Chapter 2

62 5 18
                                    

Sandra's POV.

So ayan, makakapagsalita na ako. I'm Sandra Bernardo, the one and only :) maganda ako, tapos maganda ako tsaka maganda rin ako. Teka, nasabi ko na bang maganda ako?

Basta ayun! Hindi rin ako katangakaran. In short, maliit at cute ang height ko. Pero may kasabihan ako wag kayo!

"Ang babaeng hindi katangkaran, sobra-sobra naman sa kagandahan." - Sandra Bernardo

Ohaaa! Taray ni ate! Gumaganern, hahaha! Bakit ba.

Malapit rin ako sa mga boys dahilan para mainis sa akin ang mga ibang babae. Hindi ko alam kung bakit pero wala na rin naman akong pakialam pa.

Komportable lang talaga akong makisama sa kanila. Ang unfair lang kasi kapag magaganda 'yung ganun, friendly lang. Pero kapag ako, flirt na agad agad? Ano! Hustisya naman!

"Be, tara na. Nagpapantasya ka na naman." nagising ako sa katotohanan ng marinig kong siniko ako ni Loren sa braso.

"Mamaya ka na nga. Nagpapakilala pa ako eh." istorbo neto azar! -___-

"Ay? Iba ka dyen!" dagdag pa nya. Ewan ko saiyo.

"Mamaya na tayo umakyat. Hindi rin tayo makakaakyat agad eh." sabi naman ni Vicky.

Oo nga naman, sobrang siksikan. Stranded at nagkakagulo na sa hagdan na daraanan namin. May mga humihiyaw pang mga estudyante. Mga pasaway!

Hinintay muna naming kumonti ang mga estudyante tsaka kamk umakyat. Kami naman ang mag-iingay!

"Napanood mo 'yung Empres Ki? Shet. Ang ganda!" narinig kong sabi ni Monique kay Loren.

"Mas maganda pa rin 'yung Moon Embracing The Sun be." pangongontra ni Loren.

"Hindi kaya. Mas maganda 'yung My Love From The Star eh!" pakikisali naman ni Ella.

"Kaya nga. Ganda kaya nun." pagsang-ayon namin ni Vicky kay Ella. Pareho sila ng trip.

"Pero mas maganda pa rin ako." sabi ni Bea tsaka hawi ng buhok nyang maikli.

"Mukha mo be." natatawang sabi ni Lyndon na nagunguna sa paglalakad.

"Excuse me, nandito pa kaya ako." sabi ko tsaka naglakad na parang model. Kavouge diba!

"Ay! Wag ng umasa be." pambabara ni Loren. Talaga 'tong isang ito. Ayaw sakyan trip ko eh.

Nagtawanan na lang silang lahat hanggang sa makaakyat ng 6th floor kung nasaan ang classroom namin.

Pagpasok, surprise! Ang gulo ng classroom namin. Tsaka ang ingay! Baka porseben iyan.

Tatlong subjects wala kaming teacher. Aba matinde!

"Be, selfie us." sabi ko kay Loren.

"Sandali lang be." sabi naman nya.

"Selfie raw pero dalawa sila." paniningit naman ni Vicky na kahit nagbabasa ng wattpad ay narinig pa rin kami.

"May sinasabi ka be?" pang-aasar ko. Natawa na lang sya. Ay abno?

"Duo kasi." isa pa itong si Ruffa na nanonood ng video sa cellphone nya. Puro mga koreans na naman.

"Aynako! Edi duo na kung duo!" sigaw naman ni Loren. Highblood te?

At nagpicture picture na lang kaming dalawa. Hanggang sa malowbat ang cellphone nya.

"Be, lowbat na ako." ani Loren. Ay bitin!

"Peram phone be." sabi ko kay Ruffa.

"Di pa talaga kayo nakuntento? Hahaha!" sabi naman ni Ella na nagbabasa rin ng wattpad. Sus! Kung alam nyo lang kung anong mga pinagbababasa nyan ...

Pinahiram rin kami ni Ruffa at nakisali na rin sya. Baka selfie queen iyan?

Maya-maya nakasama na sina Bea at Ella.

"Ako rin pasali." sabi naman ni Vicky na hawak hawak ang kanyang phone na nasa wattpad app pa rin.

"Wag ka na be." sabi naman ni Loren.

Nagtawanan na lang kami. Hahaha! Grabe kay Vicky!

"Uy iiyak na iyan." sabi ko naman.

"Hindi ah!" depensa nya agad na medyo natatawa pa rin.

Nagpatuloy lang kami sa pagseself-- este groupie na kasi marami na kami.

"Tatay, may earphones ka?" tanong ni Vicky kay Lyndon.

"Meron be. Kaso sira yung isa di gumagana." pagpapaliwanag nya.

"May sira bang gumagana?" ayan na naman po si Bea, hahaha!

Nagtawanan na lang sila hanggang sa magrecess na.

The Gift (True to life)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon