chapter 2: The Beginning

1.4K 34 2
                                    

Chapter 2: The Beginning

Pagkababa ko palang ng hagdan ay naabutan ko na si Lucas na nakauniform din katulad ko habang naglalakad at may bitbit na plato

Tuwing naaalala ko talaga ang mga pinagsasabi niya kagabi ay nag-uumpisang kumulo ang dugo ko

Nang makita ko ang rubber na tsinelas nito sa gilid ay agad kong kinuha ang isang pares no'n bago ibinato sa likod niya

Napatigil ito sa paglalakad at sinamaan ako ng tingin "What the hell is your problem, you brat!?" baritonong sigaw nito nagpa-irap sa'kin

Ipinagsiklop ko ang mga braso ko. Kung hindi lang siguro ako kapatid nito ay kanina niya pa ipinukpok sa'kin ang hawak niyang plato

"Hindi ka dapat nagpapapasok ng kung sino-sino dito sa bahay mo. At anong sinabi mo? Na engaged na ko? Kailan pa, ha?" nakaangat ang isang kilay kong tanong

"They are not strangers. They are my friends, at sinabi ko lang 'yon dahil alam ko ang tumatakbo sa utak nila"

"Kahit na, mag-aalas dose na ng madaling araw tapos nandito pa rin sila? Tell me, anong oras sila umuwi? O baka naman dito natulog yung iba?" hindi makapaniwala kong tanong na nagpangisi sa kaniya

"Coming from you, huh? Minsan nga madaling araw ka ng umuuwi galing bar, at kung minsan ay hindi ka na rin umuuwi. Tinanong ba kita ng ganiyan?" nang-aasar na tanong nito na nagpangiwi sa'kin

"So anong tawag mo sa nangyari kagabi? At pwede ba? Ayus-ayusin mo ang pananalita mo, ate mo pa rin ako" naiinis na pangaral ko rito

"Yeah, pero kagabi lang 'yon, because you're always doing that kaya kailangan na kitang pagsabihan, ate" sagot nito at talagang diniinan pa ang huli niyang sinabi

Pinanliitan ko ito ng mga mata at agad namang may pumasok na kapilyuhan sa isip ko

"Hmm, so my baby Lucas really cares for me now, huh? that's so sweet of you- and that's new. Mag p-party kaya ako at Ben10 ang theme?" nang-iinis na sabi ko at hindi nga ako nabigo

Noon palang ay ayaw na ayaw niya nang bini-baby siya at noong sinabi ko na dito muna ako mag s-stay ay halos kaladkarin niya na ko palabas

"Stop calling me that shit. This is my house and I will do everything I want. Ako ang masusunod sa'ting dalawa" matigas at maangas nitong sabi bago dumiretso sa dining table kaya agad ko naman siyang sinundan

Pagkapasok ko ay may mga nakahain nang pagkain sa lamesa na sa tingin ko ay niluto niya para sa'ming dalawa, nakaupo na rin siya sa upuan niya

"Seryoso na Lucas. I want you to stay away from those brute. Kilala ko ang iba ro'n at marami akong naririnig na hindi magaganda tungkol sa kanila. So please listen to me because I know what's best for you" seryosong sabi ko bago umalis sa harap niya

MABILIS lumipas ang mga oras, at ako nalang ngayon ang nandito sa loob ng classroom

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari kagabi

Pakiramdam ko ay mas lalong lumiliit ang mundo. Cross isn't just an ordinary man. Isa siyang demonyo, at natatakot ako na baka isang araw ay makikita ko nalang ang sarili ko na sinusunod nanaman ang mga gusto niya

Sa gitna nang pag-iisip ay bigla nalang nabaling ang tingin ko sa pintuan nang bumukas 'yon at iniluwa ang taong hindi ko inaasahan na makikita rito

Napansin ko rin na nakasuot siya ng uniform ng Rivas, at isa lang ang ibig sabihin no'n

Enthusiasm #1: Alexkaizer Buenavista (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon