CHAPTER 28

657 14 0
                                    

Ginagamot ni kate ang gilid ng labi ko habang humihikbi

"Sinabi ko na sayo dati na lumipat ka saamin" malungkot niyang ika

Pero hindi ako makasagot sa sinabi niya dahil alam naman niyang hindi ko kayang iwan ang pamilya ko kahit impyerno ang buhay ko dito

Pinunasan ko ang luha na kanina pa agos ng agos habang ginagamot ako

Ang hirap makita ang kaibigan mo na nasasaktan sa tuwing nasasaktan karin

"Kate pwede ba akong makiusap"

"Ano yun" he sat beside me

"Pwede bang habang wala ako ikaw muna ang mag-alaga kay kairo?" pakiusap ko sa kanya

Ngumiti namang siyang pilit at tumango

"Ano ng plano mo?" tanong niya

Napabuntong hininga na lang dahil hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya...papagalitan niya lang ako

"Magtatrabaho muna ako para maipagamot ko si kairo" tingin ko sa nanghihinang kapatid ko sa dami ng pasa niya at sugat niya sa katawan

"Oo naman! basta kayo ni kairo cai!"

Niyakap niya ako ng mahigpit at napahikbi na lang ako sa braso niya...ang hirap ng ganito ang sakit para saakin makita ang kapatid kong nakaratay at hinang hina sa kama ko

Bumukas ang pinto at iniluwa dun si drew na galit na galit pero agad ding nawala ang galit sa mukha niya ng masilayan niya si kairo

"P*tang ina" halos bulong niyang ika

Nag-iwas na lang ako ng tingin...ayaw ko silang panoorin

Kapatid narin ang turing ni kairo kay drew,halos araw araw dati sila lang ang magkalaro

"Napaka g*go ng tatay mo" pigil niyang galit "sisiguraduhin kong makukulong siya sa oras na matapos ko ang pag-lalaw"

Ang pangako niya...hindi niya parin pala nakakalimutan...pangako niyang magtatapos siya bilang attorny at ipapakulong ang tatay ko...saksi si drew simula bata kami,halos patayin kami ni tatay sa bugbog kaya nag-aaral siya habang nag tatrabaho...malaki ang utang na loob ko sa kanya

Nakiusap ako sa kanilang dalawa na bantayan at alagaan ang kapatid ko habang nagtatrabaho ako...noong una ayaw nila pero kailangan ko yun dahil hindi ko naman maaasahan ang magulang ko,lalong lalo na ang tatay ko..pagkatapos niyang akuhin ang pag-aalaga kay kairo kasama ang babae niya ay iuuwi niya ngayon dito na halos hindi na makahinga sa sobrang pagbubugbog

Umuwi ako sa bahay ni duke...pero pagpasok ko pa lang lungkot agad ang naramdaman ko

Hindi ko man lang siya nasamahan sa business trip niya

Ang saya na ng lahat eh! pero dumating naman ang kinakatakutan kong problema

Hindi ako nakaramdam ng gutom kaya maghapon akong naglinis sa buong bahay niya para kahit papaano mawala man lang yung stress

Pagtapos kong naglinis dun lang kumalam ang sikmura ko kaya pilit na lang akong kumain kahit wala naman talaga akong gana

****

On call

"Hello baby!?" Isang malambing na boses ni duke

Tulala lang ako sa kisame habang nakahiga sa kama namin...unang gabi pa lang na mimiss ko na siya

Possessive Billionaire #1: Stepbrother ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon