Luigi's POV
Malamig ang simoy ng hangin, dinig ang lagaslas ng tubig dagat, maliwanag ang sinag ng buwan kasama ng mga bituwin at ako naman ay narito sa tabing dagat. Nakaupo sa buhanginan dito sa inupahan naming resort sa Batangas at ninanamnam ang mga sandaling malayo sa problema at makaranas man lang ng pahinga kahit papaano. Isinama kasi ako nila boss sa team building para naman daw makapagpahinga ako dahil puro na lang ako trabaho. Halos matagal na pahanon na rin kasi siamula noong huli akong nakapunta sa dagat at mas pinili kong makipagsapalaran dito sa siyudad upang magtrabaho para kila nanay at bunso.
Nasa malayo ang aking tingin at dinadama ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking pisngi. Bigla akong napaisip, nabibigyan ko pa nga ba ng oras ang sarili ko? O puro na lang ako trabaho at hindi ko na magawa pang makabili ng kahit ano para sa sarili ko? Paano naman ang kaligayahan ko? Ano kaya ang pakiramdam na may nagmamahal sa iyo? Kaso andun pa rin 'yung takot ko, 'yung takot ko na baka maulit muli ang nangyari mula sa nakaraan. Kaso wala naman sigurong masama at mawawala kung susubukan ko ulit diba? Hayssss ewan ko ba!
"Ang lalim yata ng iniisip mo Luigi ah." Bulong ng tinig mula sa aking likuran. Nagulat naman ako kung sino ang taong iyon at paglingon ko ay ang aming kuya-kuyahan sa coffee shop na si kuya Kyle. Agad niya namang inabot sa akin ang isang bote ng beer at umupo sa tabi ko.
"Hindi na ako umiinom kuya eh, matagal na panahon na." Sagot ko naman sa kanya na may halong pagdadalawang-isip. Ngunit hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at agad ko na itong kinuha nagbabakasakali na makatulong ang alak sa aking mga iniisip.
"Alam mo hindi masamang piliin mo rin ang sarili mong sumaya Luigi, huwag mong pigilan ang sarili mo sa mga bagay na ikakasiya mo." Bungad naman niya sa akin matapos makaupo nang maayos. Tila nababasa niya yata ang isip ko sa mga nangyayari at tugma ang mga salita niya sa iniisip ko. Hmmm dati ba siyang manghuhula?
"Ehh, paano mo naman nalaman kuya na ganun ang nasa isip ko?" Tanong ko naman sa kanya na may halong pagtataka.
"Ilang araw ka na kasi naming napapansin ni Cheska sa trabaho na malalim ang iniisip at tila napapabayaan mo na rin ang sarili mo, puro ka trabaho. Lumandi ka rin kasi, maglibang ka, bumili ka ng mga bagay na sa tingin mo ikakasiya ng puso mo o di kaya pumunta ka sa mga lugar na makakahanap ka ng kapayapaan sa isip mo." Pagpapatuloy nito. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya at nakikinig sa mga sinasabi niya.
"Alam mo Luigi ramdam namin ang presensya mo at kahit hindi ka magsabi napapansin namin. Sarili mo rin minsan, hindi masama maging makasarili minsan lalo na kung alam mo sa sarili mo na hindi na nagkukulang." Pagpapatuloy nito.
Huminga muna ako ng malalim at kumuha ng lakas ng loob upang magkwento sakanya.
"Natatakot kasi ako kuya. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, kung saan at kanino ako hihingi ng tulong at kung sino ang tutulong sa akin. Natatakot ako lalo na pagdating sa relasyon na baka maulit muli yung nangyari sa akin." Matapat at malungkot na sagot ko sakanya.
Ngumiti siya ng maaliwalas sa akin at tinignan ako sa mata. Tinignan ko rin siya sa mata at makikita ang bakas ng pag-asa sa mga tingin nya. Para ko na talaga silang kapatid ni Cheska at ramdam na ramdam mo na nag-aalala sila para sa akin.
"Pwede kang humingi ng tulong sa amin, kami nila Cheska, nila boss. Kung natatakot ka dahil sa sinapit mo sa nakaraan, bakit hindi mo subukan ngayong nasa kasalukuyan ka na? Hahayaan mo ba na lamunin ka palagi ng nakaraan? Hahayaan mo na lang na ba ganyan ka palagi? Walang mawawala kung susubukan mo at hahayaan ang sarili mo na sumaya ulit. Patawarin mo na ang sarili mo at palayain mo na sa nakaraan. Alam kong madali siyang sabihin para sa akin ngunit kailangan mong umpisahan sa sarili mo. Unti-untihin mo ang mga bagay hanggang sa maramdaman mo na ngumingiti ka na nang maaliwalas at handa ka ng harapin ang bukas ng may tapang. Ano man ang kalabasan at least sumubok ka at wala kang pagsisisihan." Mahabang sagot nito sa akin at nakangiti pa rin siya sa mga oras na ito.
Tinignan ko lamang siya at pinoproseso ang mga salitang binigkas niya sa akin. Mula sa aming kina-uupuan ay rinig mo ang lagaslas ng mga alon sa dagat at tila sumasang-ayon sa tugon ni kuya Kyle. Maging ang buwan ay biglang lumiwanag mula sa pagkakatakip kanina ng mga ulap sa mga oras na ito.
"Isipin mo na lang ang buwan, hindi sa lahat ng oras nariyan siya para magbigay ng liwanag nang nag-iisa, minsan kailangan niya ang mga bituwin na magsisilbing niyang katulong at kaagapay upang lalong lumiwanag ang gabing nababalot ng dilim. Ibig sabihin, hindi sa lahat ng oras na kaya mo mag-isa ay dapat mag-isa ka na lang, hindi masama humingi ng tulong at kung may tutulong, tanggapin lalo na kung paraa sa ikabubuti mo." Pagpapatuloy nito sa kanyang sinabi habang hindi pa rin napuputol ang kanyang mga ngiti sa akin.
Napaluha ako sa kanyang mga sinabi sa akin at napagtanto ko na, oo nga, kailangan ko na rin ng tulong para bumuti ako at mas maging better ako sa mga tao. Tama siya wala namang masama kung hihingi ng tulong at susubok muli. Agad ko siyang niayakap at ginantihan niya rin ako ng mahigpit na yakap habang hinahagod ang likod ko. Tumagal din kami ng ilang sandali at bumitaw na ako sa pagkakayakap, mabuti na lamang at andiyan sila palagi para sa akin.
"Ayos lang yan ilabas mo lang, makikinig si kuya para sayo okay?" Pagpapatahan niya naman sa akin. Nginitian ko na lamang siya at ako naman ay nananatilig tahimik sa mga oras na ito.
"Oh siya maiwan muna kita at tintawag ako ng kalikasan balikan kita pagtapos ko ha?" Pagpapapaalam naman nito sa akin at agad na siyang tumayo. Natawa naman ako sa sinabi siya at tumango na lang bilang pagtugon. Naglakad na siya papalayo at ako naman ay ipinagpatuloy ang aking pag-inom ng alak na ibinigay niya sa akin kanina.
Tumingala ako sa kalangitan at pinagmasdan ang bilog na buwan at milyon-milyong mga bituwin. Ganoon din ba ang buwan maging ang mga bituwin? Paano kung tama nga si kuya Kyle, subukan ko kaya ulit? Umpisahan ko sa sarili ko at tsaka ko subukan magmahal ulit pero syempre kailangan paunti-unti lang. Hindi man ganun kabilis ngunit kahit papaano ay may nangyayari. Haysss bahala na subukan na lang natin para magka-alaman na.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
So here's the prologue mga beshywapsss ko. The first chapter ay makikilala niyo na paisa-isa ang mga bibida sa buhay ni Luigi. I love you guys.
BINABASA MO ANG
The Great War (BoyxBoy) [Ongoing Update]
Romance"Love is a ruthless game, unless you play it good and right." Ika nga ni Taylor Swift sa kanta niyang State of Grace. Iba't-ibang pananaw kung paano gagawing matagumpay at matibay ang isang relasyon. Masaya, misteryoso, mapanganib, malungkot, malaya...