CHAPTER 30

660 12 0
                                    

"Fi-fiance?" utal kong tanong

"Hmm! yes,eyy why are you crying?" hawak niya sa kamay ko

Hindi ko alam ang sasabihin at gagawin ko..tama nga ang akala ko,ikakasal na siya

"Omygod your hand's bleeding" tulala lang akong nakaharap sa kanya

Gusto kong umalis sa harapan niya at pagsalitaan siya ng masasamang salita at sampalin pero walang lumalabas na kahit ano sa bibig ko,tanging luha lng na tumutulo pabagsak sa sahig

"Come here gamutin natin yan" hinila niya ako sa sofa

Kumuha siya ng first aid kit at umupo sa tabi ko sinimulan gamotin ang kamay kong dumudugo

Napatitig ako sa mukha niya, wala akong magawa p*tangina, paano ko mumurahin o sasampalin ang gantong babae na walang kaalam alam na ang fiance niya may ibang nilalandi sa loob ng pamamahay niya at katulong pa

Paano ko siya papalayasin sa magiging bahay niya at kung ganto siya kabait...hindi niya ako kilala pero nandito siya ginagamot ang sugat ko

Bakit naman ganto duke!

"Stop crying,masyado kang maganda para umiyak sa sugat" matamis na ngiti niya

Pinunasan ko na lang ang luha ko at ngumiti sa kanya

"Pasensya na,natuwa lang ako na may fiance na pala si duke"

Sinungaling,sarili ko mismo ang niloloko ko

She smiled "ako nga rin eh! i didn't expect na siya ang magiging asawa ko"

"Co-congrats" utal ko

"Thank you" ngiti niya at tumingin sa singsing na suot niya

Halatang sobrang saya niya kay duke, parang hindi ko kayang mawala yung ngiti niya o nilang dalawa ng dahil saakin

Pero paano naman ako?!...kapatid,oo isa lang akong kapatid

"Oow! by the way ikaw ba yung kapatid niya,matagal na niya kasing hinahanap yun eh"

Oo,kung pwede lang sabihin at kung pwede lang sabihing may namamagitan saamin

"Naku hindi,katulong lang niya ako dito" plastic kong ngiti

"Ay! I thougth,nevermind kamukha mo kasi siya"

Anong laban ko dito,mukha pa lang maganda na,para pang model sa sobrang tangkad...ako? maliit na nga ang daming pang problema sa buhay

"Kumain kana ba?" tanong ko

Napakamot naman siya sa ulo niya "Not yet"

"Hintay ka lang dito magluluto muna ako" ngiti ko

"Ah! no wag na I'll order na lang para makapagkwentuhan naman tayo" matamis niyang ngiti

May magagawa ba ako?...ang hirap pala maging plastic, hindi naman sa plastic parang ang hirap lang para saakin na makitungo sa kanya gayong wala siyang kaalam alam about samin ni duke

Ilang minuto rin dumating ang order niya, kung ano anong pinag kwentuhan namin pero medyo iniiwas ko ang tungkol saamin ni duke

"Ilang buwan kana pala dito?"

"Mag iisang taon narin" sagot ko

"Is he good to you?,hm i mean trinatrato kaba niya ng maayos?" takang tanong niya

Tumango na lang ako,hindi naman nakaligtas saakin ang pagtaas ng isa niyang kilay

Normal lang naman siguro na magselos siya pero huwag niya lang sanang malaman lahat

Possessive Billionaire #1: Stepbrother ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon