Sunday
"Pariss!, Gumising kana!!!! Hinihintay kana nila Ate Hean mo!" Panggi-gising sakin ni Mama.
Omygod, sunday pala ngayon. And it's almost 11 o'clock na! Maliligo pa ako at mag aayos!
Dali-dali itong bumaba at may hawak na tuwalya, at pumasok na sa loob ng banyo.
Nang matapos na ito ay umakyat na siya, sinimulan na niyang gawin ang mga ritwal niya bago lumabas ng bahay.
Namimili na ito ng isu-suot na bestida, namatahan niya ang bestidang floral ang design. Sobrang haba rin kaya bagay na bagay ito sa kaniya.
Simpleng make up lang ang inilagay niya, ayaw niya ng masyadong makulay baka mag mukha na siyang coloring book. Saka sa church lang naman ang punta niya.
"Pababa na!!!" Sigaw ko sa mga pinsan kong nagmamadali na. 2nd sunday na pala, combined class ngayon after ng Sacrament meeting.
Nang makarating na kami sa chapel ay humanap na ako ng mauupuan, umupo ako sa harapan. Napaka init sa likuran.
Natapos na yung sacrament at agad kong nilapitan si Leon para mag pasalamat ulit. Pagkatapos ay dumeretso na kami sa room para sa klase.
Inunahan ko pa siyang maglakad para makaupo sa dulo, ililipat ko na sana yung upuan pero hinawakan niya ito at nilagay sa harapan ko. Ngayon ay nasa likod na niya ako.
Inabot niya sa'kin yung mahabang papel, mukha itong attendance. Magsusulat na sana ako ng pangalan nang makita ko na nakasulat na yung pangalan ko.
YC Attendance
1.Stan Leon G. Buenavista
2. Paris Athens C. Velasco
3.
4.
5.
6.Nagulat pa ako nang kindatan niya ako at sinabing "Sinulat ko na yung pangalan mo diyan, ipasa mo na sa kanila."
Hindi ko alam kung nangangamatis na ba ako...dagdag pang napaka lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko ata kakayanin ngayong araw. Hindi ako makahinga beshy, sana matapos na agad 'tong klase namin.
Nang matapos na ay nag meeting pa kami para sa darating na Sport Fest at kung ano pang mga sport na lalaruin. Hindi naman iyon umabot ng isang oras kaya nag punta na agad akong C.R para i-check ang mukha ko kung nagmukha na ba akong bangkay sa harapan ni Leon.
Nang matapos ay dumeretso na ako sa kitchen para uminom ng tubig. Narinig kong bumukas yung pinto at laking gulat ko na si Leon yung pumasok, mukha siyang iinom ng tubig kaya kinuhaan ko siya ng baso at inabot dito.
"Oh, baso mo." Aniya ko habang umiinom ng tubig.
"Salamat" sagot niya bago tanggapin yung baso.
Tinalikuran ko na agad siya habang umiinom pa rin ng tubig. Mabubusog na ako pero di pa rin siya umaalis, kaya uunahan ko na lang siya lumabas pero....
BINABASA MO ANG
Souls Don't Meet By Accident
Любовные романыThe Stan Leon G. Buenavista and Paris Athens C. Velasco love story. Just an inactive member sa simbahan, naging active dahil sa volleyball.