Chapter 4

8 2 0
                                    


Hotel

Nauna siyang mag lakad sa'kin at dumiretsyo siya sa lobby, hinintay ko lang siya na lumapit sa'kin ulit. Umupo lang ako sa couch para hintayin siya.

Sa wakas, tinanguan niya ako. Senyales na pinapalapit niya ako. "Paris, come here." Tawag niya sa'kin dahil sa bagal kong mag lakad.

"Table for 2?" mangungompirma ng  waiter sa'min. Tumango lamang si Leon, malang ay naiinip na.

Nakahain na ang pagkain at puro ito, filipino dish. Naglalaway kong tinikman bawat ulam na nasa lamesa namin, mas nag laway ako sa Sinigang na nakahain. Siya na ang naglagay no'n sa plato ko nang makita niya akong nahihirapan sa pagkuha.

"What's your full name again? Paris Athens C. Velasco?" Pagtatanong niya na animo'y nakalimutan niya ang ngalan ko.

Tinanguan ko lang siya habang nginu-nguya ang karne ng baka. Tumango lang din siya at titingin-tingin habang nakangisi.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pagtitig niya sa'kin. Hindi ako sanay na tinititigan ako habang kumakain.

Nilagyan ko siya ng makakain sa plato niya, pinipigilan niya pa ako. Sabi niya ay busog pa raw siya pero di ako nag patinag at nilagyan siya ng pagkain

"Kung hindi ka kakakain, susubuan kita." Pananakot ko sa kaniya pero walang nangyare at tinitigan niya lang din ako.

Maya maya pa ay kumakain na siya.

Tapos na akong kumain at parang ramdam ko na hindi ako makakatayo sa sobrang kabusugan.

Nagpaalam lang ako sa kaniya na pupunta lang sa restroom.

Tumango ito ang nagsimula na ako g maglakad. Nang makabalik ako ay, nailigpit na ng waiter ang pinagkainan namin. Ni hindi ko man lang napicturan yung wine glass na napaka ganda.

"Maraming salamat, Leon." Untag ko habang papalabas na kami sa hotel.

Ngumiti lang siya at tinapik ako sa balikat, senyales na ayos lang at masaya siya. Ewan ko ba kung bakit di siya nagsasalita.

Nakasakay na kami sa sasakyan niya at nag soundtrip. Hilig niya siguro ang Eraserheads. Puro kanta lang ng EHeads ang nandito.

"Pambili sa mukha mong maganda"

Sa parte ng kanta na 'yan ay sabay naming inaawit na parang live kaming kumakanta sa entablado. Palong palo siya kumanta at ako naman ay nag heheadbang pa.

Nang maulit ang parte na iyong ng kanta ay nakatitig lang siya sa'kin nang diretsyo. Animo'y may gustong ipahiwatig sa pamamagitan ng kaniyang mga titig na nakakatunaw.

Napakabilis ng oras. Natataw ko na ang iskinita namin. Inayos ko na lahat ng gamit ko at sinigurong wala akong maiiwan.

Nakahinto na at nang makababa na ako ay nag pasalamat akong muli sa kaniya.

Hinatid lang ng tingin ni Leon si Paris, at nang mapansin iyon ni Paris ay kinawayan siya lamang nito.

Souls Don't Meet By AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon