Sabay dumating si Joshua at Loisa sa venue, pagdating nila don ay agad nilang nakita ang barkada na naka-upo sa isang table.
" Uy nako kompleto na pala kayo, kasi natraffic kami jan sa labas e daming nagpapark."si Joshua
" Sinabi mo pa nahirapan nga din akong mag park jan kanina e. Kakadating ko lang din kasi kani-kania."si Axel
" Alam niyo Nichole, Loisa papahirapan niyo ng husto yung mga judges grabe kayo! Pareho kayong maganda ngayong gabi o!"si Alex
" Kahit naman sino manalo e, napag-usapan namin ni Nichole na walang samaan ng loob."si Loisa
" Oo kasi katuwaan lang naman 'to e. Manalo o matalo friends pa rin kaming dalawa."si Nichole
" Dapat lang noh! Sandali nga pala, kanina nag text sakin si Jerome sabi niya mag-iingat ka daw ngayong gabi Loisa."si Fifth
" Bahala na si Jane sa buhay niya, basta ako handa akong protektahan si Loisa."si Joshua
" Bahala na ang Diyos sakanya."si Loisa
" Oo nga pala sabi ni Ms.Ortega isa sa mga judges nag lolook forward daw siya sa mga performances niyong apat. Kaya gandahan niyo ha."si Alex
" Kinakabahan na nga ako e, baka mamaya niyan pumiyok ako hindi ko pa masabayan 'tong si Joshua."si Loisa
" Pumiyok ka man o hindi, ang mahalaga lumaban tayo."si Joshua
" Tama si Joshua, hindi naman kailangan very perfect yung performance nating lahat e."si Nichole
" Basta Nichole ha ang usapan kapag isa satin ang nanalo walang samaan ng loob, walang magagalit ha."si Loisa
" Diyos ko Loisa, wala akong balak magpanalo dito noh. Hindi naman talaga ako mahilig sa mga ganitong pageant e."si Nichole
" Pinilit ko lang talaga si Nichole na sumali dito."si Manolo
" Kayo rin Joshua, Manolo kapag isa sa inyo ang nanalo walang samaan ng loob. Walang personalan."si Axel
" Oo naman! Kung sino man ang manalo saming apat tatanggapin namin yun."si Joshua
" Sa totoo lang mas gusto ko pang si Joshua ang manalo kesa ako. Hindi ko naman magagampanan yung title na yun."si Manolo
" Goodluck sa inyong apat, basta kaya niyo yan. Isipin niyo na lang na simpleng labanan lang yan."si Alex
" Oo nga wag kayo ma-pressure sa mga sasabihin ng iba."si Fifth
" Oo nga pala, nakausap ko si Tita Dawn, okay na pala si Joshua sakanya e. Si tita Victoria na lang talaga ang may ayaw sa relasyon niyo."si Alex
" Totoo yun pero hindi kami susuko ni Loisa don. Handa kaming lumaban."si Joshua
" Sandali kayo na bang dalawa?"si Manolo
" Oo nga bakit kung makapagsalita kayo e parang nagbalikan na kayo?"si Nichole
" Hindi pa kami, pero TNT (tayo na di tayo) or MU na may karpaatan sa isa't isa. Yun yung label namin, yes hindi pa kami."si Loisa
" Tsaka sa ngayon gusto muna naming ayusin yung family problems namin."si Joshua
" Pero nag kiss na kayo sa Ferry's wheel ah."si Axel
" PAANO MO ALAM?!!"si Joshua at Loisa
" Bro nung nag fireworks hinahanap ko kayo tapos nakita ko kayong dalawa ni Loisa sa may ferry's wheel noh."si Axel
BINABASA MO ANG
You're Still the One
FanfictionKailan mo aaminin sa sarili mo na siya pa rin talaga ang laman ng puso mo? Na kahit kailan hindi siya nawala sa isip mo at puso mo. Na kahit anong mangyare siya pa rin talaga ang mahal mo? Handa ka bang isugal ulit ang lahat para lang maramdaman an...