Scheduler's Summer Days

292 35 23
                                    

Scheduler's summer days

By: Renalyn Andaya (cindylyna on WP)

Mula sa kalangitan kung saan may isang malaki at magarang palasyo kung saan nagkalat ang mga orasan saan ka man lumingon. Isa sa mga scheduler ang tamad na tamad na pinapanuod ang mga nangyayari sa dalawang tao mula sa malalim na balon.

"Asha ano pa ginagawa mo diyan? Bumaba ka na sa lupa at gawin mo na ang trabaho mo!" untag sa kanya ng supreme scheduler ang pinakamataas na ranggo sa lahat ng Scheduler.

Tumayo si Asha at pinagpagan ang suot niyang puting bestida na may gintong palamuti. "Kayo pala," gulat niyang sabi at lumuhod upang magbigay galang sa nakakataas. Umalon ang kanyang itim na buhok nang siya'y tumayo. At natatago sa buhok niya ang kanyang mahabang tainga ng parang sa dwende.

"Ano po kasi may problema po ako..." pagtatapat niya sabay pakita ng panulat na mula sa balahibo ng ibon at puting papel sa matandang lalaki.

Kumunot ang noo ng matanda na may mahabang balbas. "Ano ba iyon iha? Kanina pa nakaalis ang mga kasamahan mo. Mag-isa ka na lamang dito," aniya ng may bahid ng panenermon sa boses.

Napayuko si Asha at lihim na napasimangot sa matanda. "Ala sige ano ba problema mo?" nagtaas ng ulo ang scheduler at huminga ng malalim.

"Hindi ko po alam kung ano ang gagawin ko sa dalawang ito. Gusto kong maging masaya silang dalawa," aniya. Kinuha ng matanda ang papel mula kay Asha at binasa ang mga nakatalang pangyayari na ginawa ni Asha.

Hindi sila tao, multo, engkanto, dwende, mangkukulam o mutant. Sila ay isang uri ng nilalang na 'di nage-exist sa imahinasyon ng tao. Sila ang tinatawag na Scheduler. Mga nilalang na may pakpak na tulad ng sa fairy at may katawang tao. Sila ang nagtatala o gumagawa ng mga pangyayari sa buhay ng isang tao.

Ngunit nagulat si Asha nang pinunit ng matanda ang papel sa harapan niya at tinapon. "Bakit po?! Pinaghirapan ko iyan eh," mangiyak-ngiyak na sabi ni Asha habang pinupulot ang papel. Buti 'di niya naging mentor ang matandang ito. Napakasama!

"Tell me kid..." sumimangot siya sa matanda. "...You want a happy ending? You believed in Forever?!" 'Di makapaniwalang turan ng matandang at bigla niya pinalo sa ulo si Asha ng tungkod niyang gawa sa dyamante.

"Aww! Oo naman po!" buong lakas na sagot ni Asha habang inis na inis siya dito.

"Hindi mga immortal ang mga tao. Natural na may pagdadaanan silang pagsubok at kalungkutan. Tandaan mo Asha, 'di lahat ng kapalaran ng tao ay happy ending! May katapusan ang buhay nila, walang forever." biglang naisip ni Asha na bitter ang matandang ito. Gusto niya ng happy ending.

"Kaya ayusin mo ulit ang pagsusulat. Tayo ang gumagawa ng kapalaran nila ayon sa pag-iisip at kilos nila," seryosong sabi niya at tumalikod kasabay ng paglitaw ng bagong papel sa palad ni Asha. Ito ay mainit-init pa at nagliliwanag. Mukhang kailangan na naman niyang ulitin ang lahat.

Mahirap pa dahil dalawa ang hawak niyang tao. Ang mortal na si Randy at Clea na taga-Pilipinas. Bago maglaho ng matanda muli siyang nagsalita. "Mayroon ka na lang apat na oras. Tandaan mo dalawang araw ay katumbas ng isang taon na dagdag sa buhay mo."

Nakaramdam siya ng pangangamba sa sinabi ng matanda. Kailangan niyang magtrabaho dahil dito rin nakasalalay ang haba ng buhay niya.

Huminga siya ng malalim at tiningnan ang blankong papel. Gamit ang panulat sinimulan niya muling isulat ang gusto niyang gawin sa dalawa. Randy and Clea is her subject.

***

Ramdam na ramdam na nga ang tag-init kay Clea. Buwan na ng Mayo kaya sinulit na niya ang bakasyon sa piling ng kanyang nobyo. Pumunta sila sa Boracay, sumakay sa extreme rides, kumain at uma-attend ng summer activies.

NSC 2015 - Preliminary StageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon