Smarati (Naaalala Niya)

215 15 11
                                    

Smarati (Naaalala Niya)

Ni: sulathaime

 

Anong gagawin mo kung isang araw ay makalimutan ka na lang ng lahat ng tao sa buhay mo?

Bawat kaibigan mo, magulang mo, kapatid mo, asawa't mga anak mo at lahat ng tao na may ala-ala mo ay makakalimutan ka na lang bigla. Anong gagwin mo?

Gagawin mo ba ang lahat para maibalik ang ala-ala ng mga taong kinalakihan at minahal mo? Mawawalan ka ba ng pag-asa at susuko na lang? o Tatalikuran ang lahat at magsisimula ng bagong buhay?

Ito ay istorya sa isang yugto ng buhay ko kung saan lahat ng tao ay nakalimutan ako. Isang istorya kung saan para akong guhit ng lapis sa papel na binura at hinipan paalis sa kanilang mga ala-ala.

—Nagsimula ang lahat sa isang summer hiking activity naming maganak sa bundok Arayat sa Pampanga. Kasama ko ang buo kong pamilya. Si Vin ang 12 years old kong panganay, si Amy ang 3 years old kong bunso at ang misis kong si Arah.

Matagal na naming plinano ang activity na 'to simula nang ipanganak si Amy at ngayon lang talaga namin natuloy na gawin dahil sa schedule naming magasawa sa trabaho at sa school ni Vin.

Excited na excited kaming lahat na umakyat ng bundok kahit alam namin na mahirap ang daan paakyat at dala-dala pa namin si bunso, pero hindi naman kami nagmamadaling umakyat kaya okay lang kung dahan-dahanin namin ang pagpunta sa isang lugar na tinatawag nilang White Rock—doon namin planong magset-up ng tent at magpalipas ng gabi.

Medyo mahirap ang naging pakiusapan namin sa mga care-taker at guide ng bundok dahil bawal ang mga bata at ang mag overnight sa may bundok dahil sa mga wild animals at ang panganib na baka mabulabog namin ang mga NPA, pero mabuti na lang ay magaling makipagusap itong misis kong si Arah at napagbigyan kaming maganak na ituloy ang plano namin.

Hindi naman kasi ako mahilig sa pag-akyat ng bundok, pero sa tinagal-tagal naming magasawa ni Arah e ito lang talaga ang lagi niyang nire-request kaya gusto ko namang ipakita sa kanya yung pagmamahal at pagpapasalamat ko sa pagiging mabuting asawa niya sakin at mabuting ina sa mga anak namin, kaya i-pinush kong gawin namin 'to ngayon.

"Papa malayo po ba yung pupuntahan natin? Baka magkulang yung dala nating snacks at inumin. Bili pa tayo doon sa tindahan."

"Ah sige Vin, bigyan kita ng 100 tsaka mo bilin lahat ng gusto mo sa tindahan okay? Basta bilisan mo lang at aalis na tayo ha?"

"Hay naku Mahal, bakit mo naman inii-spoil si Vin lagi kaya namimihasa siya."

"Mahal naman, okay lang yan. At tsaka pagkain at inumin naman yun kaya ayos lang."

"Hay... naku! Kapag yang si Vin ay tumaba ng todo at maging kasing taba mo ikaw ang sisisihin ko!"

"Oo na, oo na. Ikaw na! Ikaw na talaga! Love you!"

"—papa... mam!"

"Naku, uuhaw na ba ang bunso ko? O ito, mam ka sa bote ni papa. Dahan-dahan lang ah baka mabuhos."

Masayang nagsimula ang hiking naming maganak. Tawanan, biruan, kwentuhan, kantahan at kung ano ano pang hindi namin nagagawa araw-araw. Sa mga oras na yun ay naramdaman ko na medyo matagal na rin nang huli naming gawin ang mga ganitong simpleng bagay—puro na lang trabaho at gawaing bahay ang nasaisip namin at nakakalimutan na namin kung paano maging tao.

Nang mga oras na yun, kahit mahirap ang pagakyat, ay ramdam na ramdam ko ang saya ng ganitong mga bonding activity na malayo sa trabaho at mga gadgets—purong bonding lang kasama ang mga taong nagbibigay ng kulay sa buhay ko.

NSC 2015 - Preliminary StageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon