Lyndon's Pov.
Hello guise! Ako nga pala si Lyndon Tolentino. Ako ang pinakamaganda sa kanilang lahat. Wag na kayong umangal! POV ko 'to walang pakialamanan.
"T*ngina! Nawawala footsock ko." sigaw ng kaklase kong si Charles habang hinahanap yung isang footsock nya.
"Bobo kasi." natatawang sabi naman ni Ivan.
"Guise! Malelate na naman tayo ano? Wag ng pabebe! Dalian nyo!" sigaw ni Jennika, ang aming class president.
"Saglit be pengeng pulbo." narinig kong sabi ni Lovely na may hawak na salamin.
"Wala naman tayong assignment kay Sir diba?" bulong sa akin ni Vicky.
"Hala ka be! Meron! Di ka gumawa!" pananakot sa kanya ni Ella.
"Hala! Alam ko wala eh." depensa ni Vicky na kinakabahan pa.
"Oo be, meron. Yari ka!" dagdag pa nitong si Loren.
"T*nga late na tayo." sabi naman ni Bea. Talaga 'tong isang to oh.
Nagsilabasan na kaming lahat. 'Yung iba nauna na. Kanya kanyang dala ng notebooks at footsocks. 'Yung iba, dala dala nila ang mga bags nila.
Habang naglalakad kami sa BCE I ang daming nakatambay na lower years.
"Te! Te! Ano name mo?" tanong samin na di namin alam kung sino ba ang kinakausap nya.
"Wag nyo na lang pansinin." kalmadong sabi ni Vicky.
"Ate penge number!" sigaw pa nung isang mukha namang unggoy.
"02." sabi ulit ni Vicky. Natawa na lamg kami at umalis na.
Pagdating sa room, hindi naman kami late. Meron pa kasing hindi dumadating pero marami na ang nasa loob.
"Lindsay, bakit ang tagal mo?" tawag sa akin ni Sir Figu. Lindsay kasi ang tawag nya sakin.
"Wala lang Sir." nakangiti kong sabi.
"Umupo ka na sa mga boys mo dyan." sabi nya. Ay kaloka! Mga boys ko talaga? Parang bet ko iyon! Hahaha. #Lande101
At umupo na nga ako sa mga boys ko daw. Hahaha! Kaso doon ako sa pinakadulo. Ayos lang, sa dulo rin umuupo sila Loren eh.
Lumabas si Sir. Wala yata kaming gagawin ngayon. Daldalan mode na naman kami.
"Be, laro tayo." sabi ko ng makalapit ako sa kanila.
"Wag ka na be. Ang baduy mo." pangongontra naman sakin ni Loren na nagcecellphone na naman. Subsob ko to sa cellphone nya eh.
"Dali na. Concentration." pamimilit ko pa rin.
"Tara sign ko peace!" excited na sabi ni Vicky. Buti pa 'to may pakisama.
"Tara tara. Lagayan ulit sa mata ha?" sabi naman ni Ella. Halatang gustong makabawi eh.
Sa kalagitnaan ng paglalaro..
"Yes! Nataya rin si Bea! Whooh!" sabi ni Ate Monique.
"Ako maglalagay." sabi naman ni Ruffa.
"Ako. Ako nakataya eh." singit ko naman. Aba hindi pwede yun noh.
"Edi ikaw na!" sabi pa nya. Hahaha!
"G*go kang bakla ka. Ayusin mo!" sigaw ni Bea.
"Wala pa be. Excited?" sabi ko naman sa kanya. OA kasi.
"T*ngina mo. Ayos na yan!" sabi nya tsaka tinabig ang kamay ko. Sayang! Kakapalan ko pa sana eh.
At nagpatuloy lang kami sa paglalaro.
"Groupie us guise!" sigaw ni Jennika na may hawak na monopad.
"Hindi ako kita be." apela naman ni Lovely.
"Wag ka ng sumali." pang-aasar sa kanya ni Shawn.
"G*go." nakasimangot na sagot ni Lovely sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Gift (True to life)
Kurgu Olmayan"Friends are the greatest from God. They are not perfect, but they can make my life perfect." Hello to all Fhanouwthxzs members out there :)