Loren's POV.
"Anaaaak! Bumangon ka na dyan! Malelate ka na naman!" narinig kong sigaw ni mama galing sa baba na akala mo magkatabi lang kami sa lakas ng boses nya.
"Bumaba ka na dyan!" sa ingay ni mama, pati ang alaga kong aso na si tweety ay nag-iingay na.
"Andyan na po." sagot ko tsaka bumaba na.
Dumiretso ako sa hapag kainan tsaka umupo.
"Ma, anong ulam?" tanong ko nang mapansin ko syang papalapit sa akin galing sa kusina. May hawak na isang bowl na may nakalagay na kanin.
"Iyan! Dyan ka magaling kang bata ka. Kapag kainan na!" sabi nya ng matapos ilagay ang bowl sa lamesa.
Eto namang si mama oh. Ipamukha ba namang tamad ako? Masipag naman ako ah. In my dreams nga lang. Hahaha!
Natapos na ako sa lahat lahat. Kumain, nagtoothbrush, naligo at nagbihis syempre. Alangang maghubad ako papuntang school diba?
"Loren! Yung tinulugan mo ligpitin mo muna." boses yun ni mama na nanggagaling sa itaas. Kung nasaan ang kwarto ko.
"Ma, alis na po ako.Babay! Labyu!" pamamaalam ko.
Oh diba? Takas sa gawain ang ati nyo! Hahaha, para-paraan. Malelate na kasi ako. Actually, late na talaga ako eh.
Ay teka, nagpakilala na ba ako? Shunga! Hindi pa. Sa daldal kong to hindi nyo pa ako kilala. Enebenemenyern! Hahaha.
So, I'm Loren Mendoza. A fourth year high school student. Running for Valedictorian. Charot lang! Hahaha.
Basta, makikilala nyo rin ako except sa pagiging tao ako. Hindi naman ako nangangain eh. Depende na lang kapag gutom ako.
"Loreeeen! Late ka na naman!" sigaw ni Bea ng makitang kadarating ko lang. Parang sya naman hindi late palagi.
"Hindi be, maaga talaga ako. Obvious naman siguro diba?" pambabara ko.
"G*g*." ang sweet nya noh? -__-
Makapaglaro na nga lang muna ng cellphone ko. Tagal nilang magpaakyat eh. Naboboring na ako.
"Be, palaro ako." sabi ni Ella saka tinangkang kunin ang cellphone ko ngunit kaagad ko namang inilayo.
"Mamaya na be. Owner first charot." sabi ko na lang. Eeeh! Lelevel na kaya ako sa Candy Crush :3
"Damot mo tae ka!" sabi nya tsaka nagpout. Hindi ko na lang sya pinansin.
Mayamaya, nagsisiakyatan na. Pero marami pa ring nakatambay sa ground floor. Yung iba, may hinihintay.
Napansin kong parang kulang yata kami. Nasaan sina Vicky at Sandra?
"Sila Vicky, andito na ba?" tanong ko kay Monique na kadarating lang.
"Kadarating ko lang be. Baka alam ko?" okay okay. Kalma! Hahaha.
"Sila Vicky nakita mo na?" tanong ko na lang kay Ruffa, ang dakilang kpoper. Baka sakaling alam nya.
"Nag-cr." Kdot! Hahaha.
"Uy mga be! Alam nyo ba, ang gwapo nung nakakatext ko! Kakilig!" sabi naman ni Lyndon, ang bakla kong kaibigan. Oo, bakla sya, isang bakla! Hahaha.
"Wmp." pambabara naman ni Bea.
"Aww. Boom basag!" pakikisali ko pa. Syempre, papahuli ba naman ako?
"Hahaha, letse! Kj ng mga ito." sabi naman ni Lyndon tsaka ibinaling na lang ang pansin sa kanyang cellphone. Landeeee!
Pagkadating nila Sandra ay umakyat na rin kami. Nagsama kasi ang dalawang pabebe.
Pagdating sa room, as usual. Maingay. Kanya-kanyang trip.Parang ako tahimik eh noh.
BINABASA MO ANG
The Gift (True to life)
Non-Fiction"Friends are the greatest from God. They are not perfect, but they can make my life perfect." Hello to all Fhanouwthxzs members out there :)