Bebang's POV
"Hoy Bebang, ano panghinihintay mo dyan?! " sigaw ni Mama -.-
"Pasko." nakatungangang sagot ko.
" Habang buhay mo nalang ba talagang tititigan yang panyo na 'yan?!"
"ma, ang O.A naman po ata kung habang buhay." lumapit si Mama saakin at binatukan ako. "eto ang tandaan mo Bebang, hindi mo na makikita yung may ari niyan! Tinangay na yun ni Dora, nagtanan na sila nun! kasama si boots."
"Mama naman eh!"
Kung nagtataka kayo na kung anong konek ng panyong hawak ko ngayon dito sa storya ko, well.. panyo 'to ng crush ko. at kung nagtataka rin kayo kung sino ang crush ko well.. hindi ko siya kilala. haha ganito kasi yun
Flashback
"Niknik! ano pang tinutunganga mo diyan? lunch na madam! gutom na akoooo!" naiinis na sigaw ni Ken saakin. napaka talaga neto -_- nakakahiya pinagtitinginan tuloy kami ng mga kaklase at schoolmates namin.
nasa loob pa kasi ako ng classroom namin, tulala lang ako sa lahat ng subjects namin ngayon. Ewan ko ba, kung ano-ano na lang kasing pumapasok sa isip ko, Like, kumakain ako, nangungulangot, tumatae sa harap ng mga kaklase ko, nakatira daw ako sa isang palasyo, mayaman daw kami, gwapo daw ang prince charming ko, may anak na ako, at iba pa. diba ang weird? :3 ni hindi ko man lang namalayan na lunch time na pala. lul
"Huy. 'wag ka ngang sumigaw! pinagtitinginan tayo oh!" pabulong na sigaw ko sakanya. pabulong? sigaw? haha basta ganun! intindihin niyo nalang.
"ang tagal mo kasiiii! gusto mo bang mamatay sa gutom ang pinakagwapong nilalang sa mundo?!" yaaaaakks! ang hangin! tarantadong nilalang kamo -_-
"GWAPO? NASAN?" nilapitan ko siya at tinignan kung may tao ba sa likuran niya. ma-asar nga *insert evil smile here* "Asan ang gwapo? wala naman ah? g*go ka. ba't wala?" sumimangot naman bigla yung mukha niya. yes! panalo na naman ako sa asaran. hahaha
"okay ka lang?" kinakaway-kaway niya ang kamay niya sa harap ng mukha ko. "nasa harap mo ang nag-iisang gwapo sa mundo o!" sabay pogi pose. tinulak ko ang mukha niya ng mahina gamit ang kamay ko. "Boom panes"
hinila ko siya papuntang Canteen. Madami ang tao ngayon sa school kasi may Athlete Meet/ Athletics Meet kaya may mga taga ibang paaralan na nandito ngayon. Wala ng bakanteng upuan sa canteen kaya nagpasya kami ni Ken na sa may Garden nalang kami kakain. Actually, kami lang ni Ken ang madalas dito or should I say na kami lang ang may alam ng lugar na 'to. Parang isang secret garden kasi 'to, tanging ang mga madalas gumala o maglibot sa campus lang ang makakahanap sa lugar na 'to. Tagong-tago nga kasi.
"Haaayy. mas mabuti nang dito tayo kakain, kesa doon sa canteen. Andaming tao" sabi ni Ken sakin habang kumakain.
May lamesa rin naman dito, round table 'to at tatlong upuan kaya hindi kami nahihirapan sa pag-kain namin. Hindi naman ito masyadong malaki, yung pwede lang sa isang Grade 4 student. ay tsaka semento ito.
Nang matapos na kaming kumain nagpasya si Ken na matutulog nalang daw muna siya doon sa may damuhan. Nilatag niya rin ang kumot na palaging dala niya sa school. Hindi naman ako inaantok kaya naglakad-lakad nalang muna ako dito sa garden. Magaganda ang mga Bulaklak dito, ni hindi ko man alam kung ano ang pangalan ng mga 'to. para kasing mga imported tong mga bulaklak na 'to. Ang cool nga eh, madaming mga pink sakura flowers sa gilid, tapos may fountain rin. Pumitas din ako ng isang red rose sa gilid ng fountain, ibibigay ko 'to mamaya kay mama, mahilig kasi siya sa mga bulaklak. Habang naglilibot ako narinig ko ang pagbukas ng pinto ng garden.