BEBANG'S POV
"Niknik, para san ba 'yang mga ipinapabili ni Mama?" sabi ni Ken habang namimili ng mga prutas. Mama rin ang tawag niya kay mama, yun ang gusto ni mama eh, gusto niya kasi na may anak siyang lalaki. kaya ayun.
"I dunno?"
"Ba't di mo tinanong? magkano po 'tong Apple?"
"Eh kasi pinalabas niya agad ako ng bahay kanina"
"20 pesos hijo" sagot ng tindera kay Ken.
"pabili po ng apat" binalot na ng babae yung binili na apple ni Ken. inabot naman ni Ken yung bayad at umalis na kami don.
"bakit ka naman pinaalis agad ni mama?"
"ewan ko"
"bakit kaya andaming tao ngayon sa palengke?" naglalakad kami ngayon papunta sa kabilang part ng palengke para bumili ng gulay.
"eh bakit ba andami mong tanong?"
"bakit? masama ba?"
"Oo, bakit? aangal ka?"
"Bakit? bawal bang umangal?!" sigaw niya saakin habang naglalakad kami. pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid. may nakita akong isang lalaki na nakaitim na may dalang SLR at parang vinevideohan kami (?) Parang boyguard yung damit, LOL. ang OA niya naman -_- may pa video2 pa. para san kaya yun? ayoko pa naman maging center of attraction >_< tss. bahala na nga. patuloy lang kami sa paglalakad.
"May sinabi ba ako na bawal?!" sabi ko sakanya.
"Bakit? may sinabi ba ako na sinabi mo na bawal?!"
"Ha! bakit? may sinabi rin ba ako na sinabi mo na sinabi ko na bawal?!" mabilis na sabi ko sakanya. tumahimik kami ng.. hmmm. I think 3 or 4 seconds. nagkatinginan lang kaming dalawa, parang nalilito yung expression niya.
bakit ba?
inisip ko ng maayos yung sinabi ko. eh? nakakalito nga. langya, parang gusto kong tumawa ng malakas.
Hindi, hindi ako pwedeng tumawa. mapapahiya ako kasi baka ma-gets na nila yung sinabi ko. kasi maski ako hindi ko nagets masyado. HAHA, konti lang? sarreh, slow nga kasi ako xD na tongue twister lang ang peg.
"oh ano na?"
"anong ano na?" nagtatakang tanong niya.
"ba't natahimik ka?!"
"eh kasi may iniisip ako!"
"bakit ka nag iisip?!"
"bakit? bawal ba?!"
"bakit? sinabi ko ba na bawal? aish. ano ba kasi yung iniisip mo?!"
"yung.. ano.. ehh?? ewan ko! nakalimutan ko eh." napakamot nalang siya sa batok niya. tinignan namin ni Ken yung mga nakasalubong namin, pati na rin yung mga nakamasid saamin.
"bakit kaya nila tayo tinitignan?" sabay na sabi namin ni Ken. nagkatinginan kaming dalawa, tinaasan ko lang siya ng kilay, inirapan niya lang ako. ay bakla?
"tss. gaya-gaya"
"Ate, bakit po andaming tao dito sa palengke ngayon? hindi naman to ganito palagi ah? ano pong meron?" tanong ni Kenken sa babae na may dalang bata na nakasabay namin sa paglalakad. tsismoso talaga tong mokong na 'to.
"Taga san ba kayo hijo?"
"taga kabilang bayan lang po kami. bakit po?" tumawa ng mahina yung ale.
"fiesta bukas hijo, hija. nakalimutan niyo ba? haha, paboritong araw nga ng mga kabataan ang araw bukas eh."at umalis na si ale. nanlaki ang mga mata namin sa sinabi ng ale,totoo ba?