Hello! Hellooooo! So ayun dahil sinisipag ako mag-uupload ako ng chapter 2 para sa story natin, dito na magkakakilala ang ating bida, or bida-bida? Charot.
Kakauwi ko lang galing work at gusto ko na may kasunod na agad dahil inspired ako at dahil hindi na raw sila makapaghitay. Ikalma mga anak.
Anyways dedicated ang chapter na to kay ChrisMrtn and super supportive since the daay I've mentioned na itutuloy ko na story ko. Love na love ko yang person na yan.
Photo on the background is not mine. Credits to the owner. <3
Daming chikaaaa!!! Enjoy guys :3
Luigi's POV
Matagal-tagal din ako sa ganoong posisyon ng pagkatulala sa kawalan, ilang sandali pa at alas siete na ng gabi at naisipan kong tumayo na sa kinauupuan ko. Medyo rumarami na rin ang bilang ng tao kaya't umalis na ako sa pwesto ko. Sa aking paglalakad ay naisipan kong kunin ang earphones ko at magpatugtog ng musika nang biglang...
"Putang ina naman oh!" Sigaw ng lalaki habang may halong gulat sa nangyari.
Agad kong tinanggal ang isang piece ng earphones ko sa aking tenga para malaman ang nangyari at humingi ng pasensiya, medyo malakas kasi ang pagkakabunggo ko sa lalaki.
Tinignan ko ang lalaking hindi ko sinasadyang mabunggo at pinagmasdan ang hitchura nito. Masasabi kong gwapo ang lalaking ito at tila ibinigay ng langit dahil sa hitchura nito. May tangkad na 5'9, may saktong pangangatawan dahil na rin siguro sa pag-gy-gym, matangos ang ilong, bilugan ang mga mata, makinis at maputi ang balat at kulot ang buhok. Kung titignan mo ang suot nito ay naka short ito na above the knee na kulay puti, longsleeves na puti at puting rubber shoes. Ngunit hindi na yata kulay puti ito dahil nabitawan niya ang hawak niyang kape at natapunan ito.
Agad akong natauhan sa ginawa kong pagtitig sakanya at nagtama ang aming mga mata, mababasa mong galit siya at hindi natutuwa sa nangyari at ako naman medyo may halong pagtatanong sa aking isip.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bulag ka ba? Or bingi ka?" Pambasag niya ng katahimikan na may halong diin sa kanyang salita.
"Pa-pasen-siya na-na si-sir hi-hindi ko na-naman sinasadya." Utal kong sagot dito at sa mga oras na ito ay nababalot na ako ng takot.
Ngumisi siya na parang nakakaloko at hinawakan ako sa kwelyo ng suot kong itim na polo shirt. Ramdam ko ang galit sa pinapakita niyang kilos kaya nataranta ako bigla.
"Pasensiya? Huh? Pasensiya? Sa tingin mo ba maibabalik ng pahingi mo ng pasensiya ang ginawa mo sa suot ko? Lalo na sa sapatos ko?" Paninigaw nito sa akin at tinapunan ako ng kanyang nanlilisik na mata.
Halos manginig ako na ginagawa ng lalaking to at nagkamali yata ako ng pagkakakilala, na kung ano ang kinaamo ng kanyang mukha ay kabaliktaran ng kanyang ugali. Nakatitig lamang ako sakanya at takot na takot.
BINABASA MO ANG
The Great War (BoyxBoy) [Ongoing Update]
Romance"Love is a ruthless game, unless you play it good and right." Ika nga ni Taylor Swift sa kanta niyang State of Grace. Iba't-ibang pananaw kung paano gagawing matagumpay at matibay ang isang relasyon. Masaya, misteryoso, mapanganib, malungkot, malaya...