Chapter 19 - Kotse

1.4K 57 0
                                    


Matapos basahin ni Victor ang nagliliwanag na mga salita, nagsisisigaw ito sa sakit.
Natunaw ang mga mata ng pinunong bampira. Agad na dinala siya sa pagamutan ng mga manggagawa ng Buenavista metalworks.

Lahat kami ay nahabag sa kanya. Siya'y nalumpo na nga, ngayon ay tuluyan pang nabulag.
Noong bumalik si Natalia sa silid ng konseho ng mga taga-bantay, may dala na iyong aklat sa kanyang mga kamay. Kapansin-pansing namumugto ang kanyang mga mata.

"Kung nalaman ko lang sana ang mangyayari..."
Wika niya.

Binuksan ni Natalia ang sariling aklat niya. Bilang isang matandang taga-bantay, mayroon siya nito. May hinanap siyang pahina at nang nakuha niya ito ay tinawag niya kami. Ngayon, hindi na lumapit ang dalawang dalaga. Sa halip, lumapit si Isarog at si Kokoy.

"Sigurado akong mayroong mga taga-bantay, hindi lamang mga taga-paslang, sa likod nito."
Sambit niya. Ipinakita niya sa amin ang isang ilustrasyon sa dahon ng aklat. Imahe iyon ng buwan at mayroong daan-daang titik, simbolo at mga numero.

"Anong po ba ito? Kalendaryo ng mga bampira?"
Tanong ni Kokoy.

"Ito ang pinaka-banal at iniingatang pahina ng bawat aklat ng mga taga-bantay. At natitiyak ako, nagsisimula na ang propesiyang binabanggit ni Geronimo. Kakailanganin ninyo ito."
Pumitas si Natalia ng isang hibla ng ginintuang buhok mula sa kanyang ulo. Inipit niya iyon sa pahina ng aklat.

"Anuman ang mangyari, ingatan ninyo ang aklat na ito. Ipagkakatiwala ko ito sa inyo ngayon, sana lamang ay hindi pa huli ang lahat."
Ibinigay niya ang mabigat na aklat kay Kokoy. Tiyak na mas makapal iyon kaya sa aklat ni Aling Geronimo. Sabi nga ni Natalia, ilang daang taon na silang nabubuhay.

"Ihahatid ko kayo sa labas, mula doon ay kayo na ang bahala sa kung anong mga misyon ang nasa kamay ninyo. Umasa kayong tutulungan kayo ng aming angkan sa nalalapit na hinaharap."
Sabi ni Natalia.

"Pero saan kami patungo?"
Tanong ni Emelita.

"May mga bagay kayong nararapat malaman, matatagpuan niyo ang inyong mga kasagutan sa lalong madaling panahon."
Sagot ng bampira.

"Hindi ka namin maintindihan Natalia. Bakit tila pina-aalis mo na kami?"
Tanong ko.

"Sapagkat panahon na Zack. Mauubos lamang dito ang inyong panahon. Kailangan kayo sa ibang lugar ngayon."
Sagot niya. May mga bampirang dumating sa silid. Sasamahan nila kami paalis.

"Sila ang maghahatid sainyo sa kotse ninyo. Mula doon, tutungo kayong timog. Malalaman din ninyo ang nararapat na gagawin."

Sinamahan kami ni Natalia sa labas ng pagawaan. Nag-paalam na siya at bumalik sa loob. Sumama naman kami sa dalawang bampira na naghatid sa amin kung saan naroroon ang kotse ni Gillian.

"Maraming salamat."
Sabi ni Gillian.

Umalis na kami doon. Hatinggabi. Tinahak namin ang papuntang timog.

"Ano ang nasa timog?"
Tanong ni Emelita.

"Ang bulkang Mayon."
Sagot ni Isarog.

"Huh? Anong gagawin natin doon?"
Tanong ni Emelita.

"Doon tayo pinapupunta ni Natalia. Kailangan nating mag-tiwala. Isarog, ano sa tingin mo ang matatagpuan natin doon?"
Tanong ko sa prinsipe na nag-iisip ng malalim.

"Si Diwatang Magayon."
Sabi niya.

"Diwatang Magayon? Hindi ba't siya yung statwa sa bungad ng ika-apat na Hardin sa hacienda?"
Tanong ko.

Tumango si Gillian. Tumango naman si Isarog.
Ibig sabihin, konektado pa rin dito si Aling Geronimo. At kung hinahanap kami ng mga taga-paslang, sana'y hindi kami doon matagpuan.

Engkanto DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon