KEN'S POV
Ready na ako. Ngayong araw na 'to gagraduate na kami ng elementary, sarap ng feeling ^_^ 2nd honor pa talaga ako. Grabe lang, hindi ako makapaniwala. Salamat kay ehem kasi binigyan nya ako ng inspirasyon para mag-aral ng mabuti. Nubayan nababakla na ako dito eh -_-
Papunta na ako ng school ngayon, naka formal attire ako.
Andami na palang tao sa loob ng school. Pumunta agad ako sa room namin, wala pa sina Reen at Niknik don. Lumabas ako ng room at nakita ko si Reen na kausap si Jake, varsity ng basketball team. Masaya silang nag-uusap. Ako ay nasasaktan par---
"Hi Ken! Kanina ka pa ba dyan?" Masayang bati ni Reen sakin :3 nakita nya pala ako.
"Ah..eh.. Hello Reen. napadaan lang ako" sagot ko sakanya at ngumiti.
"Ah ganun ba. San ka nga pala pupunta?"
"Pupuntahan ko lang si Niknik. Sige una na ako ah? Bye see you later"at tumakbo na ako papuntang school gate para hintayin si niknik.
Hingal na hingal akong dumating sa school gate.
Teka... ba't nga pala ako tumakbo? -_- putek, na-Tired tuloy ako. Haaays
Ilang minuto rin ang lumipas bago dumating si niknik. Tagal ah? -_-
"Ba't ang tagal mo? Kanina pa akong naghihintay dito" Inis na tanong ko.
"Oy! Tumahimik ka nga. Sino bang nay sabi na hintayin mo ako dito?" Mataray na sagot naman ni Niknik.
Oo nga naman noh? Tanga ko -_- pahiya tuloy ako sa panget na to.
*isip* *isip* *isip*
Aha!
"Nagtext ako kagabi nuh! Sabi ko sabay tayong papasok sa loob. Nubayan niknik" palusot ko naman. Sana mag work *o*
"Ganun ba? Ahehe sorry naman bespren. Walang signal sa bahay eh." Ayun! Uto-uto kong bespren *bow* Hahahaha
"Tara na nga sa loob" aya ko sakanya.
Nagsimula na ang program. Message dito, message doon. Kanta ng graduation song..Hagis ng graduation cap blablabla...
At natapos na ang program.
Sorry naman, hindi kasi ako marunong mag describe ng mga happenings eh.
Agad akong lumapit kay niknik.
Nakangiti sya. Sobrang laki ng ngiti nya.
Bungisngis, kita pa nga ang gilagid. HAHAHA panget talaga. Sabay kaming uuwi ngayon kasi sabi ni mama dun rin mag cecelebrate sina Niknik sa bahay namin. Para na rin daw hindi malaki ang gastos.
"Kenken! Graduate na tayooo!" Masayang sabi nya sakin.
"Wag kang excited niknik hindi pa tayo graduate ng college. May 6 years of Highschool pa tayong tatapusin bago tayo mag co-college"
"Alam mo? Ang KJ mo talaga. Pero kahit naaa! Highschool na tayooo sa susunod na pasukan hohoho sabi nga nila Highschool life is the best." sabay ngiti ng sobrang laki. Bungisngis nanaman. -,-
"Alam ko niknik. At tigilan mo nga yang pag ngiti mo ng ganyan, nagmumukha kang aso." Biro ko sakanya sabay tawa.
"Ang alin? Eto ba?" At ginawa nya naman yun. Nakakabaliw kasama to -,-
"Aish! Ang kuliiiit.." Tumawa naman sya ng malakas. -_- ohh.kay?
"Tara na nga kenken! Uwi na tayo. Gutom na akoo." Sabay pout.