Tahanan

521 51 31
                                    

Tahanan

Ni: Sweet Ana

                Hindi ko napigilang mapabuntong-hininga nang matanaw ko mula sa bintana ng taxi ang tapat ng bahay namin. Ilang taon na nga ba ang nakalipas mula noong lisanin ko ang pamamahay na 'to? Hindi ko na yata mabibilang gamit ang dalawa kong kamay. Simula nang magpasya akong mag-aral sa Maynila, ni magbakasyon dito'y hindi ko na nagawa. Pero kakaiba ito sa mga bakasyong nagdaan, dahil sa unang pagkakataon inimbitahan nila akong umuwi muli. Lihim akong umaasa na sana'y sa pagdating ko, mabigay na nila ang pansin na dati'y ipinagdamot nila sa'akin.

               

                "Manong, dito na lang po ako." sambit ko kasabay ng pagabot ng bayad sa matandang driver ng taxi. "Keep the change."

                "Salamat ho, ma'am!" Tuwang-tuwang bulalas nito at isang matamis na ngiti na lang ang isinagot ko bago bumaba ng sasakyan.

                                                                              

                Matapos kong makuha ang mga bagahe mula sa compartment ng taxi, walang anu-ano pa'y pinindot ko na ang doorbell sa gate. Napansin ko ang mga lantang halaman na dati-dati'y ako pa ang nagaalaga noon. Dito ko lang din napagtanto na tila nalipasan na ng panahon ang tahanang iniwan ko. Sumama ang pakiramdam ko sa tanawin na 'yon ngunit agad din itong napawi nang matanaw ko ang kapatid kong si Huan na palabas ng pintuan.

                "Ate!" Isang mahigpit na yakap ang sinalubong ng bunso namin nang tulyan nitong mabuksan ang gate. "Bumalik ka na!"

                Napangiti ako at tumugon sa yakap niya. "Oo naman. Matitiis ko ba naman kayo." sagot ko habang nangingilid ang mga luha sa aking mga mata. "Namiss ko kayo."

                "Kadramahan niyo naman. Hindi niyo ba isasali ang ate niyo?" saad ni Ate Joy na kanina pa pala nakasilip sa pintuan. Lumakad siya palapit sa'min ni Huan at nakiyakap. "Kumpleto na ulit tayo."

                Hindi ko alam kung bakit pero lalo akong naging emosyonal sa mga katagang 'yon. Kumpleto na ulit tayo.  Tila napakasarap marinig mula sa labi nila na isa ako sa mga bumubuo sa pamilyang ito.



"Tama na nga. Dapat nagsasaya tayo eh." natatawang usal ko kasabay ng pagpunas ko ng mga luhang tuluyan nang bumagsak sa aking mga pisngi. "Nasaan nga pala si Tatang at Nanang?"

                Kapwa hindi umimik ang dalawa. Napasulyap si Huan kay Ate Joy bago muling ibalik ang tingin sa'kin. Hindi ko naiwasang magtaka. Bakit tila napawi ang mga ngiti nila nang mabanggit ko sina Tatang at Nanang?

                "Ate Mary, may dapat ka kasing malaman." Tumakas ang mumunting hikbi mula sa bibig ni Huan at agad naman siyang inalo ni Ate.

                "Ate, anong sinasabi nin Huan?" nalilito kong tanong.

                "Hindi ko na ipapaliwanag, sumama ka na lang sa'min." Malungkot ang tono niya habang inaalo pa rin ang umiiyak na si Huan.

NSC 2015 - Preliminary StageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon