It was a mess. It's been 2 weeks since the basketball match. The next day after the match, they awarded this year's champions. Nalaman 'din naming si Kuya Dom ang MVP sa taong 'yun.
He was smiling from ear-to-ear pero hindi naman siya namamansin sa banda namin ni Kristen. Magkasabay kasi ang awarding for Junior and Senior High.
Medyo malapit 'din kami sa stage at alam kong nakikita niya kami pero hindi niya kami binati man lang. The three Enriquez greets me pag nakikita nila ako, except for Kuya Dom.
That treatment continued for a week. Hanggang sa nakalimutan ko ng hindi niya ako pinapansin dahil sa dami ng final requirements na pinapasa. Nagpapractice na 'din kami para sa moving up ceremony. I could also see the Grade 12 practicing their Graduation Ceremony. 'Dun ko sila nakikita palagi. Magkasunod kasi ang mga practices namin. Sa umaga, kami ang mauunang mag practice. After ng break, ang Grade 12 naman. Sa hapon, sila ang mauunang mag practice at kami yung huli.
The three Enriquez and Kuya Kokoy greets me, at pag binabati ako ng apat, Kuya Dom would make excuses para hindi ako batiin.
It's starting to get annoying.
"Bili muna tayo ng snack" hinila ako ni Kristen sa siko para pumuntang canteen.
Nag announced ang Grade 10 advisers na may practice for Moving Up Ceremony ngayong 9 o 'clock. Alam naming konting oras lang ang laan sa recess kaya bumili muna kami ni Kristen ng snack para hindi na kami aalis sa upuan namin mamaya para bumili.
I also find it amazing, simula kasi nung laro magkadikit na kami ni Kristen. It felt like we instantly clicked kaya simula 'nun palagi na kaming magkasama. We paired up in completing the final requirements. Hanggang sa recess at lunch magkasama na kaming bumibili.
"So? Hindi ka pa 'din pinapansin?" Saad niya habang namimili ng snack na bibilhin. Umiling ako habang dumudungaw sa snacks.
"Hindi" I pick some snack I like nung may tumabi sakin. Agad kong nilingon at nakitang si Kuya Dom iyon. Lumingon ako sa likod niya pero hindi niya kasama ang apat. In fact, kaming tatlo lang sa canteen.
Alam ko naman na aware siyang nandito ako. But he didn't even looked at me. Focus na focus siya habang tinitignan ang mga snacks.
"Hi Kuya Dom" Saad ko nung hindi ko na matiis na hindi niya ako pinapansin. Lumingon lang siya sakin at simpleng tumango. Nakakunot ang noo niya at may maliit na pout sa labi.
Kinuha niya ang isang snack at umalis para kumuha ng dalawang bote ng tubig sa fridge. Nung magbabayad na siya, agad akong sumunod. Ramdam ko 'ding sumusunod si Kristen samin.
Kinulubit ko siya mula sa likod, lumingo naman siya at mas nadiin ang pagkakakunot ng noo. For some reasons, I could just feel that he isn't annoyed with me for bothering him.
"What?" Saad niya sa malalim na boses.
Hindi ko 'din alam kung bakit kinulubit ko siya. I just don't want him to ignore me any longer.
"Wala akong perang dala. Pautang naman" I said at ibinaba ang tingin sa snacks na dala dala. I saw Kristen raising her brow at me.
Iniwas ko lang ang tingin sa kanya at bumaling kay Kuya Dom. Tinitigan niya ako ng ilang minuto saka kinuha ang snacks na dala ko.
Mas lumaki ang ngiti ko nung tumalikod siya para bayaran ang mga pinamili namin. After paying, umalis siya sa pila at mabilis na naglakad palabas ng canteen. Pero tumabi nalang muna ako. Hihintayin ko pang makapagbayad si Kristen.
Nung lumingon siya sa likod, nakita niyang hindi ako nakasunod kaya bumalik siya sa gilid ko. Pagkatapos ay may kinuha siya sa cellophane. Siguro 'yung mga pinamili ko. Linagay kasi ng tindira lahat ng pinamili namin sa iisang cellophane.
Pero nung makitang isang tubig lang ang kinuha niya, napakunot ang noo ko.
"You didn't even bought water." He said while handing me the cellophane. Isang bottled water lang ang kinuha niya.
"Uuhawin ka niyan mamaya" saad niya habang hindi sinasalubong ang mata ko. Kinukuha ko ang cellophane sa kamay niya nung nakalahad pa 'din iyon sakin.
"Pero--" hindi ko natuloy ang sasabihin nung makitang mariin niya akong tinitignan. After a minute or so, he broke the eye contact and continued walking towards the canteen's door.
"Akala ko hanggang bukas pa kayo magtititigan" bumalik ako sa huwisyo nung magsalita si Kristen.
"Bakit 'daw 9 o'clock tayo ngayon? Sa hapon lang ba mag p-practice ang Grade 12?" Saad ko kay Kristen nung nakapila na kami para sa pagtatawag ng pangalan.
"Final Examination nila ngayon" napakunot ang noo ko.
"Exam? Bakit nasa labas si Kuya Dom?" Nagtataka kong tanong.
"Maaga siguro siyang natapos. Tignan mo" lumingon ako sa nginunguso ni Kristen at nakita siyang naka tayo malapit sa clinic.
Nakalingon siya sa mga nag p-practice na Grade 10 habang umiinom ng tubig.
"Flores, Ayesha Uriel G." Agad kong ibalik ang tingin sa stage nung marinig ang pangalan. Umakyat akong stage at nag shake hands sa mga guro na temporarily substitute ng principal.
Nung pababa na ako sa stage sumulyap ako sa Clinic at nakitang wala ng nakatayo 'dun. Lumingon lingon ako pero hindi ko na siya nakita hanggang mag hapon ng araw na 'yun.

BINABASA MO ANG
What are the Chances? (Nightfall Series #2)
RomansaGrammatical Errors Ahead Cover created in Canva https://www.canva.com/design/DAFlwTYZzSQ/xRegPMuVxajMpEi_8QqsqQ/view?utm_content=DAFlwTYZzSQ&utm_campaign=designshare&utm_medium=link&utm_source=publishsharelink&mode=preview