05: obra

89 2 0
                                    

hindi ba talaga tayo pwedeng sumobra sa pagiging magkaibigan, kaibigan?
GAS X A&D

hindi ba talaga tayo pwedeng sumobra sa pagiging magkaibigan, kaibigan?GAS X A&D

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

kat and sky

• • •

Ako ba ay nararapat? Nararapat ba talaga ako sa posisyong ito? Magagampanan ko ba nang maayos ang posisyong pagkapangulo kahit pa hindi ako masyadong maboses, matalino, at malikhain?

Samut-saring pagkukuwestiyon sa sarili ang laging umiikot sa aking pag-iisip simula noong inanunsyo na ako ang magiging bagong presidente ng student council sa aming eskuwelahan. Hindi naman kasi ako sing-talino tulad ng representatib ng ABM at STEM. Ako ay mahiyain at hindi rin maboses kung ikukumpara sa pangulo mula sa HUMSS. Hindi ako tulad ng presidente ng TVL na siyang may malikhaing utak. Kaya... Bakit ako? Ano bang nakita ng karamihang estudyante sa akin at ako ang kanilang ibinoto?

"Hoy, Kat, bakit ka na naman nakatulala diyan?" tawag sa akin ni Kil, ang aking kambal. Tama kayo ng nabasa. May kambal ako at pareho rin kami ng strand na pinasukan. Gusto niya lang kasi akong sundan at samahan.

"Nangangamba ako, Kil," walang kasinungalingan kong wika sa kanya. "Paano kung hindi ko magampanan ang posisyon?"

Mapapansin ang nga guhit sa kanyang noo nang sabihin ko iyon. "Hindi ka nila pipiliin kung hindi ka naman nararapat. Bakit may ginawa ka ba para kunin ang mga boto nila?"

"Wala..."

"Oh, tignan mo! May nakita silang potensyal sa'yo kaya 'wag mong masyadong maliitin ang sarili mo," sabi pa ng lalaki.

"Paano kung binoto lamang nila ako dahil maganda ang aking plataporma ngunit hindi ang aking pagganap?"

"Maganda ang plataporma. Magfocus ka roon. Sino bang nag-isip ng magagandang platapormang iyon?"

"Paano kung naawa lang sila sa akin-"

"Deserving ka. Kaya mong gampanan ang pagiging pangulo."

"Hindi-"

"Kulit mo, deserving ka nga, e. Tara na, malelate na tayo," naiirita niyang sambit. Napairap ako. Gaya ng sabi ng aking kambal, deserving ako. Hindi ko dapat pinapanalo ang maliliit na boses sa isip ko. Tama.

Pagkarating sa school ay pinatawag agad ako ng guro namin sa SSG para tanungin kung ano ang aking plano sa mangyayaring seniors day. Tulad ng pangunahing suhestiyon ng aking kapwa mag-aaral ay nais kong magsagawa ng mga booths.

"Nais sana naming gumawa ng mga booths na pamamahalaan ng iba't ibang strand," saad ko sa aking aking guro.

"May budget ba kayo for that?"

"Wala pa po. Kaya kailangan po namin ng tulong ninyong mga guro na gawing pamantayan sa pagganap ang mga booths na ito para sa inyong mga estudyante..." tumingin ako sa aking guro at nakitang siya ay nakikinig kaya pinagpatuloy ko ang sinasabi ko.

PagesWhere stories live. Discover now