07: pastries

79 0 0
                                    

bakit ka pa kasi bumalik?
CKRY X ABM

bakit ka pa kasi bumalik?CKRY X ABM

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


leilana and harvey

• • •

The world is unfair. Dapat kasi tayo na lang ang pumipili ng ating kapalaran. Dapat kasi tayo na lang ang magdedecide kung gusto ba natin ang mabuhay. Dapat kasi napipili natin kung ano ang gusto nating maging estado sa buhay. Wala na sanang maghihirap ngayon. Hindi na sana ako nahihirapan ngayon.

"One thousand... One hundred seventy."

Buntong-hininga lamang ang aking nagawa nang mabilang ko kung gaano na lang ba karami ang ang budget ko sa isang buwan. Paano ko 'to mapagkakasya? Kailangan ko pang bigyan ng baon ang kapatid ko.

Buong gabi akong nakatingin sa kisame habang iniisip kung ano ba ang maaring gawin para matustusan ang ilang bayarin sa school at sa bahay. Wala rito 'yong kapatid ko dahil pinatulog ko muna ito kay Mama kaya mag-isa lang ako sa apartment na dating tinirahan nina Lola. 

"Magbenta kaya ako?"

Matagal ko nang pinag-iisipan ang pagbubusiness... Kaso natatakot ako dahil wala akong alam sa business at saka wala akong mga kaibigan na maaring makatulong sa akin kung sakali mang malugi ako. It is a risk... Kung hindi ito nagtagumpay ay wala na rin akong pera.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para sunduin si Lee kay Mama. Baka hindi na naman nila papasukin dahil walang maghahatid dito. Hindi na rin ako nag-agahan kasi sayang naman ang gagastusin ko. Mamaya na lang siguro kung gutom na talaga ako.

"Buti naman dumating ka na? Pinakain ko na 'yan. Tsaka nasa sa'yo na baon niya 'di ba? Ikaw na bahala," bungad ni Mama pagkakatok ko pa lang sa pinto nila. Walang ibang greetings, ibinigay niya lang agad sa akin si Lee na parang pinahiram na laruan.

"S-salamat, Ma," sabi ko na lang tsaka binuhat ang kapatid kong lalaki. Buti naman dahil inalagaan niya ngayon ang anak niya.

"Busog ka?" tanong ko habang kami ay naglalakad. Malapit lang naman ang school namin kaya lalakarin na lang. Tumango ang kapatid ko tsaka ngumiti sa akin. Because of his little smile, medyo gumaan ang pakiramdam ko. At least, I have my little brother that can make life less harsh.

Dumaan lang kami sa isang sari-sari store tsaka binilihan siya ng kanyang makakain. 100 pesos lang ang budget ko ngayong araw at nagastos na namin ang 45 pesos. Sige. Maglulugaw na lang siguro ako mamaya. Busog pa naman ako... Siguro.

"May contribution tayong tig-50 para sa pagpriprint at hard bound," sabi ng leader namin. Nagpaproject kasi 'yong teacher namin sa Pagbasa at Pagsulat ng isang recipe book ma connected sa isang topic namin kaya naman nangangamba ako dahil may gastusin ulit.

PagesWhere stories live. Discover now