Chapter 14: Rivalry

584 17 2
                                    

Lumipas ang undas at back to reality nanaman ang lahat, naunang pumasok si Loisa sa UDM nang biglang may nakabangga sakanya. Si Jerome..

" Miss I'm sorry."si Jerome

" Okay lang next time mag-ingat ka na lang. At tumingin ka sa dinadaanan mo baka kasi mamaya Dean yung mabangga mo."si Loisa

" I'm sorry, anyway nasaktan ka ba?"si Jerome

" Hindi naman buti wala akong masyadong dala. Teka senior ka?"si Loisa

" Oo Engineering."si Jerome

" I see, transferee."si Loisa

" Parang ganun na nga, by the way I'm Jerome Ponce. And you are?"si Jerome

" Loisa!!"si Joshua sabay akbay kay Loisa

" Uy Joshua, buti naman andito ka na kanina pa kita hinihintay don sa lobby wala ka naman."si Loisa

" E madami akong ginawa kagbi tapos nalate ako nagising."si Joshua

" Ehem ehem!"si Jerome

" Ay sorry I'm Loisa Alcantara and this is Joshua. Joshua si jerome nabangga niya ako kanina e."si Loisa

" Okay ako si Joshua, Joshua Buenavista bodyguard slash ka-MU ni Loisa. Nice to meet you Jerome."si Joshua

" Nice to meet you too, sorry ulit Loisa. Kung gusto mo para makabawi ako lilibre kita sa Canteen."si Jerome

" Naku hindi na bro tsaka routine na namin na ako nanlilibre sakanya lagi tuwing umaga e. Tsaka hindi naman yata nasaktan si Loisa."si Joshua

" Oo nga Jerome hindi naman ako nasaktan e tsaka salamat na lang sa alok mo pero daily routine namin ni Joshua yun."si Loisa

" Sorry, pero if you need something, or someone to talk to I'm just here."si Jerome

" Thank you Jerome."si Loisa

" Ah pare mauuna na kami ah kasi baka nagugutom yung prinsesa ko papakainin ko muna."si Joshua

" Ikaw talaga. Sige Jerome mauuna na kami."si Loisa

" Ingat kayo. Sorry ulit."si Jerome

" Sige. Tara Loisa."si Joshua

" Wag ka mag-alala yang prinsesa mo magiging reyna ko."bulong ni Jerome

Samantala sa canteen si Joshua hindi mapakali sa Jerome na nakilala nila kanina..

" Sino ba yung Jerome na yun? Senior ba yun? Ngayon ko lang yun nakita dito sa UDM a!"si Joshua

" Yup isa siyang senior and yup transferee siya dito sa UDM."si Loisa

" Alam mo malakas feeling ko ah may gusto sayo yun kung makapag pa-cute wagas e! Di naman cute!"si Joshua

" Hindi naman siguro."si Loisa

" Anong hindi naman siguro nakita mo ba ngiting ngiti sayo para nasisirain ng bait."si Joshua

" Ngiti lang ng ngiti may gusto na? Sandali nga nagseselos ka ba?"si Loisa

" Bakit naman ako magseselos don sa tingting na yun nakita mo naman mas macho ako dun!"si Joshua

" Alam mo Joshua hindi mo naman kailangan magselos e MU na tayo nanliligaw ka na sakin gusto ka ng mommy ko."si Loisa

" Nawala nga si Jane, may asungot naman na dumating."si Joshua

" Hindi naman sya asungot e, magiging asungot lang siya kapag nanligaw sya sakin at never mangyayare yun."si Loisa

" Ako ang meron, ikaw ang meron ako kaya dapat alam niya yun."si Joshua

You're Still the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon