Mag-aalas tres na nang madaling araw nang maalimpungatan ako na ako nalang ang mag-isa sa kama
Out of curiosity ay hindi na ko nag dalawang isip na lumabas ng kwarto para hanapin siya
Naglalakad palang ako sa corridor nang may marinig akong mga pamilyar na boses na nag-uusap
Kung hindi ako nagkakamali ay 'yon ang mga kaibigan niya
"No evidence has been found by the police that could implicate you to the crime, kaya wala ka ng dapat ipag-alala" rinig kong sabi ni Killian na nagpabilis ng tibok ng puso ko
Kung ano man ang krimen na tinutukoy nila ay sigurado akong mabigat 'yon, at hindi basta basta
Ano pa bang aasahan ko sa kaniya? Sa kanila? Mula nang makilala ko si Cross ay wala akong magandang narinig tungkol sa buong pagkatao niya
"What if Sam finds out about it? What are you going to do, Kai?" biglang tanong naman ni Void na ikinatigil ko sa paglalakad
Nag stay muna 'ko dito sa corridor at nanatiling nakatago sa pader dahil parang may nag tutulak sakin na pakinggan ang pinag-uusapan nila
"I mean, alam naman natin na mainit ang dugo mo sa lalaking yon, at alam niyang minsan mo ng pinagtangkaan ang buhay niya. Baka paghinalaan ka" pagpapatuloy pa nito na mas lalong nagpagulo ng isip ko
Mas lalo akong lumapit at sumilip ng konti para makita ang ginagawa nila
Kasalukuyan silang umiinom ngayon habang nakaupo sa pabilog na couch, at sa gitna naman ay may lamesang punong puno ng beer
"There are no secrets that aren't revealed, and what if she finds out that you murdered her beloved best friend? Sigurado akong tatakbuhan ka nanaman niya" natatawang sabat ni Killian na nagsimulang magpanginig nang mga tuhod ko
Nangingilid ang luhang napahawak ako sa nanginginig kong mga labi dahil sa narinig
Samo't-saring emosyon ang nararamdaman ko
"Without anyone telling her, she won't know anything" paos na sabi nito bago sumimsim sa alak na hawak niya
Hayop siya,
"But don't be too com—" hindi na natapos ni Cassian ang sasabihin niya nang may mag salita mula sa gilid ko
"Samantha" biglang tawag sa'kin ni Reid na mukhang kakagaling lang sa kusina na sapat na para marinig nila Cross
Saglit kong binaling ang paningin ko sa kaniya bago lumabas ng pinagtataguan ko
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ko dahil sa mga narinig ko
Nakatuon lang ang paningin ko kay Cross na ngayon ay mahigpit na nakahawak sa baso niya na ultimong malapit na itong mabasag
"T-Totoo ba? I-Ikaw ang p-pumatay sa k-kaniya?" humihikbi kong tanong na mas lalong nagpadilim ng awra niya
Agad siyang tumayo bago lumapit sa gawi ko at hinawakan ang pisngi ko pero agad ko rin itinabig 'yon pero hindi siya nag pa-awat
"You just misunderstood our conversation. May usapan tayo, hindi ha? You should go back to bed and sleep" malambing niyang sabi pero tinabig ko lang ulit ang kamay niya dahilan para lumukot ang mukha nito
"Huling huli ka na, pero nagsisinungaling ka pa rin!?" hindi makapaniwala kong tanong
"Go back to our room. Don't make me repeat myself" madiin niyang sabi pero agad ko siyang ginawaran ng isang malutong na sampal
BINABASA MO ANG
Enthusiasm #1: Alexkaizer Buenavista (Completed)
RomanceEnthusiasm Series #1: Alexkaizer Buenavista (Under Revision) "You've become a brave woman now, huh? too bad, you're still my baby after all" ⚠️ Ex-boyfriend