I've known the Enriquez cousins for a long time now. Mag kaibigan si Kuya at ang buong magpipinsang Enriquez simula pagkabata kaya lumaki akong kilala at close sila.
Sometimes it was advantageous, like you are "favored" ng mga teachers mo. Sa yaman at impluwensiya ng mga Enriquez, madikit lang ang pangalan mo sa kanila, magiging kilala ka 'din. But other kids would only stick with you dahil lang gusto 'din nilang maging ka-close ang mag pipinsan. Lahat may ulterior motives habang nakikipag kaibigan.
Kaya naman, wala 'din akong naging kaclose except for the Enriquez cousins. That is why things like this shocks me a lot.
"Okay lang kung bukas mo na isuli" Kristen is handing me a scrapbook.
Ang naalala kong interaction namin ay 'yung naging magkaklase kami sa 9th grade at na assign para sa isang project. Aside from that, wala na akong naaalalang nag-usap kami. Until now that we are in the 10th grade.
Ibinalik ko ang tingin sa scrapbook na nilalahad niya sakin. The cover is full of creative scribbles, halatang in-effort-an. Tapos balik ang tingin sa kanya, her face is a bit red and I could see her hands shakes a little.
"Okay lang? Pauwi na kasi ako, may inuutos 'din 'yung kuya ko kaya nagmamadali 'din ako" saad ko habang kinukuha ang scrapbook sa kanya. Kahit wala naman talagang inutos si Kuya. I just don't want to make the conversation longer.
Kristen is a shy type kid. Tipong kung hindi mo kakausapin, hindi magsasalita. She mostly spends her free time sa cellphone niya as what I've always seen inside our classroom. Kaya ngayong kinakausap niya ako, hindi ko maiwasang magduda kung bakit niya ako nilapitan.
"Okay lang. Kahit sa susunod na araw pa" she said a little too quick. Tumango ako at nginitian siya, then dinungaw ko ang relo para may excuse na umalis.
"Kailangan ko na talagang umalis. Bukas ko nalang 'to isusuli" mabilis siyang tumango at kinawayan pa ako habang papaalis.
Nakarating ako sa bahay at mabilis lang na nagbihis. Then nagsaing at nagluto ng ulam para kay Lolla at Kuya Kokoy. Si Lolla may part time job, mamayang 7 pa siya makauwi galing trabaho. Si Kuya naman, sure akong kasama niya ang mga Enriquez ngayon. Baka nga nasa klase pa sila since magkaiba ang timetable ng Junior at Senior High. saka hindi mo 'yun maaasahan sa bahay.
Nakaupo ako sa couch dahil tapos na ang mga trabaho at binubuksan palang ang libro ko nung tumunog ang cellphone. Kinapa ko mula sa bag ko at walang tingin-tingin na nag swipe sa screen.
"Oh?" I said and heard shouts at the other line. Then strums and drums also greeted me. Inilayo ko ang cellphone sa tenga at tinignan ang caller ID.
"Ano?" Binalik ko ang cellphone sa tenga nung makitang si Kuya ang tumatawag.
"Pakisuyo naman Yesh oh. Nakalimutan kong dalhin ang rubber shoes ko. May laro kami after ng practice nila Dom" umikot voluntarily ang mata ko sa paunang saad niya.
"Dalhin mo naman dito sa bahay nila oh." I sigh.
"Hindi pa ako nakakauwi. Cleaners ako ngayon" kalmado kong saad.
"Sinungaling. Dumaan ako sa classroom niyo para hanapin ka sabi nila umuwi ka na 'daw" umikot ulit ang mata ko at napabuntong hininga.
Ano pang excuse ang magagamit ko kung alam naman niyang nasa bahay ako?
Nakasimangot kong kinuha ang sapatos. Humanap ako ng eco-bag sa bahay pero wala akong mahagilap. I ended up using my bag and shove the shoes inside it after kong hinughog ang mga laman ng bag palabas.
Tapos ay umalis na sa bahay, tumawid ng kalsada at tuloy tuloy na naglakad papunta sa mansyon ng mga Enriquez. It was just a five minute walk. Kung hindi niyo pa halata, oo, magkapitbahay kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/344140349-288-k687588.jpg)
BINABASA MO ANG
What are the Chances? (Nightfall Series #2)
RomanceGrammatical Errors Ahead Cover created in Canva https://www.canva.com/design/DAFlwTYZzSQ/xRegPMuVxajMpEi_8QqsqQ/view?utm_content=DAFlwTYZzSQ&utm_campaign=designshare&utm_medium=link&utm_source=publishsharelink&mode=preview