CHAPTER 59 KIDNAPPED

5 10 0
                                    

>Wag kang mag alala , hangga't nasa tabi mo ako ..... at hangga't hawak ko ang kamay mo ... walang mangyayaring masama sayo.. dahil....po - protekahan kita

Marahan kong minulat ang aking mga mata , unang bumungad sa akin ang malawak na kisame ng silid na kinaroroonan ko ngayon , malambot at malaki ang kamang kinahihigaan ko ngayon , mabango ang paligid at-----

Teka!

Agad akong natigilan at nanlaki ang mga mata ko ng muli kong maalala ang huling nangyari sa akin .

Nawalan ako ng malay! At may lalakeng tumangay sa akin!

Agad akong napabalikawas at napabangon ngunit bigla din kumirot ang ulo.

Arghhhh!

"You're awake" agad akong napalingon sa taong nag salita .

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ito.

"Ikaw!" hindi ako pwedeng magkamali , siya yung lalakeng sinuntok ko nung araw na nag kita kami ni spencer. "Anong ginagawa mo dito?!" Singhal ko dito habang sapo sapo ko ang aking ulo na kumikirot kirot pa. Pilit kong bumangon pero bumagsak lang din ako ulit sa kama.

Tangina!

Muli akong napatingin dito ng marinig kong tumawa ito ng mahina.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan?! Alis!" singhal ko dito na lalo niyang ikinahalak hak ng tawa.

"Bakit naman ako aalis sa sarili kong pamamahay..." Nakangising sambit nito na siyang ikinatigil ko.

Teka Tama ba yung narinig ko?!
Asan ba ako?!

"B-Bahay mo to?!" Gulat na ugtang ko dito.

Naglalakad ito papalapit sa kinaroroonan ko habang nakangising nakatingin sa akin "Oo , at kwarto ko ito.." sambit nito na mas lalo kong ikinagulat.

Piniling ko ang ulo ko , kumikirot parin! Tangina talaga! kung wala lang talaga akong iniinda ... Kanina ko pa siya sinapak ...

Pinilit kong tumayo at matalim ko itong tinitigan "Bakit ako nandito?!"

Ngumisi lang ito at mas lalo pang lumapit pa sa akin . "Dahil kailangan kita , laban sa H. BROTHER'S"

Teka! Balak niya ba akong gamitin laban kina dexter?!

Nayukom ko ang aking kamao at pilit na nilalabanan ang kirot sa aking ulo.
malakas ko siyang itinulak ngunit hindi niya iyon ininda "At sa tingin mo magpapagamit ako ?! "

"Wala ka ding magagawa" nakangising sambit nito at agad niyang hinuli ang aking pulso at hinila papalapit sa kanya. "May kasalanan ka pa sa akin " nakangising sambit nito .

Pakiramdam ko gusto ko siyang upakan ng walang tigil at bibinatin ko yang bibig niya .

Malakas kong binawi ang aking kamay ngunit hindi niya ito agad binitawan sa halip ay hinilia niya pa ako papalapit sa kanya.

"Bitawan mo ako!"matigas na sambit ko dito na may tono ng pag babanta

"Paano kung ayo ko?" Pang hahamon nito.

OH MY BOOK (PUBLISHED)Where stories live. Discover now