bat.
Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. Nakapatay na ang mga ilaw kaya wala akong makita. Wala na rin akong marinig kaya mas Lalo akong kinabahan. Siguro'y rinig na rinig na sa buong palapag ang tibok ng puso ko.
Cohen's POV
I watched her trying to scan the whole place for an intruder. She looks like a goofy agent trying to be brave. I can hear her heart beat from here. I smirked. Pfft. She has no business looking this adorable even when scared. Looks like I'm gonna be here for a long time.
---
Hello! Thank you so much for reading and I hope you enjoy this story! If you like it po, feel free to vote. Criticisms are welcome too. Good morning! ^^
BINABASA MO ANG
The Mafia Boss' Daughter
ActionAng buhay bilang anak ng isang mafia boss ay hindi madali. Hindi ito cool, katulad nang mga nasa librong nababasa ko. Palaging nasa panganib ang buhay ko kaya hinding-hindi ako pwedeng lumabas. Ngunit sa isang pangyayari ng buhay ko, hindi ko...