Chapter 3 - Blood Is Thicker Than Water

5 0 0
                                    

So ayun na nga mga bestiessss... Hindi included ang Philippines sa The Eras Tour International Leg which is nakakasad and hindi talaga ako nakatulog kagabi... Huhuhuhuh


Inspired naman ako today kasi andaming ideas ang pumapasok sa utak ko like swear. 


Dedicated ang chapter na to kay Anamaebaradas na sobrang ganda and paborito kong mentee nung magkasama pa kami sa work. Love you behh. 


Here's the chapter 3 mga bibiquee. Makikilala niyo na ang mga bida sa susunod HAHAHAHAH. Enjoyyyy. Pahingi naman ng vote jan mga vebs mwapppsssss........



Luigi's POV


Araw ng Lunes ngayon at ang araw na sobrang daming customer dito sa coffee shop na pinapasukan ko at talaga namang kailangan namin ng karagdagang tao para makatuwang namin sa pag se serve sa mga customer. Alas otso pa lang ng umaga pero dagsa-dagsa na ang mga estudyante para magkape muna bago pumasok sa school. Mga ganitong oras kasi talaga lalo na pag Lunes ay maraming tao ang pumupunta rito, mayroon pa taga ibang lugar o di kaya sa kalapit na siyudad.


"Kaya pa ba? Mukhang pagod ka na, pahinga ka kaya muna." Pambasag ng katahimikan ni Cheska sa akin. Kasalukuyan akong nakaupo at nagpahinga saglit dahil sa sunod-sunod na order.


"Ahh hindi pa naman, kailangan ko lang uminom ng tubig para kahit papano makabawi yung katawan ko." Sagot ko naman sakanya.


"Siya nga pala, napaki-usapan ko na si madam na rumito ka muna tsaka kailangan ka raw niyang maka-usap mamaya para sabihin sayo yung mga bagay na kailangan mong gawin." Paliwanag naman nito sa akin.


Nakwento niya yata na naghahanap ako ng ibang trabaho para matustusan ang pangangailangan namin sa bahay at para na rin makaipon ako ng pakonti-konti. Matapos niyang sabihin yon ay nginitian ko na lang siya nagpapahiwatig na umu oo ako sakanya. Ilang sandali pa ay tumayo na ako para kumilos at magtrabaho.


Bandang tanghali na rin at iilan na lang ang customer namin sa mga oras na to at mamayang hapon ulit dahil uwian ng mga estudyante. Kasalukuyan akong nakaupo dito malapit sa counter, masasabi ko na ang ganda ng pagkagawa ng coffee shop na to at may pangalawang palapag pa siya at tatlong branch sa ibang panig dito sa Manila. Ang pinakagusto talagang binibisita dito ay ang Lover's Corner kung saan ay may mga nakasabit itong mga plastic na rosas at pahugis pusong bulaklak sa may dingding at upuan sa may gitna at pwede kang kumuha ng litrato rito habang nagpapahinga.


Ang mas nakakatuwa pa sa coffee shop na ito ay may mga quotes at motivational messages kang mababasa na talagang magugustuhan mo. Ang pinakagusto talaga nilang kuhaan ng litrato rito ay ang may nakasulat na "Be patient and tough, someday this pain will be useful to you." Ewan ko pero andaming mga tao ang gustong magpakuha ng litrato rito. Nakadikit kasi siya sa gitna ng puso rito sa Lover's Corner.


Masasabi ko sa kalagayan ko ngayon ay wala na akong panahon sa pag-ibig, pag-ibig na yan. Ang tanging gusto ko ay makasalba kami sa araw-araw at mapagtapos ko ng pag-aaral ang kapatid ko. Dalang dala na ako sa pag-ibig na yan. Ni hindi na ako makaramdam ng kilig at saya sa mga ganyan. Mas gugustuhin ko na ituon ang oras ko sa pamilya ko at mga kaibigan ko.

The Great War (BoyxBoy) [Ongoing Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon