Bea's Pov.
Do I really need to introduce myself? Okay. I'm Bea Cruz, fourth year student. It that enough?
"Ate Monique may tubig ka?" tanong ni Vicky na kakatapos lang kainin yung combi nya.
Nandito na kami sa classroom kasi kakain pa sila Kirat. Este, mama Ruffa.
"Hoy! Penge ako!" sigaw ko kay Lyndon na kumakain ng baon nyang kanin at hotdog ang ulam nya.
"Be, gutom na gutom ako." parang nangongonsensya pa itong baklang ito. L*ngya ka!
"Iba ka dyan." singit naman ni Loren na nagcecellphone.
"Damot mo! Bakla ka! Salot!" sigaw ko pa. Parang t*nga kasi.
"Lol. Hahaha." luh? Tumawa pa ito. Nainsulto na nga. May sira.
Pinabayaan ko na lang. Kabadtrip eh. Ang damot nya, de p*ta sya!
Ang tagal naman dumating ni Sir."Be, pahiram salamin." sabi ni Sandra kay Vicky na kumakain pa rin. Daming reserba nitong si Becky eh noh.
Maya-maya, nagsidatingan na ang iba pa naming mga kaklase na galing sa canteen, ground floor, comfort room o kahit sa corridor lang.
"T*nga si Sir andyan na!" sigaw ng kaklaseng kong si Shawn.
"Susumbong kita ha! T*nga pala si Sir ha!" loko loko itong si Charles.
"G*go wag." kabado na halatang naiinis na sabi ni Shawn. Mga loko loko talaga! Hahaha.
Kanya kanyang ayos ng mga upuan. Hila dito, hila dyan. Lipat dito, lipat dyan. Aba! Porseben yan eh.
"Parang binagyo itong classroom ah?" panimulang sabi ni Sir Rio, ang aming filipino teacher.
Nagtawanan na lang kami. Mga pasaway kasi tong mga kaklase ko eh.
"So bago natin simulan ang ating klase, maghanda kayo ng anim na piso para sa ating teksto." sabi nya habang inaayos ang aming mga teksto.
"Uy pautang naman piso oh! Gwapo ka naman eh." narinig kong sabi ng kaklase ko mula sa likuran ko.
"Mukha mo. Di mo pa nga binabayaran yung utang mong piso nung bumili ka ng burger eh." depensa naman nung isa.
"Babayaran ko yun. Gusto mo limang piso pa. Sige na!" pangungulit pa nung isa. Mga baliw talaga.
Nagbayad na rin ako sa leader namin. Maya-maya nasa amin na ang teksto. Tatlong pages lang pala tapos ang singil eh 6 pesos. What the!
"Bibigyan ko kayo ng 30 minutos para basahin ang maikling kwento bago tayo tumungo sa ating talakayan." sabi ni Sir tsaka kami nagsimulang magbasa.
Ang tahimik ng classroom. Pumupunta na sa mukha ko iyong kurtina namin. Lakas kasi ng hangin eh.
About sa magaang pag-aasawa pala itong topic namin ngayon. Medyo common na sya.
"Sino ang maaaring magbuod ng inyong binasa base sa inyong pagkakaunawa?" tanong ni Sir matapos namin mabasa ang maikling kwento.
Pero yung iba, tumutungo ulit para kunyare hindi pa tapos magbasa. Aba matinde! Hahaha.
"Aba, wala yatang gustong pumasa." sabi pa nya ulit kaya napahinto kami. May iilang nagtaasan ng kamay at kasama na doon sina Sandra at Lyndon. Sila ang mga palaging active sa recitations.
Nakakaantok naman itong hangin ang lakas eh.
"Ang pag-aasawa, hindi parang kanin na matapos mong isubo eh iluluwa mo na lang. Iyan ay panghabangbuhay mo na. Kaya dapat lamang na pinag-iisipang mabuti." pagpapayo nya sa amin.
May ilang pang nagbigay ng mga reaksyon. Halos lahat naman tama eh.
"Iyan lamang para sa araw na ito. Nawa'y isa puso ninyo ito." pamamaalam nya. "Class dismissed." dagdag pa nya.
-*
Authors Note : Sa next na POV na lang ni Bea malalagyan ng maraming bad words. Konti lang muna sa ngayon. Paghahandaan ko pa eh. Hahaha!
BINABASA MO ANG
The Gift (True to life)
Non-Fiction"Friends are the greatest from God. They are not perfect, but they can make my life perfect." Hello to all Fhanouwthxzs members out there :)