It's been a while halos kalahating taon din pala akong di nakapag-update at publish. T_T
Sana all ina-update noh? Charizz.
So isingit ako lang 'tong chapter nilang mag-nanay at namiss ko 'yong nanay ko.
Here's the chapter 4 mga beh. Enjoyyyyyy!!!!!
CTTO to the right owner of the photo.
Luigi's POV
Makalipas ang halos dalawang oras na byahe ay nakauwi na rin ako. Nakakapagod man ang araw na 'to ngunit ito na 'yon. Nagbihis muna ako ng aking damit at naghanda na rin ako upang kausapin si nanay. Habang nagsusuklay ako ng aking buhok ay may kumatok sa pinto, hindi naman naka lock ang doorknob nito kaya sinabihan ko na lang na pumasok. Si nanay pala, bumungad sa akin ang kayang matamis na ngiti.
Inayos ko na rin ang sarili ko at umupo na rin ako sa aking kama upang ipaalam na kay nanay ang mga nangyari kanina sa coffee shop. Nginitian ko muna siya at nagpakawala ng isang buntong-hininga. Medyo kinakabahan din kasi ako at medyo nalulungkot sapagkat tuwing Sabado at Linggo ko na lang sila mabibista. Mami-miss ko man sila ay kailangan ko 'tong gawin para na rin sa kanila.
Humarap ako kay nanay at hinawakan siya sa kamay.
"Nay, may sasabihin po sana ako." Pauna ko rito.
Hinintay ko muna kung ano ang kanyang magiging reaksyon ng ilang minute at ako ay nakayuko lamang habang kaharap siya. Iniangat ko ang aking ulo upang matanaw kung ano ang kanyang magiging reaksyon, nginitian niya ako hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
"Nay, nakausap ko kasi si boss kanina, nagpaalam ako kung pwedeng doon muna ako tuwing may pasok ako, iniisip ko rin kasi nay na makakapagipon ako nang maayos para sa gamot mo at para sa gastusin ni Andrew sa school niya. Gusto kong gumaling ka nay, konting gamutan na lang naman nay gagaling ka na rin. Kailangan ko lang talaga ng konting halaga para mabayaran yung huling batch ng gamutan mo. Pasensiya na nay ha, alam kong minsan kinakapos tayo kaya gusto ko gumawa ng paraan para kahit papano makadagdag pa rin para sa panggastos, tsaka para makapagpahinga ka na rin kaysa nagtitinda ka jan sa labas at may dinadamdam ka." Mahabang salaysay ko kay nanay at hindi na rin kinaya ng aking mga luha ay umagos na sila mula sa aking mata hanggang sa pisngi.
Niyakap ako ni nanay nang mahigpit at hinagod ang aking likod.
"Alam mo anak, nagpapasalamat ako sa'yo, sa inyo ni Andrew dahil mabubuti kayong bata. Nahihiya na ako sa inyo anak. Hindi ko magampanan nang maayos ang papel ko sa inyo bilang ina, ako pa itong nagiging pabigat sa inyo." Sagot naman nito sa akin habang umiiyak na rin at kayakap ako.
"Salamat anak, pasensiya na talaga ha, alam mo ba sobrang proud ako sa'yo kasi lagi mo kaming iniisip ni Andrew, nag-aalala na rin kasi ako sa'yo anak kung maayos ka pa ba, kung kumakain ka ba nang maayos sa trabaho, kung maayos ba ang pakikitungo sa'yo ng mga katrabaho mo at s'yempre nag-aalala ako na hindi mo na magawang humanap ng taong magpapasaya sa'yo." Pagpapatuloy naman nito.
"Nay naman eh, nagdadrama tayo rito isiningit mo naman yang love life ko na 'yan, kayo lang ang mahal ko ni bunso, kayo lang ang kaligayahan ko at lahat gagawin ko para sa ikabubuti niyo." Pagmamaktol ko naman kay nanay.
Si nanay talaga lagi na lang iniisip ang buhay pag-ibig ko eh wala na nga akong pake roon. Bigla rin akong natigilan sa sinabi ng nanay, totoo ba na napapabayaan ko na ang sarili ko? Kailangan ko na rin ba na magliwaliw kahit papano?
"Biro lang anak, kung ano man ang desisyon mo susuportahan ka naming ni bunso. Basta pag may oras ka tumawag ka dito ha, alam mo naman ayaw ng nanay na nagpapabaya ang unika ija ko." Panunukso naman nito sa akin.
"Nay naman eh, syempre nay tatawag ako pag hindi ako busy gusto ko rin malaman ang kalagayan niyo dito. Basta mag-iipon ako para matapos na yang gamutan mo. Salamat nay ha, mahal na mahal ko kayo nay." Pagyakap ko naman ulit kay nanay.
Ewan ko ba kay nanay at sobrang bilis mag switch ng mood naming dalawa mula sa pagiging seryoso ay maya-maya magiging punung-puno na naman ng katatawanan ang mga bagay. Tiwala naman ako kay nanay na hindi niya papagurin ang sarili niya para mabilis ang kanyang paggaling. Dahil kasi ito sa pagkadulas niya noon sa aming kusina limang taon na ang nakakalipas kaya kailangan niya sumailalim sa therapy.
Matapos ang aking pagpapaalam kay nanay ay nagkwentuhan pa kami tungkol sa trabaho at kung kamusta naman ako lalo na ang puso ko.
"O anak matanong nga kita, may nagpapatibok na ba ulit jan sa puso mo? Kung meron ipakilala mo na agad sa akin 'yan ha para makilatis na'tin." Pagbibiro naman nito.
"Wala naman sa ngayon nay tsaka kung meron man wala na naming patutunguhan iyon. Alam mo na sa panahon ngayon." Pagsagot ko naman kay nanay.
"Ahh basta pag meron sabihin agad kay nanay. Kailangan mo na ng hardinero na iyong hardin. Matatatayog na ang mga talahiban jan anak." Pang-aasar naman nito sa akin.
Napalaki naman ang aking mata sa sinabi ni nanay. Si nanay talaga may pagka-naughty pa rin. Kaya napagkakamalan kaming magkapatid eh.
Tinawanan ko na lang si nanay at bumaba na rin kami, matapos ang aming kwentuhan ay pumasok naman si Andrew sa kwarto at inaya kami upang kumain. Pagkababa namin ay nakahanda na ang aming kakainin at nakakatuwa kasi marunong na rin magluto itong kapatid ko kaya kahit papano ay hindi na hirap ang inay sa mga gawaing bahay. Napuno ng kulitan at kamustahan ang buong oras namin sa hapag-kainan.
Nagpapasalamat ako kay nanay dahil napakabait niya sa amin at hindi niya kami iniwan di tulad ng ginawa sa amin ng aming tatay. Talagang bitbit niya kami kahit saan siya noon. Doon pa lang sa part na 'yon ay sobrang ipinagpapasalamat ko talaga.
Matapos kumain ay naghanda na rin ako matulog at si bunso na ang nagligpit sa baba at maaga pa raw ako bukas para pumasok.
Haysss sa wakas wala na akong mabigat na puso at alam kong maaasahan naman ang kapatid ko. Nagpapasalamat ako sa Diyos at binigyan ako ng mabuti at supportive na pamilya, laking pasasalamat ko talaga at ganito ang pamilya ko. Nakakatuwa at hindi nagalit or nagtampo si nanay.
Maaga na naman ako para bukas at kukuha na rin ako ng ilang mga gamit ko rito sa bahay para may mga damit na ako pagsapit ng susunod na linggo. Tumanaw muna ako at nagpahangin dito sa may maliit na terrace namin ng mga naggagandahang mga ilaw mula sa siyudad at nilasap ang malamig na hangin.
Nakatanaw sa mga bituwin at nakangiting pinagmamasdan ang mga ito. Sana ay tuloy-tuloy na, tuloy-tuloy na umaayon na ang mga bagay-bagay sa akin. Tumagal din ako nang halos kalahating oras na nasa ganoong posisyon at naisipan ko na rin na matulog at bumibigat na rin ang aking mga mata. Ilang minuto pang pagkakatulala ay di ko na namalayan na dumilim na ang paligid.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Masyadong makabagbag-damdamin ang part na 'to sa'kin (charrrrr si makabagbag naman). I just remembered some moments like this, wala lang namiss ko lang.
Sa Chapter 5 na talaga, sorry na sabi ko si other guy na eh, pagbigyan niyo na ako. Love you all hehehe. Vote naman jan oh or pa like ng chapter natin. Love y'all <3
BINABASA MO ANG
The Great War (BoyxBoy) [Ongoing Update]
Romance"Love is a ruthless game, unless you play it good and right." Ika nga ni Taylor Swift sa kanta niyang State of Grace. Iba't-ibang pananaw kung paano gagawing matagumpay at matibay ang isang relasyon. Masaya, misteryoso, mapanganib, malungkot, malaya...