Chapter 3: Cohen

30 2 3
                                    

Third Person's POV

Habang nakapamulsa lang sa gilid ng pinto si Cohen, patuloy pa ring maingat na nakikiramdam si Erin habang hawak-hawak pa rin ang baseball bat na handa niyang ipamalo sa kung sino mang masamang loob ang nasa bahay.

Sanay na ang mata ni Cohen sa dilim kung kaya't kitang-kita niya ang takot na takot na ekspresyon ni Erin. Kaya siguro hindi ito makita ni Erin ay dahil naka-all black ito at pinipilit itago ang presensya sa pamamagitan ng pagkalma ng kanyang paghinga. Tumatawa na ito sa kaniyang isipan dahil may panibago na naman itong mai-aasar sa babae.

Hindi na nakatiis si Erin at napagdesisyunan nalang na magsalita. "Sinong nand'yan?! Magpakita ka!"

Hindi na rin napigilan ni Cohen na humalagpak ng tawa. Napaluhod ito't napahawak pa sa tiyan niya kakatawa dahil sa epic na itsura ng babae. Labis din namang nagulat si Erin kung kaya't inakala pa niya'y multo ito. Pagkatapos niyang mapagtantong tao nga ito'y ibinaba niya ang baseball bat.

"Grabe, hindi ka pa rin nagbago! Mukha ka pa ring tang-"

Binuksan niya ang ilaw ngunit hindi natapos ang sasabihin niya sana dahil naalala niya ang trahedyang naranasan ng babae kamakailan lang. Nakonsensya siya dahil may balak pa sana siyang asarin ito. Natulala nalang siya habang iniisip kung anumang nararamdaman ng babae ngayon. Nakatulala lang din si Erin sa gwapong nakapasok ng bahay ni Nanay Miranda dahil kasalukuyan siyang naguguluhan sa kung sino ito.

"Erin? Anong nangyayari rito?"

Hindi nila napansing nagising pala si Nanay Miranda sa nagawa nalang ingay.

"Oh, Concon? Dumating ka na pala, hijo! Hay, na-miss kitang bata ka. Teka lang, ano bang nangyayarito at bakit nakasigaw 'tong si Erin?" Tanong ni Nanay Miranda matapos tumakbo at yumakap kay Cohen.

Erin's POV

"Concon?" Tanong ko. Concon pala iyon at hindi Kokon?

Tumingin silang dalawa sa'kin at t'saka nagkatinginan.

"Hija? Hindi mo na ba maalala? Si Cohen ito, ang apo ko." Turo pa ni Nanay Miranda kay sa binatang katabi niya. Kasalukuyan lang itong nakatingin sa'kin na para bang may dumi ako sa mukha.

"Hindi niya ako kilala bilang Cohen, Nay. Gail. Si Gail 'to, Erin." Sabi ng lalake habang nakaturo sa kanyang sarili. "H-Hindi mo na ba ako maalala?" Nanghihinayang na tanong niya.

Nangangapa pa rin ako sa sarili ko. May kilala nga akong Gail, siya ang naging kalaro ko noon habang mag-isa lang ako sa bahay. Pero hindi naman ganito ang itsura niya noon. Si Gail na kilala ko ay may braces at pimples sa buong mukha, itong nasa harapan ko ay maganda at walang bakod ang ngipin, at mala-porselana ang mukha. Si Gail na kilala ko ay may bowl cut kaya mukha siyang kabute, pero ang lalaking nasa harapan ko ay maganda ang pagkakaayos ng buhok, malakas at pogi ang dating. Si Gail dati ay payatot at napaka-payat, ang lalaki namang nasa harapan ko ay matipuno at matangkad. Imposible. Imposibleng si Gail ito. Ang laki naman ng idinulot ng puberty sa kanya.

Bigo ang mukha ng lalaki nang hindi ako sumagot. "Sige, Nay. Magpapahinga na muna ako. M-mag-usap nalang tayo mamaya, Erin." Tinapik niya ang balikat ni Nanay at nilagpasan ako papuntang hagdan. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

"Hija, hindi mo ba talaga maalala ang apo ko? Kinukwento ka no'n palagi sa'kin pagkauwi niya galling sa inyong paglalaro. Sayang naman kung hindi mo siya maalala." Ani Nanay Miranda.

"Naaalala ko po siya, h'wag po kayong mag-alala. Nagulat lang po ako sa laki ng pinagbago niya."

"Alam ko, sobrang gwapo na ng aking apo, ano? Hihi. Manang-mana sa'kin 'yan." Hagikhik pa ni Nanay. "Oh siya, babalik na ako sa pagtulog. Matulog ka na rin, hija."

The Mafia Boss' DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon