CHAPTER 25

806 20 1
                                    

Pagpasok namin sa loob ng bahay nila kate tumambad saakin ang pagkalat kalat nilang bahay

As always!

"Ay! susmaryusep!" gulat na sigaw ni Saning

Mama ni kate!

Ngumiti naman ako kay tita at nagmano
Tita pagkaharap namin sila pero Paning,Saning at Waning ang tawag namin pag kaming tatlo lang

Katatawa ng pangalan noh? haha magkakaibigan kasi sila simula bata,parang kami lang nila kate at drew

"Jusko!! bata ka bakit ang tagal mong hindi nagpakita"

Binaba niya ang labahin na hawak niya at yumakap saakin

"Na miss po kita tita" ika ko

"Maslalo na ako iha! naku! yang si kate parang bata iyak ng iyak nung hindi ka namin makita sa bahay niyo"

Umupo kami sa sofa at inalalayan pa ako ni drew dahilan para mag ayiieeehh yung mag ina

Sge ganyanin niyo ako hindi ko kayo bibiyayaan ng yaman ko ngayon...joke

Pagkatapos makipag kwentuhan saakin ni tita,umalis na din siya para ituloy yung labahin niya

Paulit ulit din nilang tinatanong kung anong nangyari saakin,pero iniiwas ko yung tanong at alam ko namang gets nila yun kaya iba na lang pinag-usapan naming apat

Basta ang sabi ko may trabaho lang ako...ayw ko namang sabihing yaya ako ng mayamang pogi tapos mahal namin ang isat isa...ayy ako lang pala!

Grabe sobrang na miss ko si tita saning...siya kasi nag -aalaga saakin dati pag may lagnat ako at hindi ako inaalagaan ni mama

Speaking of mama,lumipat kami ng bahay dati,ngayon na sa kabilang kanto na dati kasi dito eh,magkakapit bahay kami kaya bestfriend yung mga nanay pati anak

"Yuck ang pangit mo talaga dito cai!" turo ni kate sa lumang picture naming tatlo

Nandito kami sa kwarto niya kinakalkal yung mga picture at kung ano anong bagay na naipon naming tatlo bilang memories

"Kaya nga pangit tawag natin eh!" asar ni drew

Hinampas ko namang silang dalawa at ang mga g*go nagtawanan pa

"At least maganda" proud kong sabi sabay flip hair

"Yuuunnn!! doon ka tumama"

Nginitian ko naman si drew kasi sang-ayon siyang maganda ako

"Geeezzz! parehas kayong pangit" kunwaring diri ni bubuyog

"Wag kang mag-alala buyog maganda karin naman" akbay ni drew kay kate

Tinaasan naman siya ng kilay nito

"Sa paa nga lang tsk!.....aarayyy!" himas niya sa mukha niyang aso

Kinuha ni kate yung unan at mas lalong hinampas iyon kay drew,akala ko hindi ako kasama pero halos mahilo ako ng hampasin nila ako ng unan sa ulo

"T*ngina niiyoooo!!!" sugod ko habang hawak ang dalawang unan

"Aray!!! ko pangit masakit!!"

"Shit yung pretty kong buhok"

Mga hiyaw at daing nila

Naghampasan at nag-asaran lang kami ng unan ng isang oras

Halos magsiliparan na lahat ng bulak ng unan..syempre pagkatapos namin binalik namin yung mga bulak baka mapingot pa kami ni tita saning

Possessive Billionaire #1: Stepbrother ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon