Nikki's POV
*kriiiiiing*
Nagising ako sa lakas ng tunog ng alarm clock na nasa bedside table ko. In-off ko yun at tinignan kung Anong oras na.
4:50 a.m pa. 7:30 mag sstart yung class namin.
Dumiretso ako sa banyo para maligo.
Nang matapos na kong maligo, nag-ayos agad ako at nagbreakfast kasama sina Tita at Regie.
"Niks, Tara Alis na tayo" aya ni Regie. Tumango lang ako at nagpaalam na kami kay Tita.
.SA SCHOOL.
"Regie kinakabahan ako" napalingon naman siya at tumawa. "Loko. Wag kang kabahan, ano ka ba. Tara na nga" lumabas na kami ng sasakyan at naglakad papasok sa school.
Bulungan dito, bulungan doon.
Phew.Famous pala tong pinsan ko sa school, di halata. Hahaha
"Who is she?"
"Girlfriend niya ba? Ew di naman maganda"
"She's pretty naman ah! Insecure ka lang"
"Chix pare oh!"
O.o
Napahawak ako ng mahigpit sa braso ng pinsan ko. Tumawa siya ng mahina, at binilisan namin ang paglalakad.
"Tae ka, di mo man lang sinabi na peymus ka pinsan! Hahaha"
"Di ba obvious pinsan? Sa pogi kong to? Syempre magkakagulo mga babae dito!"
Mayabang na sabi niya sakin.Binatukan ko siya. Buset. Ang hangin.
Inakbayan niya ko at ginulo ang buhok ko.
"Aaaah! Bwisit ka talagaaa Regie. Isusumbong kita kay tita mamaya!" Binelatan nya ko at tumawa ng malakas. Ayoko kasi pag ginugulo yung buhok ko. Psh -_-
"Oh, hanggang dito nalang ako pins"
"Wat? anong pins?"nagtatakang tanong ko sakanya.
"pins. as in pinsan. slowpoke!" pinitik nya noo ko. aaahhh leche ang sakit nun ah.
"ano baaa! regie naman eh." reklamo ko habang hinihimas ang noo ko.
"Sige Una na kooo! Byeeee" at tumakbo na sya papunta sa room nila.
Wooh, this is it. First day of school please be good to me
Kinakabahan akong pumasok sa room namin.
Okay sige papasok na ako.
Teka, nahihiya ako. Choss pabebe.
Pumasok ka na nga niknik! Arte neto.
Oo na, papasok na po ako.
Teka, sino ka ba?
Takte, konsensya mo 'ko! Kaya pumasok ka na kung ayaw mong malate sa unang araw mo dito sa school.
KDOT.
Umupo ako sa upuan na nasa tabi ng Dingding. Malapit lang din naman kasi sa bintana yung dingding, kunwari pag may umutot Keri lang kasi may malalanghap pa rin naman akong fresh air galing sa labas. Ehehe
"Goodmorning class!" -Teacher
"Gooooooooodmorniiiiiing ma'am...."
"Ma'am Reyes" - Teacher
"Gooooooodmoooorning ma'am Reyeeees" sabay naming bati. Napatakip naman si ma'am sa tenga nya.
"Okay, you may take your sit. Wag na kayo magthank you. Nakakarindi intonation nyo hahahaha"
Sumunod naman agad kami.
Ang ganda nya *o*
"Okay class" umupo sya sa teachers table. Woah, coolkid. "I'm Ms. Nikka Reyes. 23 years young. That's all thank you" nagpalakpakan naman kaming lahat. Ewan ko kung bakit. Nastarstruck ata kaming lahat sa kagandahan nya.
"Since today is the first day of classes, I will call each one of you to introduce yourself here in front. Ang sasabihin niyo lang ay ang NAME, AGE, HOBBY, at Konting statement about yourself. Like, I can describe myself as a blablabla."
Napa-ahh lang kaming lahat. LMAO parang mga ewan.
"Okay let's start from this column." - Ma'am
Oh my. Nasa first column ako. 2nd to the last ako sa column namin tapos anim kami sa isang column. Wooh natetense ako sa di malamang dahilan
Nagpunta sa front yung babae sa front. Sunod sunod silang nagpunta nung natapos na yung isa. Binibigyan silang lahat ng compliments ni ma'am. Waaah ako na yung susunod nakakahiyang tumayo.
Okay eto na. Ako na talaga wooh!
"Hi Goodmorning everyone *smile*. I'm Nikki Beatrice Santos, 12 yrs old turning 13 this July. I kinda like singing and dancing. I can describe myself as a happy go lucky person." At nagmadali akong umupo sa upuan ko. waaaah nakakahiya.
"She's pretty, right class? I love her accent." Nag yes naman mga kaklase ko. Bigla akong namula dahil sa sinabi ni ma'am enebe
"Okay next"
Tumayo naman yung lalaking nasa likod ko.
"Hi friends." Bigla namang may nagsalitang babae. "Lakas makafriends wala ka pa namang kaibigan kasi first day pa lol" tapos tumawa yung mga kaklase ko. "Whatever. BTW, I'm Charlie Sabiono. 13 yrs young, mahilig po akong mag rap at magsulat ng kanta. I can describe myself as a funny one, orayt! Rock n roll.to the world. Thank you!" Biglang sumabog yung tawa ng mga kaklase ko, pati ako HAHAHAHA! Funny one daw. Ryan rems ang peg.
Mas natawa ako sa mukha ni ma'am ngayon, ang pula pula naa, halos maluluha sa si ma'am lol. Tawa pa more!
*bell rings*
"Okay hahaha class hahahaha dismissed. Hoho mamaya na natin ipatuloy to" Sabi ni ma'am habang punupunasan luha nya.
Lumabas na ako sa classroom at pinuntahan si Regie sa room nila. Sabay kaming magrerecess. Libre nya
"Tara!" Aya ko sakanya.
"Daya mo talaga eno. Lagi nalang kitang nililibre." Sabay pout. Kinurot ko tagiliran nya. "Ang panget mo" sabi ko sakanya. "Mas panget ka oy. Tara na nga, bagal mo."
Habang nasa cafeteria kami, nakita ko si friend. Di ko maalala pangalan nya. Basta yung babae sa jollibee sya yun mehehe
Lumapit naman sya samin ni Regie. "Oh Hi Beatrice, hi Regie" bati nya. "Pwede pasabay?" Um-oo naman kami ni regie. Ang daldal nya, I like heeer. She's so kind and pwetty.
---
Tapos na ang klase namin. Nasa bahay na ako ngayon, medyo napagod ako kanina ehehe. Puro introduce2 lang ang naganap.
Kaibigan ko na lahat ng mga kaklase ko, ang dami ko palang maganda at poging kaklase.
Kumusta na kaya si Bespren? Miss ko na talaga sya. Keeeen balik ka na please, miss na kita :((At dito nagtatapos ang chapter 6)
--------------------------
Sorry guys mamadaliin ko to. Next chapter grade 9 na sila. Hahahaha! Gusto ko na talagang ilabas sina Ken at Paulo eh Mahal ko silang dalawa, walang makakapigil sakin!
Please do vote and comment ^_^ (lul famewhore. Joke di ako fame whore. Kahit wag nyo na to ivote. Okay lang ahaha lakompake)
Lablab❤
Crazylouisa