Chapter 9: Kidnap
Warning: R18Habang hinihintay ko si Mang Badong sa labas ng campus ay namataan ko si Summer na kasalukuyang nag lalakad ngayon sa gilid ng kalsada
Saan naman kaya siya nanggaling?
Hindi maiwasang mapakunot ng noo ko nang mapansing may sumusunod na itim na van sa kaniya mula pa kanina
Mabagal rin ang pagpapatakbo nito na ultimong naghahanap ng tamang tyempo
Kalaunan ay bigla nalang din itong tumigil sa gilid niya. Nakita kong lumabas do'n ang mga lalaking nakaitim at may mga takip rin sila sa mukha
Natuop ako sa kinatatayuan ko at hindi ko magalaw ang katawan ko, gusto ko man sumigaw at humingi ng saklolo ay hindi ko magawa
Wala na rin masyadong tao dito dahil kanina pa ang dissmisal at siguradong nag uumpisa nang mag-klase ang iba
Nang tuluyan na nila itong maipasok sa van ay mabilis naman nila itong pinaharurot paalis
"Summer" naibulong ko nalang sa kawalan nang dumaan mismo ang van sa harapan ko
Hindi ako makapag-isip ng maayos pero buti nalang ay may dumaan na taxi kaya pinara ko 'to at agad sumakay
"Kuya, dali! sundan mo yung black na van, huwag na huwag mong aalisin ang paningin mo ro'n" nagmamadali at madiin kong bilin dito na agad naman niyang sinunod
Wala akong ideya kung bakit nila siya kinidnap, ano ba talagang pakay nila sa kaniya?
Sa gitna ng pag iisip ko ay bigla nalang nag ring ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha mula sa bulsa ko
Nagdadalawang isip pa 'ko kung sasagutin ko ba ito o hindi, nang makitang si Louise ang tumatawag
Siguradong hinahanap na kami nito dahil sabay-sabay kaming umuuwing tatlo ayon na rin sa kagustuhan ng tatay ko
Nag-text nalang ako na mauna na sila at marami itong tinanong pero hindi ko na nagawang mag reply pa
ilang minuto ang lumipas ay bigla nalang tumigil ang taxi kaya taka kong tinignan ang driver at mukhang nakuha naman nito ang gusto kong iparating
"Ma'am, private property na po ito, hanggang dito nalang po ako" nang sabihin niya 'yon wala naman akong nagawa kaya kumuha na 'ko ng pera sa wallet ko
"Here, keep the change" ani ko at inabot ang isang libong bayad
"Salamat po, Ma'am, ingat po" agad na akong lumabas bago tinahak ang daan kung saan pumasok ang itim na van
Ang bakod na yero nalamang ang makikita rito kaya agad akong pumasok sa gate na gawa rin sa yero
Pagkapasok ko palang ay bumungad na sa'kin ang isang malaking abandonadong building na tanging makikita rito maliban sa sasakyan na ginamit nila kanina
Mabuti nalang ay walang nagbabantay o pakalat kalat dito kaya may tsansang makapasok ako nang hindi nila alam
Agad akong naglakad palapit ro'n at pagkapasok ko palang sa loob ay madilim na pasilyo na agad ang bumungad sakin, tahimik rin rito na nakakapagdagdag ng takot ko
Dahan-dahan ang ginagawa kong paglalakad at iniwasang makalikha ng ano mang ingay dahil malaki ang tyansa na mahuli ako
Kinakabahan ako dahil baka bigla nalang akong may makabungguan dahil walang kahit ano mang ilaw rito at wala rin masyadong bintana
BINABASA MO ANG
Enthusiasm #1: Alexkaizer Buenavista (Completed)
RomansaEnthusiasm Series #1: Alexkaizer Buenavista (Under Revision) "You've become a brave woman now, huh? too bad, you're still my baby after all" ⚠️ Ex-boyfriend