Prologue
"Athens? Gusto mo ba mag training para sa volleyball?" Tanong ng pinsan ko sa akin habang pinapanood niya akong kumain.
Kailan ba 'yan? Sagot ko sa kaniya.
"Bukas. Mga alas cuatro ng hapon" aniya sa'kin sabay alis dahil nag paalam siya sa'kin na may gagawin pa siya.
Hindi ako makatulog dahil gustong gusto ko talaga mag laro ng volleyball. Isang magandang opportunity ang inaalok sa'kin ng pinsan ko.
"Ate Hean, hindi pa ba tayo aalis? Alas cuatro na" reklamo ko sa pinsan ko. Excited na excited na akong mag training.
Pag bukas ko ng gate sa chapel nahiya ako bigla dahil ang dami nilang nakatingin sa akin. Yung iba naman ay binati ako dahil na rin sa siya ay president ng Young Women.
Umupo muna ako sa tabi para mag pahinga dahil nag lakad lang kami papuntang chapel.
May babaeng lumapit sa akin. Meztisa at mahaba ang buhok. Nag pakilala siya sa'kin bilang Yanna.
Nag simula na kami at ang unang tinuro sa'kin ay ang service ng bola. Ginawa ko lang nang ginawa 'yon hanggang sa natuto na ako. Pag sapit ng alas singko ay dumating na yung coach namin.
Napaka pamilyar nung isang nag s-serve ng bola. Hindi ko matandaan yung pangalan niya. Nakita ko na siya noon pero hindi ko talaga matandaan ang kaniyang pangalan.
Nag paalam muna ako sa kanila na bibili lang ng maiinom. Lalabas na sana ako nang bigla siyang sumabay. "Sabay na tayo para makilala mo rin ako..." aniya tumango na lamang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Nahihiya ako sa kaniya hindi ko alam ang dahilan.
"Anong pangalan mo?" Tanong niya habang naglalakad kami. "Paris Athens Velasco" sagot ko. Napa "ahh" na lang siya at bumili na ng maiinom niya.
Pag balik namin ay nanghihinayang ako dahil hindi ko man lang natanong kung ano yung pangalan niya. Sayang talaga.
Natapos na yung training laking gulat ko ay kasama na pala ako agad sa mga maglalaro, makakalaro ko na siya, sana ay hindi ko mapahiya ang aking sarili sa actual game.
Nag paalam na ako kila Bishop para umuwi sinabihan ako ng pinsan ko na mag hintay muna raw ako sandali dahil isasabay kami nila Pres.
Tumabi sa akin yung lalakeng sumabay sakin kanina para bumili. Tahimik lang din siya sa tabi ko. Maya-maya pa ay tumikhim na siya at nag tanong kung napagod ba ako masiyado. Tinanguan ko na lang siya.
Tinanong ko siya kung ano ang pangalan niya " Stan Leon Buenavista" Sagot niya. My intrusive thoughts won kaya ang sabi ko "pogi naman ng pangalan mo" napatakip ako ng bibig dahil ultimo ako ay hindi inaasahan ang bagay na 'yon. Tumawa siya at nakitawa na rin ako para hindi gaanong nakakahiya. Hahahahaha
BINABASA MO ANG
Souls Don't Meet By Accident
RomanceThe Stan Leon G. Buenavista and Paris Athens C. Velasco love story. Just an inactive member sa simbahan, naging active dahil sa volleyball.