Chapter 25 - Pagmulat

1.1K 55 0
                                    

"Hangal!" Bulyaw ng mangkukulam.

"Mamamatay ka! Mamatay kayong lahat! Ikaw! Ang lahat ng mga engkanto! Si Lirra! At ang lahat ng mga mahal mo sa buhay! Mamamatay kayo!"

Nagising ako ng pasigaw.

Panaginip. Isang panaginip.
Ngunit. Totoong totoo iyon. Isang bangungot ng nakaraan.

Patay na si Aling Geronimo. Si Sergio.
Patay na si Lolo Emilio. Si Victor.
Taga-silip. Taga-mensahe. Taga-hirang. Taga-dalaw.

Ilang beses na kaming nailagay sa panganib. Sa bingit ng kamatayan.
Sinong susunod?

Ini-alis ko ang kaisipang iyon. Iminulat ko ang aking mga mata. Nasaan nga pala ako?

Kakaibang ginhawa ang dumadaloy sa aking katawan. Enerhiya. Mahika ng elemento. Buhay na enerhiya.

Naka-tingin ako sa isang kisameng yari sa bato. Isang kuweba? Naka-higa ang aking katawan sa isang malambot na higaan. Nakabalot ako sa isang kumot na tila yari sa sapot ng gagamba.

Ano ito?
Tinanggal ko ang materyal na iyon na nakabalot sa katawan ko.

May napansin ako.

Isang peklat. Pabilog iyon. Sa aking dibdib. Naalala ko na ito'y dulot ng nagbabagang agimat na ibinigay ni Lolo Emilio.

Ang peklat na iyon ay nag-liliwanag. Pulang liwanang.

Hinawakan ko iyon. Mainit. Masarap sa pakiramdam. Dumaan ang ilang Segundo at namatay ang liwanag.

Isang peklat na animo'y tattoo ang naiwan sa balat ko.

"Ikaw nga ang itinakda."
Sabi ng isang boses. Babae iyon.

Nagsalita itong muli.
"Napaka-husay talaga ni Emilio. Nagawa niyang mahanap kayo. Nagawa niyang hanapin ang itinakda. Napakalungkot lang at napaslang na siya. Ngunit.."

Isang Babae ang nagpakita mula sa dilim. Ang diwatang Magayon.

"Ngunit tila ba hindi ka pa handa Zacharias. At katawang tao ka. Napaka-hina. Sinong mag-aakala."

Naupo ako mula sa pagkakahiga at pinilit unawain ang mga salitang iyon.

"Kumusta ang iyong pagpapa-hinga?"

Ngumiti lamang ako. Hindi ko alam kung papaano sasagutin ang tanong ng diwata.

Mula sa kanyang kinatatayuan, tila ba sinasaliksik niya ang buong pagkatao ko.

Bilugan ang kanyang mukha. Maamo. Ngunit ang kanyang mga mata ay tila ba nagngangalit. Isang bulkan na sasabog sa isang kisap.

Iniwasan kong tumingin sa mga mata niya. Ang kanyang pulang kasuotan ay tila ba nagbabaga. Nag-aapoy.

"Sabihin mo nga Zack. Maganda ba ako?" Tanong nito.

Nabigla ako sa kanyang katanungan. Napa-tango ako sa kaba. Ngumiti ang mga busog at mapupula niyang labi.

"Magayon. Ang pinaka-maganda sa lahat ng mga diwata. Pero noon iyon Zack. Hindi na akin ang titulong iyon. Kagaya ng mga tao, may paligsahan din ang mga diwata sa kagandahan. Alam mo ba ito?"

Umiling ako.

"Matagal na panahon na iyon. Bago pa hinati ang kalupaan. Alam mo ba ang kwento?"

Umiling akong muli. Hindi ako pamilyar sa mga kwento ng mga diwata ng daigdig ng mga tao.

"Paiikliin ko Zack. Natalo ako sa paligsahan. Kilala mo kung sino nanalo? Si Maria Makiling. Hindi patas ang pagpili."

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko.

"Natalo ako sa Q and A portion."

Nakita siguro ni Magayon ang munting ngiti sa aking mukha. Nag-alab ang mga mata noon at napalunok ako.

"Tandang-tanda ko pa ang tanong. Kung papipiliin ka? Bundok o Bulkan? Bakit?"

Napangiwi ang diwata.

"Siyempre pinili ko ang bulkan. Sapagkat ito'y buhay at makapangyarihan. Ngunit mas nagustuhan nila ang bundok na siya namang pinili ni Maria Makiling. Nadaya ako noon Zack."

"Tapos? Anong nangyari?"

"Pinasabog ko ang Bulkang Mayon."
Nakangiting sabi nito.

"Runner-up lang ako. Simula noon pumangit at pumangit ang mukha ko. Nakaka-inis."

"Gusto mo bang makita ang totoong anyo ko Zack?"
Lumapit sa akin ang diwata.

"Uhhh.. "

"Hindi bale. Panahon na para bumangon. Hinihintay ka na nang mga kaibigan mo."

"Nasaan sila?"
Tanong ko.

"Sa labas ng kuweba. Sumunod ka."
Naglakad palabas ang diwata.

"Huwag na huwag kang magpapadaya Zack. Kilalanin mo ang kaaway mo bilang taga-bantay. Bilang itinakda. Kaibigan ko si Maria Makiling."

Naglaho si Magayon palabas ng kuweba.

Kumunot ang noo ko sa huli niyang sinabi.

Pero ngayon kumukulam na ang sikmura ko. Kailangan kong kumain. Kailangan kong makita ang mga kaibigan ko.

Engkanto DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon