A Summer to Remember

270 27 24
                                    

A SUMMER TO REMEMBER

Ni: Geraldine Faye Damaso


You Only Live Once

Live While We're Young

Live Like There's no Tomorrow

Enjoy Life           

Make your Summer Fun and Exciting


Tama nga naman pero wala naman akong panahon sa mga iyan. Ang gusto ko lamang gawin ay magbasa ng mga libro, kumain at matulog. Wala akong panahon maglalabas para magshopping, makihang-out sa friends, magbakasyon sa ibang lugar o kahit  magtitingin sa mga social networking sites para makipagplastikan. Kagaya ng pagla-like at comment sa mga post sa Facebook at pagtitingin sa mga taong parang laging sabik magpost ng OOTD nila, mga pinagkakaabalahan sa buhay, mga quotes na minsan hindi tugma sa kanila at mga picture na halos puro filter lang naman pati pagbabakasyon sa kung saan-saan kailangan pang malaman ng buong mundo.

 Okay, I get! Hindi naman sa bitter ako dahil may Facebook Account din naman  ako kaso lamang, sa panahon ngayon, pakiramdam ko ay nasosobrahan na ang karamihan sa pag-eexpress ng emotions nila to the point na addictive na at necessary na sa daily living ng bawat isa.

So, ano ba ang pinaglalaban ko? Simple lang. Wala akong balak magbakasyon o ienjoy ang summer ko sa labas ng bahay namin at sa kwarto ko specifically. Pero hindi ko alam kung bakit pinarurusahan yata ako ng kung sino man dahil nandito ako sa isang van, nakatali, nakapiring ang mga mata at pati ang bibig ko ay binusalan. Perfect! Wala akong laban talaga. Wala akong ideya kung sino o ilang tao ang nasa likod ng pakulo na ito at kung saan  ako dadalhin pero nasisigurado ko sa sarili ko na hindi ako natutuwa.


"Miss! Miss!" Bakit ba parang niyuyugyog ako?

"Miss! Miss, gumising ka na maggagabi na." Sino ba itong kumakausap sa akin? Ang sarap-sarap ng tulog ko eh. Istorbo naman sa pamamahinga ng tao, oh.

"Miss, ano ba! Bahala ka na nga riyan.  Iiwanan na talaga kita dito sa gubat. Malapa ka sana ng mga mababangis na hayop dito." Ha? Ano bang pinagsasasabi nito? Gubat? Mababangis na hayop?

 Ohmy! Napadilat akong bigla sabay kapit sa braso ng taong kumakausap sa akin.

"Nasaan ako? 'Wag ka munang umalis, please." Pagmamakaawa ko na may halong paghagulgol. Sa sobrang takot ko ay hindi ko na naisip pang ilibot ng tingin ang mga mata ko. Kanina lang ay nasa van ako at may nakakaawang sitwasyon tapos ngayon nasa gubat ako? Lord, bakit nangyayari sa akin 'to?

"HAHAHAHA. Nakakatawa ka talaga! Sana sinabi ko agad sa iyo na nasa gubat tayo para magising ka agad." What? Anong tinatawa-tawa niya? Hindi ko maintindihan kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko and to my dismay, wala kami sa gubat dahil nasa beach kami at nakahiga ako sa may bench.

"Teka, paano ako napadpad dito? Bakit mo sa akin sinabing nasa gubat tayo at sana malapa ako ng mababangis na hayop kahit na alam mong nasa beach tayo? ARE YOU CRAZY? Ikaw ba ang nagpadukot sa akin ha? Naka..." Galit na galit kong tugon sa kanya pero natigilan ako nang magtama ang mga mata naming.

"Chill, Miss... ano nga pala name mo?"

"kayla." Sabay ko iwas ng tingin sa mga mata niyang mapang-akit at  gwapo niyang mukha. Shocks! Ano ba itong nangyayari sa akin? Uso ba ngayon ang lumandi? No no no no. kailangan ko nang umuwi.

'Ang ganda talaga ng name mo. Kaso nga lang ay hindi bagay sa ugali mo." At nang-iinis pa siya ah!

"And so? Wala akong pakialam sa opinyon mo. " Dali-dali akong tumayo at kinapa ang cellphone ko sa aking bulsa. Thank goodness! Buti na lang at nadala ko pala ito. Pagbukas na pagbukas ko pa lamang ay bumugad na agad sa akin ang mga text ni Mika, ang nag-iisa at baliw kong best friend.

NSC 2015 - Preliminary StageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon